Sabina LIFE GOES ON. Malaki ang aking naging pasasalamat na Sabado ngayon at hindi ko makikita si Hades. “Anong ginagawa mo rito?” Tinaasan ko ng kilay si Jaime. Nakita ko ang mga sugat sa mukha niya dahil sa naging pagsuntok ni Hades sa kanya kagabi. I admit, I never thought Hades was capable of violence. Malakas naman pa lang manuntok din. “Binabantayan ka.” Pumasok siya sa loob ng apartment ko. Napairap ako sa hangin dahil pumasok siya kahit walang permiso ko. So much for privacy. “Hindi ko kailangan ng bantay, Jaime.” Tiningnan niya ako. “At hindi mo rin kailangan maging undercover kay Salvatore.” Kinagat ko ang labi ko. He knows how to get under my skin! Nakibalita na lamang ako sa pamilya ko sa kanya. Kailangan kong pakisamahan si Jaime, dahil kung hindi ay maaari niya ako