CHAPTER 8

1524 Words

EDNALYN Sabay kami ni Merlyn nagtungo sa party. Sakto lang ang oras ng kami ay dumating. Marami ng tao pagdating namin. Mga kasamahan namin sa trabaho at mangilan ngilan na mga bisita ni Sir Tañala. Sa rooftop lang din naman ang venue kaya ang ibang ka-officemate ko alam ko hindi na umuwi dito na sila nagbihis. Ako kasi umuwi pa ng bahay dahil sa mga bata. Binilinan ko kasi si Ate Diday baka gabi na ako makakauwi dahil sa gaganaping party. Ganun din ang kaibigan ko sabay kami pumarito. Sa table nila Merlyn ako sasama dahil wala naman akong ka-department. Si Sir Tañala kasi ay sa unahan ang table nila kasama ng mga executive at Misis niya. “Besh doon tayo,” panguso ni Merlyn sa nakatalaga table ng department nila. “Sige susunod ako sa ‘yo besh,” sagot ko lang sa kanya. I looked around.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD