CHAPTER 8

1517 Words
“GOOD evening, big sister!” Nahuli ko ang nasorpresang mukha ni Annie nang pagbuksan niya ako ng pinto. “A-anong ginagawa mo rito?” bungad niya at tinanaw ang nakasarado niyang gate. “Saan ka dumaan?” “Mababa lang ang bakod sa pagitan ng bahay natin, kayang-kayang tawirin. Kumain ka na ba?” “U-uh… h-hindi pa-” “Good. Kumain tayo. May dala akong pang-dinner,” sabay pakita ko sa hawak kong paperbag. “Dito ka ulit kakain?” Nanliit ang mga mata ko kay Annie. Pagkatapos niya akong imbitahin kahapon ng umaga, kinatok ko siya nang bandang hapon para yayaing magmeryenda. Pinatuloy niya ako. Sabay naming kinain ang dala kong pagkain. Pinigilan ko na nga lang ang sarili kong bumalik kinagabihan. Baka kasi makahalata na si Annie at masira pa ang mga plano ko. “Bawal ba ulit ako rito, big sister?” As I remember, maayos naman niya akong tinanggap kahapon. Sa tuwing tatawagin ko siyang ‘big sister’, napapansin kong nawawala ang pagkailang niya sa akin. Tinitiis ko na lang kahit naaasiwa ako sa ginagawa ko.  Good thing na wala akong nakakatandang kapatid na babae. Baka makonsensiya pa ako na tinatawag ko si Annie na big sister habang sa gabi ay laman siya ng mga pantasya ko. Nagkibit ng balikat si Annie at niluwangan ang bukas ng pinto. “Pumasok ka…” I couldn’t help but smile. Pagpasok ko ay nakita ko ang hitsura ng living room niya. Nakabukas ang laptop niya. May mga posters at magazines sa sofa, at ilan pang portfolio na pare-parehong nakabukas sa ibabaw ng coffee table. “You’re working? Kaya ba hindi ka pa kumakain?” Hindi sumagot si Annie. Dinampot nito isa-isa ang mga portfolio sa mesita at may tiningnan doon. Iniwan ko na siya para mailapag sa dining table ang dala kong take-out food. “Para sa Hayal ba ang ginagawa mo?”   Hindi ulit sumagot si Annie. Kumuha na lang ako ng dining set at iniayos ang mga iyon sa mesa. “Linggo pa lang pero, nagtatrabaho ka na. Hindi mo ba alam ang salitang ‘pahinga’?” kunot-noong tanong ko at nilingon si Annie.  Walang partition ang dining area at ang kaniyang living room kaya nakita ko siyang nakatunghay sa laptop niya. “Wala naman kasi akong ginagawa. Besides, pinag-iisipan kong mabuti ang magiging bagong campaign ad ng Hayal.” I smiled. Naniniwala na ako kay Kiel na mahusay magtrabaho si Annie. Naka-ready na ang dinner. Nilingon ko ulit si Annie. She looked so calm while working. Alam na alam mo sa isang tao kapag sincere sa ginagawa niya. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay para akong tinamaan ng kidlat. Nagulat ako pero, nagawa kong takpan iyon ng ngiti. “Ituloy mo na lang mamaya ‘yan. Kumain muna tayo.” Tumango naman si Annie at tumayo mula sa ginagawa. Lumapit siya sa dining table. Ipinaghila ko siya ng upuan. Napapatingin pa siya sa akin at hindi ko alam kung bakit gusto kong ma-consious sa tingin niya. “Hindi ba nakakahiya sa’yo? Ikaw pa talaga ang nag-set ng dining.” Napangiti ako sa sinabi niya pero, iniiwas ko ang mukha ko. Nasasagwaan talaga ako sa sarili kong reaksiyon. “Gutom na kasi ako. At tamang-tama naman ang dating ko, mukhang nalimutan mo nang maghapunan?” “Hindi pa kasi ako gutom. At kung magutom man, may oatmeal naman ako at minsan ‘yon na rin ang kinakain ko sa gabi.” “Oatmeal sa umaga at gabi? Takot ka bang tumaba?” Napangiti si Annie. “Iniiwasan ko dahil kita mo naman, pinagkaitan na ako sa height. Imagine, maliit na nga ako ay mataba pa. Magmumukha akong clay pot.” Napatawa ako. I am surprised to find out that she also got sense of humor. Hindi kasi halata. “Saang restaurant mo binili ang mga ito?” tanong niya at sumubo. “Sa Marciano’s.” Tumango-tango siya habang ngumunguya. Hindi ko napigilang titigan ang mga labi ni Annie. Kanina habang bumibili ako ng pagkain ay walang ibang nasa isip ko kundi ang maka-first base na ngayong gabi. I changed my mind. Hindi ko gustong sirain ang mood ni Annie. Maghihintay-hintay pa siguro ako. Pagkatapos kumain ay binalikan agad ni Annie ang ginagawa niya. Nang magprisinta akong hugasan ang mga pinggan, seryoso niya akong tiningnan. “H’wag na, Jeff. Kaya ko na ang kakaunting hugasin na yan.” “Pagod ka na mamaya. Baka hindi mo na magawa ito.” “Hindi ba parang abuso na ako niyan? Pinakain mo na’ko, ikaw pa paghuhugasin ko pagkatapos?” “Maliit na bagay,” simpleng sagot ko at agad akong tumalikod. Mabilis kong tinapos ang paghuhugas ng dining set. Habang nasa lababo ay hindi ko rin mapigilang hindi sulyapan ang kinaroroonan ni Annie. Tutok na tutok siya sa ginagawa. Ni hindi man lang ako masulyapan sa ginagawa ko rito sa kusina niya. Nagmistula na akong houseboy niya. Sige lang, Annie. Okay lang na maging alila mo ako nang ilang araw. Titiyakin ko lang na bibigyan mo ako ng reward pagkatapos. Nang matapos sa paghuhugas ay nagtuyo ako ng mga kamay. Gumawa naman ng kape. Nagsalin ako sa dalawang tasa bago ko nilapitan ko si Annie. Inilapag ko ang dalawang tasa ng kape sa harapan niya bago ako naupo sa kaniyang tabi. Mula sa laptop ay napaangat ang mga mata niya sa akin. Tiningnan niya ang kapirasong distansiya namin. Inunahan ko naman siya. “Kape muna tayo, big sister,” sabay dampot ko ng isang tasa at iniabot ko sa kaniya. Kinuha naman niya ‘yon. “Ganito ka ba ka-thoughtful sa kapitbahay mo?” Natigilan ako sandali bago marahang tumawa. “I don’t know. Ngayon lang ako nakaranas magkaroon ng kapitbahay.” “Hmm? Bakit naman? Saan ka ba nakatira dati?” “Sa bahay ng tatay ko.” “At wala kayong kapitbahay?” Natahimik ako. Paano ko ba ipapaliwanag kay Annie na ang bahay ng tatay ko ay nakatayo sa malawak na lupang halos isang barangay ang sakop? At kung may mga kalapit na bahay man ay hanggang tanaw lang mula sa kwarto ko sa third floor? Nakita kong ininom ni Annie ang kape. Napatango siya, halatang nagustuhan ang timpla ko. Ngumiti siya sa akin.  “Alam mo, naalala ko sa’yo ‘yong bunso kong kapatid na si Andres. Malambing kasi ang isang ‘yon at masarap magtimpla ng kape.” Napilitan akong ngumiti sa sinabi niya. Hilaw na ngiti. Hindi ko na sinundan ang sinabi ni Annie. Sinilip ko na lang ang ginagawa niya pero, mabilis niya akong hinawi sabay isinara ang laptop. “Hindi mo pwedeng makita itong ginagawa ko.” “Why not?” “Para sa Hayal ‘to. Makikita mo lang ito kapag buo na at ipepresent na lang.” Nagusot ang noo ko. Kinuha ko ang tasa ng aking kape at uminom doon. “Noong hindi ka pa partner sa Hayal, saan ka nagtatrabaho?” “Sa kompaniya ng tatay ko,” sagot ko sabay sulyap sa legs ni Annie. “Really? May sarili pala kayong kompaniya, bakit lumipat ka sa Hayal?” kunot-noong tanong niya. Nagkibit ako ng balikat bago ibinaba ang tasa ng kape sa mesita. Sumandal ako at iniunat ang aking braso sa sandalan sa likod niya. “Mahabang kwento. But to make it easy for you to understand, nagsawa ako sa pagdidikta ng tatay ko. I want to de independent kaya heto…” “Diktador ang tatay mo? Baka naman para sa’yo rin ang mga sinasabi niya?” “I don’t know. Basta ang alam ko lang, hindi ko gusto ang pagmamanipula niya sa buhay namin ng kuya ko.” “May kuya ka pala? Ilang taon siya?” she sounded so interested. Nakadama ako ng insecurity. “He’s only two years ahead of me. Twenty-seven siya.” Tumango-tango si Annie. “Kapatid na babae?” Umiling ako. At lihim ulit na nagpasalamat na wala. “Ako naman kaya ang magtanong?” suggestion ko. Napanguso si Annie. “Ano namang itatanong mo? Ayusin mo, ha?” Itinaas ni Annie ang tasa ng kape sa bibig niya. Umayos naman ako ng upo. Pinagkuskos ko ang mga palad ko at muling napatingin sa legs ni Annie. Abot-kamay ko lang sana ang makinis na hita niya pero, ayokong masampal ulit at lalong wala akong balak sayangin ang pagkakataong mapalapit sa kaniya. I looked at her face. Everything on it looked young. Parang sa baby ang balat niya. Ang mga labi niya, walang kaguhit-guhit. "Anong itatanong mo?" untag ni Annie sa pananahimik ko. Sumandal siya habang pinagpatuloy ang pag-inom ng kape. Tumikhim ako. Alam ko sa sarili ko kung ano ang motibo ko kay Annie pero, hindi ko minsan mapigilan isipin ang tungkol sa boyfriend niya. “Totoo bang ikakasal ka na, big sister?” Nahuli ko nang matigilan si Annie. Hindi siya sumagot. Ibinaba niya ang tasa ng kape saka ako nilingon at matamang pinagmasdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD