EDNALYN “Paano besh, b-bye na…kita-kits n lang mamaya. Ay mali. Magkita pala tayo mamaya dahil patungo naman ako sa bahay mo,” paalam ko rito pagbaba ng taxi sinakyan namin. “Okays besh. Matutulog din muna ako at mukhang sumakit ang ulo ko sa tirik na araw,” aniya habang hinihilot ang sentido nito. “Ikaw kasi ang arte-arte mo. Nag-alok na si Sir Rennier, na isakay tayo kanina masyadong pakipot. Sayang ang g'wapo pa naman ng kotse ni Sir Rennier,” wika ko pa. Nakita ko ang reaction nito. Kaya pinigil kong tumawa at nagtaas pa ako ng kamay tila ako sumusuko nang masama agad ang tabas ng mukha nito. “Ayan ka naman Ednalyn! Ayaw ko nga roon sa lalaking ‘yon. Ang babaero kaya noon hindi mo lang alam,” laban niya sa akin. Napa awang pa ang bibig ko sa sagot nito sa akin. “Ows? Pero mukhang