CHAPTER 5

1388 Words
EDNALYN Bago ko silipin si boss sa office niya. Naglinis muna ako ng alikabok sa office table ko pagdating sa p'westo ko. Nang matapos ko ‘yon nagpasya na akong katukin si boss. Si Mr. Luisito Tañala upang ipaalam na narito na ako sa labas. “Knock!” “Sino ‘yan?” sagot nito sa loob. “Ako po Sir, si Ednalyn,” sagot ko sa may-edad ko rito. Nag-antay ako kung papasukin ako upang kunin kung anong ipag-uutos nito sa akin na gagawin. Singkwenta na ang edad ni Mr. Tañala at sa ibang bansa na maninirahan kasama ng may bahay nito. Naroon kasi ang mga anak nito ayaw ng umuwi ng Pinas. Mas gusto sa Australia dahil may business din naman doon na minamanage. Kaya nga ito benenta ng lamang ng boss ko Tañala Enterprises. Dahil matanda na raw siya kailangan din magpahinga sa tagal nitong ginugol ang panahon sa pagpapalaki ng negosyo na hindi naman nagka-interest angga anak nito. Mukhang nakalimutan ako ni boss a, inulit ko ang pagkain ‘tsaka lang ito sumagot. “Ikaw pala hija. Pasok ka muna, Hija,” wika pa nito. Hindi naman naglo-lock ng pinto ang boss namin dangan nga need pang kumatok at kung hindi ito nagsasabi na p'wede kang pumasok ay mananatili ka sa labas. Nasanay kami roon dahil mabait ito kaya nga lang pagdating sa trabaho super strict talaga ito na ganun naman yata lahat ng mga negosyante. “Pasok ka hija. Meron akong magandang balita sa'yo,” nasa boses nito na mukhang excited. Hmmm sana ay good news ang hatid ni boss dahil ayaw ko ‘ata mawalan ng trabaho maging ang ibang kasamahan ko. Haka-haka kasi ng karamihan ay suplado at mas estrkto ang papalit na may-ari. Baka raw maraming tatanggalin sa trabaho. I'm scared because I've been absent a lot these past few months dahil sunod-sunod na event sa school ng kambal. Bilang Inam Ay supportive ako sa kambal ko. Talagang nag-aabsent ako sa office kapag ganun. Napatampal ako sa aking noo. Sobra ko naman mag overthink baka naman hindi mangyayari ang pinangambahan ko dahil sabi-sabi lang nga mga marites na mga kasamahan ko s trabaho. Tumikhim ako bago ko pihitin ang door knob ng office ni Sir Tañala. Napalunok pa ako. s**t bakit ba ako mag-iisip e, sabi naman ni Mr. Tañala gagawin daw niya ang makakaya para sa mga employee na manatili sa kanila trabaho. Kung kailangan daw niyang ulit uliting kumbinsihin ang new management para walang maalis na employee ay gagawin nito. So dapat maging kampante kami. Maniwala kami sa kakayahan ni Boss. Nagbaling ng tingin si Sir Tañala sa pinto ng makapasok ako. Nakangiti ito. “Come Ednalyn. Upo ka muna mabilis ko lang itong pipiramahan at ng madala mo rin sa accounting department paglabas mo rito,” Tumango akong nakangiti kay Sir. Lumakad akong patungo sa visitors chair. Totoo nga ang sinabi nito na sandali lang dahil wala pang seven minutes tapos na lahat pirmahan ang basa harap nitong papeles. “Thanks God at tapos na rin. Simula pa kahapon puro pirma ang ginawa ko,” sabi nito na mahina tumatawa. “Natambakan po kayo Sir, dahil sa pag turnover ng ownership,” wika ko sa kaniya. “Bueno ito ang good news ko, Hija. Sabi ni Mr. Altamerano ay wala raw tatanggalin na employees. Lahat daw ay malayang manatili kung gusto nila ang bagong management.” Masayang balita niya sa akin sabay inabot din ang sinasabi n'tong dadalhin kong mga papers sa accounting department. “Wow! Talaga po Sir. Nakakatuwa naman po salamat kung ganun. Hehehe Isa pa naman ako sa labis na kabado,” tipid kong ngiti rito. “Ngayon ay mapapangiti ka na, Hija, dahil sa good news ni Mr. Altamerano,” “Salamat Sir. Malaking tulong po ito sa amin mahirap din po kasi makahanap ng trabaho ngayon lalo na sa katulad ko na matagal ng nag-graduate. Mahigpit po kasi ang kompetisyon ngayon sa mga office work. Mostly ay fresh graduate ang hanap,” mahaba kong litanya kay boss Tañala. “Paano Sir, lalabas na po ako upang dalhin na ito papers sa accounting,” paalam ko pagkatapos namin mag-usap. “Sige Hija. Sandali a-attend ka naman siguro sa Saturday diba?” Nagbiro ako. “Pwede po ba hindi na, Sir?” ani ko sa kanya. Para naman nag-isip si Sir bago sumagot sa akin. “Bawal kailangan, Hija. Lahat a-attend. Tsaka ‘balato n'yo na sa akin ‘to at last ko na, rito sa kumpanya.” Aniya. Napangiti ako. Attend naman talaga ako katunayan ay may damit na ako dahil kay Merlyn na excited. Nabudol ako ng kaibigan ko. Aba'y last week pa ako hinila patungo sa mall upang bumili ng damit na susuotin. Sa Baclaran sana ako bibili dahil 1000 lang ang budget ko tapos marami naman mapilian na gown doon hindi pa pricey. Magaganda rin naman kaso nga lang na-scam ako sabi lang daw ng ayain niya ako upang mag-window shopping dahil naiinip sa apartment niya. Aba'y bumili nga ang kaibigan ko ng gown ten thousand ang gown ng beshy ko. Once in a lifetime lang naman daw magpapalit ng owner sa kumpanya so, bakit daw hindi itudo na. Napilitan pa ako sa bruhildang ‘yon nalagasan kasi ako ng 4500 sa gown ko lang. Sayang half sa tuition fee na ng Isang kambal ko iyon. “Mabuti naman hija dahil sure daw na darating si Mr. Altamerano hindi lang assistant ang ipapadala. Personal na mag-attend ang new boss n'yo,” napa ‘ah’ na lamang ako sa sinabi niya sa akin. “Psst…besh!” tawag ko sa seryosong si Merlyn na nakatutok ang mata nakatingin sa harapan ng computer. Naibigay ko na sa head accountant nito ang papers na pinadala ni Sir Tañala at naisip ko daanan siya bago ako bumalik sa office ko. “Anong ginagawa mo rito?” saglit lamang akong sinilip pagkatapos ay muling tinutok ang mata nito sa desktop. Ngunit maya-maya ay humarap na sa akin. “Galing ako roon sa head dinala ang pinirmahan ni Boss. Marami kang ginagawa?” usisa ko pa sa kanya. “Medyo. Maraming deadline hanggang bukas,” aniya. “Okays mamaya na lang sa lunchtime. Bye besh,” paalam ko. “Kita mo nga ikaw na babae ka,” maktol pa nito. Natawa pa ako dahil nagreklamo ito na iistorbohin ko siya, tapos lalayasan ko din agad na hindi ko sinasabi rito ang tsismis. Kailangan ko rin umalis doon baka masita ako ng head nila na hindi nag tra-trabaho, pagala gala lang. Okay sana kung hindi mga busy ang lahat ng mga tao ngayon dahil pwede naman sandali kaming magkwentuhan basta hindi tipong hihinto sa trabaho para sa tsismis. Pero ngayon ay mga abala sa gawain nila nakakahiya baka mapagalitan kaming pareho. Nang mag-umpisa akong magtrabaho hindi ko na namalayan ang oras. Hindi na ako nag fifteen minutes break sa umaga. Hindi naman kami bawal kumain kung nagugutom. Itinuloy ko ang mga gawain ko. Umangat lang ako sa harapan ng monitor ng lumabas si Mr. Tañala sa office ko. Nagulat pa ako na tanghalian na pala. “Lunchtime na Ednalyn, hindi ka kakain?” aniya. “Ay oo nga Sir. Salamat po,” wika ko pa. Shutdown ko na ang desk computer ko bago ayusin ang sarili ko. “Una na ako sa'yo, Hija at kikitain ko pa si Mrs. Tañala, sa Asian Chef Restaurant. Doon ang aming pananghalian,” aniya paalam sa akin. Kinilig ako sa dalawa lalo nasilip ko ang pag kislap ng mata ni Sir pagbanggit sa Misis niya. Gusto ko magsabi ng sana all na lang sa extra sweet na si Mr. Tañala. Bukod sa mabait na boss malambing din na asawa. “Ingat po kayo Sir,” paalam ko. Nakahabol lang ako ng tingin sa papalayo may edad na lalaki habang nakangiti. Kung hindi pa nag-ring ang cellphone ko sa bag ay hindi ako kukurap. Nakangiwi akong ng makita kong si Merlyn ang tumatawag. “Ednalyn Del Socorro, saan lupalop ka naro'n at kanina pa ako nag-aantay rito sa baba!” Humagikhik ako dahil nakikita ko na kung kaharap ko ito ay sobrang nito simangot. “Ito na beshyup papunta na,” “Tse! Pagdali oi gutom na me,” mataray na sabi nito. Gutom na nga dahil nag Bisaya na ang bestfriend ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD