CHAPTER 1
“TIGILAN mo na ang pagmumukmok mo, Ricardo!” sermon ko sa aking gay assistant na nasa kabilang linya ngayon. Pumasok ako sa walang lamang elevator. Nang sumarado ang pinto noon ay sumandal ako at nakinig sa mga iyak at reklamo ni Ricky.
“Ma’am Annie naman! Sinabi ko nang ayokong may natawag sa’kin sa pangalan na ‘yan, tapos ay ipagdidiinan mo pa? How insensitive of you! Boss kita, pero minsan ay sumosobra ka na!”
“At anong gusto mong itawag sa’yo? Martyr? Kahit magpakamatay ka pa, hindi ka na babalikan ng ex mong hudas! Pinakain mo na ang buong pamilya niya, pero nakita mo kung anong ginawa, niloko ka pa rin! Katangahan na talaga ang paghabol-habol mo sa lalakeng ‘yon!”
“Mahal ko nga kasi siya, Ma’am! Mahirap bang intindihin ‘yon? Hindi mo ba maintindihan man lang ang pinagdadaanan ko?”
“Alam ko ang pinagdadaanan mo! Nagmumokmok ka dahil lang sa walang-kwentang lalakeng ‘yon habang santambak ang mahahalagang trabahong iniwan mo! Hoy, Ricardo, ayusin mo ang sarili mo at pumasok ka na bukas na bukas din sa opisina! I don’t want to hear your reasons! Pinagbigyan na kita nang tatlong araw na leave! Kapag hindi kita nakita sa opisina bukas ay huwag ka nang papasok pa kahit kailan! Naintindihan mo?”
Saktong pagpatay ko sa tawag ay bumukas ang elevator sa ground floor ng building kung saan naroon ang opisina ko. I work as a Creative Consultant at The Idea House - an independent traditional advertising agency. I’ve been in this company for almost twelve years. Sinisimulan pa lang ito ng may-ari ay naririto na ako.
Tumango ako sa gwardiyang nakabantay habang papalabas ng building. Naglakad ako hanggang sa kalye kung saan ako laging nag-aabang ng taxi. It’s past eight in the evening. Uuwi na sana ako kaninang alas sais, pero dahil wala ang assistant ko at sa dami ng trabaho ay hindi ko nagawang umuwi ng maaga.
Pasalamat si Ricky na hindi pa gaanong mainit ang ulo ko nang tawagan ko siya kanina. Nagpa-deliver kasi ng pagkain para sa akin si Lourdes - ang kaibigan ko at siyang may-ari ng ad agency - libre na ang dinner ko kaya pag-uwi ko ay magpapahinga na lang. Isa pa, pa-konswelo rin iyon ng may-ari dahil naka-leave ng isang linggo si Lourdes. At bilang Creative Consultant ay ang dami ng obligasyong naiwan sa akin sa agency.
“I’ll send you my new address para maihatid mo roon ang kotse ko. Okay, ‘tol, salamat!”
Napalingon ako sa baritonong boses na nagsalita sa may di kalayuan. Isang matangkad na lalake ang naroon, salubong ang mga kilay nito habang nakatunghay sa screen ng hawak na cellphone.
Inalis ko ang tingin ko sa lalake at kumaway ako sa paparating na taxi. Lumampas iyon nang kaunti sa akin bago unti-unting huminto.
Mabilis akong naglakad at upang makasakay agad, subalit natigilan ako nang may kasabay akong humawak sa handle ng pinto ng backseat. Ang matangkad na lalake kanina ang nakatayo sa gilid ko at nakataas ang mga kilay sa akin.
“Sorry, Miss, nauna ako. e.”
Tumaas ang mga kilay ko. “Excuse me? Ako ang pumara nitong taxi kaya sa akin ‘to.” Binuksan ko ang backseat, pero maagap ang lalake dahil iniharang niya ang mahaba niyang braso sa pintuan dahilan para hindi ako makapasok.
“H’wag naman ganiyan, Miss. Hindi por que babae ka ay pagbibigyan kita. Ako ang pumara nitong taxi.”
“I don’t care kung pinara mo rin ito, pero sa akin siya huminto kaya ako ang sasakay.”
Nagsimula na kaming magtalo ng lalake hanggang sa mairita na ang driver ng taxi sa amin.
“Sandali lang, Manong Driver, hindi kasi marunong umintindi ang isang ito!”
“Manong, hindi ba’t ako ang tinigilan mo?”
“Ay, nako, aalis na lang ako! Mag-abang na lang kayo ng ibang masakyan!”
“Manong, sandali naman, sasakay ako!” sabay tabig ko sa braso ng lalake. Pagod na ako at hindi ko na kayang maghintay pa.
“No, wait!” Napahinto ako sa pagsakay nang hilahin ako sa braso ng lalake. Nakipaghilahan na ako ng braso sa kaniya. Nahagip ng kamay nito ang paper bag na nakasabit sa braso ko. At sa pagbawi ko ay nawasak ang pulang paper bag dahilan para sumambulat ang ilang laman noon sa kalsada.
“Nakita mo nang ginawa mo?” singhal ko sa lalake, pero agad nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang nalaglag mula sa paper bag.
“What’s this?” tanong ng estranghero na mabilis na dinampot ang bagay na iyon. Naaninag ko ang unti-unting pagngiti niya kasabay ng pagkislap ng mga mata.
“Gumagamit ka pala nito? Ang lungkot naman!”
Namutla ako nang makitang malinaw ang kahon ng d***o na nasa kamay niya. “H-hindi akin yan!” Hinablot ko ang kahon ng s*x toy, pero iniiwas iyon ng lalake sabay tawa na tila nang-aasar.
“Kaya ka ba nagmamadali pauwi, ha, Miss? Sabik na sabik ka na ba rito?”
Hindi ko na malaman ang sasabihin ko. Hindi naman sa akin ang vibrator na iyon. At hindi ko alam na iyon ang laman ng paper bag na pinakuha sa akin ni Lourdes sa drawer nito.
“It looks real though. Mahal siguro ‘to?” natatawang komento pa niya.
“Akin na nga ‘yan!” sabay agaw ko ulit sa ‘laruan’ na sa wakas ay ibinalik naman ng lalake.
Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagmamadali kong ipinasok ang kahon ng d***o sa bag ko dahil sira na ang paper bag na lagayan noon. Pagkatapos ay mabilis na akong sumakay ng taxi na mabuti na lang at hindi pa umaalis. Nagulat ako nang biglang sumakay ang lalake at naupo sa tabi ko.
“What are you doing?” singhal ko na hindi nito pinansin.
“Pasensiya na, Manong, pero magkasama po talaga kami. Alis na tayo, Manong! Sa pinakamalapit na hotel lang kami.” Agad namang umandar ang taxi sa pagkamangha ko.
“Anong hotel ang sinasabi-” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Inilapit kasi ng lalake ang mukha niya sa akin at saka bumulong.
“Relax, babe! I’m just doing you a favor. Hindi mo kailangang magtiis sa laruan lang. Meron ako. Mas malaki, totoong-totoo at buhay na buhay! What do you think, hmm?” Kumindat pa siya sa akin.
“W-what?” Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa lalake. Hindi na ako nakapagpigil. Kinuyom ko ang kamao ko at isinuntok sa dibdib niya. Napa-aray lang siya, pero nakangisi pa rin sa akin. Nakakabwisit ang reaksiyon niya!
“What’s your problem, babe?”
“Gago ka! Manong, itigil mo itong taxi at bababa ako!”
Napalingon sa amin ang driver, mukhang naiinis na talaga. “Ano? Ang gulo n’yo ah! Naaabala na ang trabaho ko sa inyo!”
“Don’t worry, Manong, dodoblehin ko ang bayad sa’yo. Sa hotel na tayo.”
“Hindi ko nga siya kasama, Manong! Ipara mo na at ako na lang ang bababa!” gigil na sabi ko sabay tingin nang mabilasik sa katabi ko. Nag-iinusok na talaga ang ilong ko sa kaniya. Itinigil naman ng driver ang taxi at agad kong binuksan ang pinto sa tabi ko.
Hinawakan ako sa braso ng estranghero. “Babe, h’wag ka naman ganiyan!”
Tinabig ko ang kamay niya sabay mura. “Gago!”
“Sasayangin mo ba ang pagkakataon? Malapit na tayo sa hotel,” tatawa-tawang sabi ng lalake. Alam kong sinasadya na niyang galitin ako.
“Luko-luko! Mag-hotel kang mag-isa mo!” asik ko sabay labas ng taxi at nagmartsa palayo.