CHAPTER 4

2000 Words
EDNALYN Pagkatapos kong magbihis ay hindi ko na pinagkaabalahan pasadahan ang sarili ko sa salamin at basta na lamang akong nagsuklay sa lampas balikat kong buhok, ‘tsaka dinampot ang favorite kong bag na palaging dala-dala kung papasok ako sa office. Kailangan ko kasi ngayon ay maagang makarating sa office dahil maraming trabaho kailangan tapusin bago mag Sabado at doon ang turnover ng company na pinapasukan ko sa new owner. Sa katunayan ay mayroong party sa sabado at sa susunod na araw na iyon dahil Huwebes na ngayon. Isa ko pang tingin sa loob ng shoulder bag ko upang i-check kung meron akong naiwan na gamit. Nang masiguro ko na kumpleto naman ay dali-dali akong lumabas patungo sa hagdan upang bumaba. Diretso ako sa kusina kung saan naroon na rin lahat ang aming dining table. Malayo pa ako ay tumili na si Siobeh dahil nakita na nito ako naglalakad palapit sa lamesa. Sumunod din si Tobias at Ate Diday na tumingin sa akin. “Yahoo…nandito na si Mommy,” pa singsong na sabi ni Siobeh. Napangiti ako sa energetic kong anak na babae. “Ate Diday! Kayo na po ang bahala sa kambal ha?” bilin ko rito pagdating ko sa lamesa. “Ito naman si Ednalyn parang other's. S'yempre akong bahala rito sa pogi at pretty kong mga alaga,” nakangiti sagot ni Ate Diday sa akin. “Mommy, don't worry po ako ang bahala kay Siobeh,” saad naman ni Tobias sa akin. “Aww! So sweet na naman ng Kuya Tobias namin,” masaya kong sabi at pinupog ko pa ng halik sa pisngi ni Tobias. Kaagad lang nito pinunasan kaya natawa na lamang kami ni Ate Diday. Ayaw kasi nitong magpapahalik siya na lang daw ang hahalik at big boy na raw siya. Kumakain pa ang kambal sa kusina dahil nauna na ako kanina. Ngunit inayos ko na ang uniform nilang dalawa. Ibinaba ko na rin naroon sa sala ayos na lahat maging ang gamit nila sa eskwelahan. Pinaliguan ko na rin bago ako nagpasya magbihis kanina. “Mga anak hindi ko muna kayo maihahatid sa school ngayon ha? Super busy lang si Mommy. Pagkatapos lang ng turnover sa office ni Mommy, ay balik ulit tayo sa dating gawi, na ako ang maghatid sa inyo. Ok ba mga babies?” nakangiti ko pang sabi sa kanila. “At si Ate Diday po ang magsusundo sa amin. HEHEHE…memorize ko na po 'yon Mommy,” dugtong pa ni Siobeh, sa sinabi ko na siyang kina halakhak namin ni Ate Diday. “Naku talaga naman ang alaga ko napaka cute talaga,” ani pa ni Ate Diday. “Yes po because I inherited it from my mommy,” sagot nito kay Ate Diday. Napangiti ako. Totoo naman iyon kamukha ko si Soibeh, walang nakuha sa ama nito dahil napunta lahat kay Tobias. Batang version ni Sir Everette. Bayolente akong napalunok at naalala ko ulit siya. Nagpasya na lamang akong magpaalam bago pa ako malungkot ng bongga. “So paano, Ate Diday tuloy na po ako at kayong dalawa na love ni Mommy ay magbabait sa teacher at kay Ate Diday, ha?” ani ko at nilapitan silang pareho upang halikan. “Ok po Mommy. Ingat po I love you three,” sabi ni Soibeh. Kaya ganun ang sabi niya na I love you three para sa amin daw na tatlo. Kuya niya at ako isinama ang sarili niya. “Mommy ingat po, I love you,” si Tobias na nagpahabol bago ako lumayo sa kanila. “I love you mga anak ko,” sagot ko pagkatapos ay tuluyan silang iniwan palabas ng bahay. Ako kasi talaga ang naghahatid kahit na minsan ay ito ang nagiging dahilan upang ma-late ako sa pagpasok sa office ko. Thankful ako sa boss ko dahil nakakaunawa ito sa sitwasyon ko bilang isang single Mom. Two and half hours lang naman din kasi ang pasok ng magkapatid sa learning center. At malapit lang din dito sa apartment namin. Tricycle hanggang sa school ng kambal. Ako lang ang naglalakad hanggang sa sakayan ng Jeep patungo sa office ko. Two rides ako same jeep pero mas gusto ko ito dahil minimum lang ang pamasahe ay office ko na. Hindi rin lihim sa office ang pagiging single mom ko. Ang iba ay humanga at ang iba naman ay tinataasan ako ng kilay dahil doon. Dahil nagbuntis daw ako ng walang ama ang dinadala ko. Ayaw ko kasing magkwento about sa nakaraan namin noon ni Sir Everette, dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin na wala na siya sa akin. Na tuluyan n’ya na ako kinalimutan. Hindi rin naman din mahalaga sa akin kung anong opinyon ng ibang tao laban sa akin. Kung ano ang sa tingin nila sa akin so be it dahil ayaw kong baguhin. Kung ano na lang ang good comment ayon ang tiningnan ko. Wala naman silang ambag sa buhay ko para intindihin ang sinasabi tungkol sa akin. Basta masaya ako dahil meron akong kambal at mga totoo kung kaibigan katulad sa bestfriend ko ngayon na si Merlyn, na malaking naitulong sa akin noon upang muli akong makapag simula sa bagong buhay ko ngayon. Nang maghanap kasi ako noon ng tirahan pagka-alis ko noon ng training camp dahil hindi na ako masaya roon kaya nagpaalam ako kay big boss na hahanapin ko muna ang sarili ko sa labas bilang si Ednalyn Del Socorro, ay pansamantala ko munang iniwan si agent Jade. Dahil kapag nakikita ko ang buong sulok ng Eagle Eye training camp naalala ko ang minamahal kong superior. Si Sir Everette. Pinagbigyan naman ako ni boss Chinito at kung kailangan ko raw ng tulong ay ‘wag daw ako mahiyang lumapit sa kanilang mag-asawa lalo na sa Misis niya na kaibigan ko rin noon bilang agent pa ako. Dito ako napadpad sa Arnaiz Ave sa Pasay. Coincidence nga ang nangyari dahil dito pala sa Arnaiz avenue nangungupahn si Merlyn. Ang balak ko lang noon ay hanapin ang pinsan ng Tatay namin ni Ate dahil dati nag punta na kami rito noon buhay pa ang ama ko. Ayaw ko rin naman din bumalik sa dati namin bahay dahil sobrang magulo roon. Hindi ko alam si Merlyn ang makikita ko rito sa Arnaiz, na dating nakilala ko noon last namin magkasama ni Sir Everette. Siya rin ang kumupkop sa akin ng Isang buwan habang naghahanap pa ako ng affordable rental apartment. At siya rin ang nagpasok sa office ko ngayon dahil doon din nagtra-trabaho si Merlyn. bilang accountant. Buti na lang kahit agent kami noon sa Eagle Eye p'wede kaming mag-aral kung gusto namin. Laking pasasalamat ko dahil naisip kong bumalik sa pag-aaral noon iyon pala magagamit ko ngayon. Nakatapos ako ng computer secretarial subalit two years course lang iyon. Hindi ko kasi kinuha ang 4 years upang mabilis akong makatapos para lang masabing meron akong diploma. Kung tutuusin hindi sapat na graduate ako ng two years course dahil ang mga kasama ko sa work ay tapos ng apat na taon kaysa sa akin. Nagbakasakali lang talaga ako noon kung tatanggapin ng kumpanya. Pumasa ako sa interview kaya ako natanggap. Sakto rin ilang buwan lang natuklasan kong nagdadalang-tao ako kaya nag pursige akong makahanap ng mauupahan. Hindi rin ako tinanggal ng boss ko ng malaman na buntis ako. Basta raw maayos lang ako magtrabaho. Timing lang dahil hindi rin ako napalayo sa kaibigan ko sa apartment na inuupahan niya. 10 minutes lang mula sa apartment ko hanggang sa bahay ni Merlyn. Maliit lang din ang nakuha kong up and down apartment. Sa baba ay naroon na ang sala at hati ang kusina. Naroon na rin ang lutuan. Sa second floor ay meron dalawang katamtamang ang laki ng kwarto. Ang Isa ay kay Ate Deday at amin ang Isa. Kasama kong matulog ang dalawang bata. Queen size bed lang kami. Ganun lang hindi ko kasi afford ng malaki at magarbong apartment dahil kailangan kong magtipid para sa future ng mga anak ko. Ang naipon ko noon bilang agent pa ako ay nakalagak lang sa bagko para sa pag-college ng dalawa kong anak. Kaya ang araw-araw namin na gastusin ay budget ko lang sa natatanggap kong sweldo galing sa trabaho ko. Mahirap maging single mom subalit kailangan maging matatag. Worth it naman ang hirap ko dahil binigyan ako dalawang cute na anak bilang inspirasyon ko sa laban ng buhay. Paglabas ko sa maliit naming gate. Maraming tao na sa kalsada. Mga batang naglalaro sa daan. Ang iba mga Nanay ay nag tsismisan. Ganito ang ginagawa ng mga kapitbahay ko. Hindi naman ito isang squatter area ang lugar namin sadya lang talaga dikit-dikit ang mga bahay. Pader lang ng dingding sa bawat nakatayo bahay ang mga nakapagitan kaya ako, kung walang trabaho ay narito lang ako sa loob ng bahay. Ganun din ang mga bata. Minsan din nag pupunta kami sa apartment ni Merlyn. Mabuti nga hindi pa nagtaas ng renta kasi sa kabilang kanto paupahan ng landlady ko ay tumaas daw ng 500 sabi ng kilala ko. Sayang din ‘yon pambayad na namin ng tubig monthly. Nakahilira itong apartment pare-pareho ang laki at pagkakagawa. Hindi ito matatawag na townhouse dahil ang ibang kapitbahay ay mga k'warto lang. Maganda lang dito dahil hindi magulo sa lugar namin kahit maraming taong tambay palagi sa kalsada. Walang away kahit mga pala inom ang ibang matanda rito. Bago ako tuluyan maglakad patungo sa labasan ay nag-text muna ako kay Merlyn kung nakaalis na. Dahil kung hindi sabay na lamang kami. Ako: Besh, nasa apartment ka pa ba? Besh Merlyn: Nasa biyahe na. Why? Absent ka ba? Napa hagikhik ako. Kapag ba ganito ang text ko absent agad? Nag-reply ako hindi maalis ang tawa ko. Ako: Hindi ah! Akala ko lang ay hindi ka pa nakakaalis sabay na lang sana ako malibre ng pamasahe. Napangiti pa ako dahil nilagyan ko iyon ng laugh emoji bago send sa kaniya. Hindi na ko nag-reply. Mamaya ko na lang chikahin pagdating ko sa office. Nagpasya na akong lumakad patungo sa daanan ng Jeep. Inabot ko ang bayad at nag-antay na lang hanggang makababa. Kapag walang traffic, wala pang 8am naroon na ako ng office. Seven pa lang naman ngayon hindi ako mangambang late. “Manong diyan lang po ako sa tabi,” pagpara ko sa jeepney driver. Pagbaba ko sasakay pa ako ng isa pang jeep iyon na. Dadaan sa office namin. Wala pa ako five minutes mabilis din ako nakasakay patungo na sa office. “Para Kuya,” ani ko. Marami rin ako kasabayan sa pagbaba. May mga kalapit din kasi kaming mga office company. “Morning Kuya guard,” bati ko pagpasok sa dalawang guwardiya. “Morning din po Ms. Ednalyn, mas maganda pa po kayo sa umaga,” balik nilang pagbati sa akin. Napangiti ako roon. Pagpasok ko sa loob damning nag bulong bulongan sa ground floor. Hindi ko maiwasang hindi kumunot ang noo ko. “Anong meron?” bulong ko pa. May nakasabay pa ako tatlong officemate sumakay sa elevator. Sa HR ang isa at sa accounting department ang dalawa. Simple tango lang ako hindi naman mga namansin kaya hinayaan ko na. Nakikinig lang ako sa tatlo habang kinikilig hanggang talampakan nila sa pagkwe-kwento sa isat Isa. “Alam n'yo girl excited na ako sa Saturday,” “Ikaw lang ba? Me too..hays grabe ang hot niya girl,” aniya ng tatlo mga kinikilig. “Alam n'yo? Omg...habang nag-iikot 'yon kahapon sa buong department at ng doon na sa amin nagpunta ay grabe girl….My God bakla naiihi ako sa sobrang yumminess. At girl…tumingin pa sa akin grabe makalaglag panty sa tingin palang,” Kahapon? Ah okay half day lang pala ako dahil may meeting ang kambal ko sa school. Kaya hindi ako relate sa pinag-uusapan nila. Tumunog na ang elevator sa floor office ko kaya naiwan ang tatlo sa loob na hindi nawawala ang kilig sa mga tinggil nila. Kibit balikat na lang ako lumakad patungo sa office ko. Mas g'wapo pa rin si Everette ko kung sakali kasama ko pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD