CHAPTER 7

1505 Words
SABADO ng umaga. Walang pasok sa trabaho pero, maaga pa rin akong bumangon para gawin ang aking routine. Naligo ako at nagbihis. Naghanda ako ng breakfast ko at inunti-unti ko ang pagkain. I sent messages to my family and Daniel. Nagreply agad ang ate ko at ang bunso kong kapatid na lalake. Ilang minuto pa ang lumipas nang muling tumunog ang cellphone ko at nakitang kong ang nanay ko ang tumatawag. “Ma?” “How’s your weekend, Anak?” “Okay naman, Ma. I was busy the whole week, naka-leave kasi si Lulu at sa Lunes pa ang balik niya.” “I see. Si Daniel, kumusta naman daw ang nobyo mo?” “He’s okay, Ma. Kung busy ako ay mas busy siya mula nang mapromote.” “Gano’n ba, Anak? But at least you don’t lose your communication. Kahit gaano kaabala ay pilitin n’yong makapag-usap isang beses sa isang araw.” “Of course, Ma. Ganon naman ang ginagawa namin. Pasaglit-saglit lang na usapan pero, okay lang. We do understand each other.” “That’s good to hear. Umuwi ka naman kapag may oras ka, Anita. Miss ka ng Papa mo.” “Yes, Ma. Kapag natapos ko ang malalaking projects ng TIH, ako naman ang hihingi ng leave kay Lulu. I love you, Ma! Bye!” Matapos ang usapan namin ng nanay ko ay tumayo na ako at hinugasan ang aking pinagkainan. Kailangan ko namang lumabas para bisitahin ang aking halaman. Lumapit ako sa bintana at sumilip. Nakita kong nasa garahe ang sasakyan ni Jeff. Hindi naman sa natatakot ako sa kaniya pero, hangga’t maaari sana ay huwag ko munang makita ni anino ng lalakeng iyon.  Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya lalo na kapag naaalala ko ang ginawa niya kagabi. Ang kapal ng mukha! Walang respeto! Ilang beses pa akong nagpabalik-balik sa bintana sa living room para tanawin ang sasakyan sa kabila. Buo na sa isip ko na hangga’t nakikita ko roon ang kotse ni Jeff ay hindi ako lalabas. Mamaya ay naroon lang pala siya sa bakuran niya. O kaya naman ay bigla siyang lumabas at maabutan ako. Kaya nagdesisyon kaong manatili na lang sa loob ng bahay ko. Hindi naman siguro mamamatay basta ang mga halaman ko kung hindi madiligan. Mapapanindigan ko na sana ang hindi paglabas ng bahay kaya lang ay biglang may nag-doorbell at nang silipin ko sa bintana ay isang lalake sa uniform nito ang nasa labas ng gate ko. Napansin ko rin ang nakaparadang L300 van sa likuran niya. Nagsunod-sunod ang tunog ng doorbell kaya medyo nairita ako. Binuksan ko ang aking pinto. “Ano ho ‘yan?” sigaw ko sabay tingin sa kabilang bakuran. “Ma’am, CCTV maintenance service po!” sagot ng lalake sa gate. Sumimangot ako sabay tingin ulit sa kabilang bakod. Wala namang senyales na may tao kaya mabilis akong lumapit sa gate at nagtanong ulit sa lalake. “Ano ‘yon, Kuya?” Nilingon ko muli ang bakuran ni Jeff. Walang tao. Napatingin ako sa pinto niya, sarado naman. “CCTV maintenance service, Ma’am. Kami po ang pinadala ng agency para mag-check ng unit n’yo.” “A, sige, Kuya! Pumasok na kayo!” Mabilis na sagot ko at agad binuksan ang gate. Napapapatingin pa rin ako sa kabilang bakod sa pag-aalalang lumabas bigla ang aking kapitbahay at magkita kami. Ayokong masira ang araw ko! Dali-dali akong bumalik at hinayaan ang lalakeng sumunod. Nasa may pinto na ako nang may bigla akong maalala. CCTV maintenance provider? Tumawag ba ako para manghingi ng check-up service? Nilingon ko ang gate at nagulat nang tatlong lalake ang pumasok sa aking bakuran. Pare-pareho ang suot nila at dalawa sa kanila ay malalaki ang katawan. “Kuya, sandali!” wika ko sabay harang sa aking pintuan. Nagsihinto ang mga lalake at tumingin sa akin. Nahuli ko pa ang isa sa kanila na binistahan ang ayos ko sa maiksi kong shorts at manipis na V-neck T-shirt. Sinimangutan ko nga. “Bakit, Ma’am, may problema ba?” “Kuya, hindi ko kasi maalalang nagpatawag ako ng check-up service para sa mga unit ko.” “Ma’am, hindi n’yo naman kailangang tumawag ng service. Sadya pong kasama ito sa kontrata ng CCTV provider n’yo,” sagot noong lalakeng malagkit na tumitig sa akin. “Hindi na lang, Kuya. Kapag nagkasira ang