Sabina HINDI KO napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Ang hapdi tuloy ng mga mata ko nang kusa nang tumigil ang pagtulo ng luha ko. Hindi ako iyakin. Marami-rami na rin akong napagdaanan noong bata ako kaya’t natutunan ko na huwag umiyak sa mga panahong nahihirapan ako. Dahil kahit ano iyak mo, hindi naman ito tunay na nakakatulong. It will give you a temporary ease pero babalik lang din. Kaya ang ginagawa ko, nilalabanan ko ang mga negatibong nararamdaman. Nagtatago ako sa masayahing Sabina at ikinukulong ang tunay kong nararamdaman. Akala ko noon, kaya ko pero naiipon lang din pala siya in the long run at kapag napuno ka, kusa na lang babagsak ang mga luha kahit ayaw mong umiyak. Iyan ang nangyayari sa akin. Bukod sa rejection na natanggap ko mula kay Hades, umiiyak ako dahil sa iba k