EDNALYN
“Hoi pag-sure dihai Inday Merlyn. Ten minutes lang naman ang lampas ko. Matagal na iyon sa'yo?”
“Sayang oras,” angal pa nito.
Hindi na ako sumagot na end call ko na habang nagsasalita. Napa halakhak pa ako at panigurado mamaya tatalakan ako nito.
Nang masiguro wala ng akong nakaligtaan nakasaksak. Dinampot ko ang bag ko at tumungo kung saan ang elevator. Dito sa office floor ni Sir Tañala ay wala akong kasabay na sumakay pagdating sa sumunod na floor ay siksikan na.
Sabay-sabay kasi ang lunch break kaya daming taong nag-aabang sa elevator. Sa dulo ako at kahit ganun, ay nasiksik pa rin ako sa mga bagong sakay.
Sana pala naghagdan na na lang ako hindi na sumakay rito. Kung alam ko lang ganito ka-crowded. Hirap pa naman bumaba nasa dulo ako. Late naman marami pang tao. Bulong ko.
Tahimik ang loob ng elevator ng mag-usap ang nasa unahan ko. Tungkol sa gaganaping party ang pinag-uusapan ng dalawa kong ka-trabaho.
“Venus may damit ka na bang susuotin sa Sabado?” naulinigan kong tanong ni Jelly sa kasama.
Sa harapan ko kasi sila kaya malinaw kong naririnig ang pag-uusap nila. Nakikinig lang ako. Honestly kabado at excited ako sa party. I don't even understand why? Siguro dahil panibago adjustment kaya ganun. Ako kasi ang makakasama ng new boss kaya ganun ang pressure para sa akin.
“Ikaw meron na ba?” sagot ni Venus kay Jelly. Itong dalawa namin kasamahan sa trabaho ang medyo feelingera. Pa sosyal ayaw ng malamangan buti nga hindi ko ka department ang mga ito dahil ayaw ko ng mga ganito kasama. Mas maganda na lang solo ako kaysa maraming pakikisamahan na sosyal. Mga dalaga pa kasi itong dalawa kaya siguro ganun.
Lihim akong napairap ng sumagot pa ang Jelly.
“Ako pa ba ang pahuhuli kailangan girl, dahil darating daw ang batang Altamerano. My gosh ng dumalaw rito kahapon dami natin kaagaw kaya dapat lang maganda tayo girl,”
Napatingin ako sa dalawa. Nagtaka ako meron pa pala batang Altamerano. Sa totoo alam kong Altamerano ang nakabili sa kumpanya ni boss Tañala. Ngunit hindi ko alam kung matanda or bata.
Palagi kasing assistant ang representative nito ang nagpupunta rito sa office dahil busy daw ang boss nito. Kilala naman talaga ang mga Altamerano sa business world. Pero hindi nagpapakita ang sinasabi na batang Altamerano. Nakita ko kasi mga tabloids ay may-edad na lalaki.
So ang batang Altamerano pala ang attend. Ah…okay ‘yon pala ang pinag-uusapan din kanina ng mga babae kasakay ko sa elevator na hot daw. So iyon pala ang bago kong boss na batang Altamerano. Hindi naman ako interesado dahil iisa lang ang hot para sa akin. Natigil lang magkwento si Venus at Jelly ng huminto ang elevator. Same pala lahat ang babaan kaya hindi ako nahirapan pagbaba.
Nagmamadali ako hanapin si Merlyn. Natatanaw ko na mula sa malayo sa p'westo nito. Nagta-type ito sa hawak na phone, ako pala ang tenetex nito dahil nag message alert tones ang phone ko sa loob ng bag ko.
“Hahaha,” natawa ako sa text nito naka Capslock pa. Galit na talaga ang bruha.
Merlyn:
HOI! NASAAN KA NA BA?! NAGUGUTOM NA AKO INDAY.
Bumungisngis ako dahil daming emoji ng angry sa baba ng message nito.
Hindi na ako nag-reply dahil malapit na ako sa kaniya. Hindi lang talaga ito nag-angat ng tingin kaya hindi pa ako nakikita. Nag-aantay siguro ng reply ko.
“Hi beshy,” nagulat pa ito dahil hindi inaasahan narito na pala ako sa harapan niya.
“Tagal mo! Naiinip na at gutom na ako. Saan ka ba galing at ngayon ka lang dumating?!” masama ang tingin na sita nito sa akin.
“Sa office, hindi ko lang namalayan ang oras kaya lumampas. Chillax besh, tingnan mo nga ang straight mong bangs parang nakukulot dahil high blood ka,”
“Masyadong sinipagan lampas na sa oras. Dapat mamaya mo pinalampas overtime muna sana,”
“Order na tayo bilis…” ani ko pa sa kaniya. Hindi ko lang pinansin ang reklamo niya sa akin. Self service dito sa canteen ng company. O-order lang sa counter antayin namin hanggang matapos upang dala rin kung anong order namin pababalik sa table.
“Gusto mong ako na ang o-order?” tanong ko pa sa kaniya.
“Sure ka? Pwede naman samahan kita,” suggest pa nito.
“Walang magbantay sa table natin,” wika ko.
“Awts! Oo nga pala. Kung okay lang sa'yo, besh, Ikaw na lang,” sagot niya sa akin.
“Alright beshyup. D'yan ka na lang ako na ang bahala. Pero, pera muna beshy, baka nakalimutan mo wala akong pang-abuno.”
Akmang iaabot niya sa akin ang bayad niya nginisihan ko. “Joke lang libre ko na dahil happy ako ngayon,”
Napatulala pa ito sa akin at napaawang ang labi nito dahil sa sinabi.
“Woi Merlyn Gomez, napaano ka?”
“Ows? Bakit may balita na ba sa palalabs mo?” iyon ang sagot niya sa akin.
Inirapan ko ito daming maisip bakit pa si Sir Everette ang itatanong nito. Alam naman niya na nalulungkot ako kapag naalala ko si Sir.
“Alam mo besh panira ka? Sasaktan mo nanaman ang damdamin ko. Buti na lang talaga masaya ako ngayon,”
“Dahil sa ano?” aniya.
“Opss…later na order muna ako ng pagkain natin,”
Aangal pa ito subalit nilayasan ko na. Dahil late na kami magla-lunch. Mabilis akong nakabalik sa p'westo namin dahil wala gaano pila sa counter.
“Ayan kain na tayo gutom na rin pala ako,” wika ko pagkapag ko ng tray pinaglagyan ng order na pagkain.
Nag-umpisa kaming tahimik na kumain. Ang iba ay tapos na rin nanonood lang ng TV. 1 pm pa naman ang balik namin sa office kaya may time pa magpahinga.
Hindi nakalimutan itanong ni Merlyn ang kanina sinasabi ko na balita. Hindi muna ako sumagot tinapos ko muna ang huli kong subo.
"Ano nga iyong sinasabi mo kanina?" tanong sa akin.
"Ay nakalimutan ko. Oo nga pala kinumusta ka kanina ni boss mo pagkahatid ko sa papers sa office niya," natawa ako dahil agad nalukot ang mukha nito. Ano naman kaya ang ayaw nito sa boss nito? Pogi rin kaya si Sir Rennier.
"Tsk!" umismid ito sa akin.
"What?? Iyan lang ba reaction mo?" wika ko pa.
"Hindi bale na lang akala ko pa naman ay gusto mo si Sir Rennie," tumikwas ang labi ko dahil nag-blush ito.
"Seryoso na kasi 'wag iyong pangit na boss ko ang i-topic natin,"
“Okay sabi mo eh. Ito na beshy. Alam mo besh, goodnews pala ni Sir Tañala sa akin kanina ay walang tatanggalin na employee. Besh masaya ako dahil hindi na ako mag-iisip kung kukunin pa ba akong secretary ng new boss,”
Tumango-tango ang kaibigan ko kapagkuwan ay inirapan ako. Tinaasan ko ito ng kilay. Problema nitong bestfriend ko kung maka react mukhang hindi nagustuhan ang binalita ko.
“Babahita anong reaction ‘yan?!”
“Wala besh, kasi nakita ko kahapon ang new boss ang guwapo,”
“Ah okay,” wika ko. Tinitigan niya ako na animo hindi nagustuhan ng sagot ko.
“Anong okay?! Hoi Ednalyn ha? Mukhang strict iyong batang Altamerano. Hindi nangiti baka mahirapan ka,”
“Iyon lang ba? Edi hindi rin ako ngingiti. Tsaka ano kung guwapo? Wala ng mas gu-guwapo kay Tobias Felix ko,” laban ko pa sa kaniya.
“Hayss sana nga besh hindi ka mahirapan kasi may babaeng nakalingkis sa batang Altamerano. At mukhang selosa besh,” napangalumbaba pa ito sa lamesa.
Pabiro ko itong mahinang pinitik sa noo niya.
“Alam mo ikaw masyado kang advance mag-isip. As if naman magseselos sa akin ang babae. Hello tingnan mo nga ako may anak na–”
“Pero sexy at maganda,” mabilis na sagot ni Merlyn sa akin. Nakangiti akong tumango-tango.
“Kaya love kita besh dahil pinapalakas mo ang loob ko. Kahit ikaw lang ang nagagandahan at nasexyhan sa akin ay sapat na,”
“Sira. Puro ka kalokohan. Kung palipat ka na lang kaya ng department besh. Palipat kay Mr. Tañala,” aniya nakapangalumbaba pa rin. Kumunot ang noo ko. Tinitigan ito.
“Ha? Saan naman okay lang ako alam mo naman ang kakayahan ko diba?” alanganin itong tumango. Na-curious tuloy ako sa babaeng sinasabi nito.
“Tara na nga lang balik natayo sa office natin. Mamaya baka marami pa tayo makasabay mauna na tayo,”
Tumingin ito sa kaniya relo. Wala naman pagtutol. Nakalimutan na rin nito ang pinagdaanan problema kanina, ngayon ay masaya na.
May humabol sa elevator na sasabay sa amin.
“Wait Ednalyn, pasabay,” sigaw nito.
“Beshy si Sir Rennier,” bulong ko kay Merlyn. Nag-blush ito. Kaya tinusok tusok ko sa tagiliran. Ayaw nitong lumingon.
Si Sir Rennier ay sa head accountant. Under nito si Beshy. At alam ko ay crush ito ng kaibigan ko kaso nga lang mukhang hindi napapansin ni Sir Rennier.
Hindi muna kami pumasok sa loob. Ako ang lumingon kay Sir Rennier nakangiti malapit ng patungo sa amin.
“Sir sasabay po kayo kay, Merlyn?” ani ko kaya mabilis ako nito palihim na pandilatan ng mata. Gusto ko lang asarin ang kaibigan ko.
“Sir tara na po marami pa ako gagawin sa taas,” wika ko.
Nagpatiuna akong sumakay sa elevator. Mauuna si Merlyn bumaba bago ako. Kaya nangingiti ako dahil hindi makagalaw ang kaibigan ko sa tabi ko.
“Sayang pala dapat niyaya ko kayo sa labas kumain,” tila nahihiya na sabi ni Sir Rennier.
“Sana sinabi n'yo po sa akin kanina paghatid ng pinadala ni boss, hindi sana kami sa canteen kakain,” sagot ko.
“Ah ganun ba…baka kasi ayaw ni Ms. Gomez–”
“Naku hindi po gusto niya iyan nahihiya lang. Diba beshy. Ahehe,” dinaan ko sa tawa dahil mahina ako nito kinurot sa tagiliran ko.
“Sige sa susunod. Malungkot nga na ako lang mag-isa ang kumain sa labas,” alanganin na ngiti nito.
“Ay sa inyo ng floor Sir Rennier, besh so paano ingat sila sa'yo,” wika ko.
“Ingat ka r’yan,” sinamaan niya ako ng tingin. Hindi pa inantay si ang boss nito at lumabas na ng elevator. Walang nagawa si Sir Rennier kun'di tanawin ang papalayo kong kaibigan.
Nakangiti ako nakatanaw sa kaibigan ko habang may naglalaro sa isip ko. Soon magkaka lovelife na talaga ang Beshy ko, kapag pinaspasan ni Sir Rennier ang pagpapacute rito. Dahil tingin ko gusto rin ito ng kaibigan ko.
“Paano Sir, nauna na si Merlyn,”
“Oo nga eh, masungit,” pabulong na sabi nito.
“Si Beshy? Naku baka nahihiya lang po Sir Rennier. Mahiyain kasi ‘yon. Paano po Sir Rennier, aakyat na po ako,” paalam ko pa rito at tuluyang sumara ang pinto ng elevator.