mga unit ko ay malalaman ko naman.” “Ma’am, nasa checklist po kasi ang installation number n’yo kaya kailangan naming matingnan. Ilan po ba ang unit sa buong bahay?” Umangat ang mga kilay ko. “Akala ko ba nasa checklist n’yo? Bakit hindi n’yo alam kung ilang unit ng CCTV meron sa bahay ko?” Pare-parehong natigilan ang mga lalake. Nagtinginan pa silang tatlo dahilan para kabahan na ako. “Ate?” Napatingin ako sa nagsalita sa may likuran ng mga lalake. Maging ang tatlo ay napalingon rin. Natigilan ako. Nakita ko si Jeff na nakatayo at napapakunot ang noo sa tatlong lalake sa aking harapan. Lumakad siya papunta sa akin, nilampasan niya ang mga ito. “Anong meron dito, big sister?” Namilog ang mga mata ko sa pagkakatingin sa kaniya. He looked back at me, mataman ang titig niya na parang may gustong sabihin. Nabantuan ang gulat ko ng kalituhan. Inalis ni Jeff ang tingin sa akin. Nilingon niya ang mga lalake at saka ako inakbayan. “Sino kayo? Anong kailangan n’yo sa ate ko?” Nagulat ako sa ginawa ni Jeff pero, aaminin kong nabawasan ang takot ko sa pagdating niya. “Sir, ni-deploy po kami ng subcon para iinspect ang mga CCTV devices sa bahay n’yo. Baka lang kasi may issues na ang ma unit o may hindi na gumagana.” “Subcon? Sa pagkakaalam ko kasi walang subcontractor ang CCTV provider namin. At kung kailangan ng inspection sa mga unit, magpapaabiso muna sila.” Hindi sila nakasagot sa sinabi ni Jeff. Nilingon niya ako. “May notice ka bang natanggap, big sister?” Wala sa sariling umiling ako. Tumango si Jeff at hinigpitan pa ang akbay sa akin. “Pasensiya na mga, boss, hindi namin kailangan ang service n’yo. Kung talagang may order sa inyo na i-check-up ang mga CCTV unit namin, hayaan n’yo at ako ang makikipag-usap.” Napatingin ako sa mga lalake at nakita ko ang isa na tinapik ang dalawa pang kasama, sumesenyas na umalis na. “S-sige, Sir! Salamat, pasensiya na rin sa abala, Ma’am!” wika ng lalakeng tumawag kanina sa gate ko sabay talikod at nauna nang maglakad palabas ng bakuran ko. Nagkatinginan kami ni Jeff. Seryoso ang mukha niya habang hindi pa rin nawawala ang kaba ko. Pag-alis ng sasakyan ng tatlong lalake naramdaman ko rin ang pagkawala ng nakapataong na braso ni Jeff sa balikat ko. Hinarap ko siya. “Maraming salamat sa ginawa mo. Wala na sila, pwede mo na akong iwan.” Akma akong tatalikod nang hawakan niya ako sa braso. Umakyat ang tingin ko sa kaniya. “Annie, I want to say sorry for what I did the other night. Hindi ko sinasadyang gawin ‘yon sa’yo, maniwala ka.” Natigilan ako. He sounded sincere. Totoo ba ‘to? Si Jeff ba talaga itong kaharap ko? “Isa pa pala, Annie… hindi ako tumatanggap ng thank you lang.” Nagusot ang kilay ko. “A-ano?” “Annie, alam mo bang modus operandi ang ginawa ng tatlo? Kung wala ako ngayon rito, dalawa lang ang pwedeng mangyari sa’yo. Either pagnakawan ka o pagsamantalahan ng mga ‘yon.” Nahindik ako sa sinabi ni Jeff. Naramdaman ko rin naman ang panganib kanina kaya nga ako kinabahan. Ito kasi ang mahirap kapag nagsosolo lang sa bahay. Pero ano pa bang gusto nitong si Jeff? Nag-thank you naman ako at bukal sa loob ko ‘yon. “H’wag kang basta magpasalamat lang. You can at least invite me for a cup of coffee. Kagigising ko lang at hindi pa ako nag-aalmusal nang marinig ko ang pagdating ng tatlong ‘yon.” Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ko sa kaniya. I think I haven’t met someone like him, sobrang straightforward magsalita. He knows what he wants at sasabihin niya talaga iyon. Pinag-isipan ko ang hiling ni Jeff. Kumpara sa tatlo, mas magtitiwala naman akong papasukin ang isang ito. Kapitbahay ko siya at kaibigan pa ni Mr. Austria. Gago nga siguro si Jeff pero, hindi naman niya siguro ako gagawan nang masama? “What? Hindi mo ba talaga ako maaalok na magkape man lang, big sister?” He tilted his head and looked at me. Gumulong ang mga mata ko sabay na napabuga ng hangin. “Fine. Sumunod ka sa ‘kin sa loob at bibigyan kita ng kape at almusal na rin.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD