CHAPTER 6

1437 Words
PINAGMASDAN ko ang nagugulat na reaksiyon ni Annie. Pagkatapos ng ilang segundo ay nanlisik ang mga mata niya sa pagkakatingin sa akin. “Hindi mo ba’ko titigilan? Sinira mo na ang buong maghapon ko, pati ba naman ang gabi ko ay sisirain mo pa rin?” Napangisi ako. Imbes na sagutin siya ay lumabas ako ng kotse at naglakad papunta sa direksiyon niya. “H’wag kang lalapit!” banta niya sabay atras. “Hoy, Mr. Navarro, hindi por que kapitbahay tayo ay sasabay ako sa’yo! Pwede ba, umalis ka sa harapan ko at naaalibadbaran ako sa’yo!” “Woah, wait, Annie! Ano bang ginawa ko? Inaalok lang kitang sumabay sa’kin akala mo g*gahasain ka na riyan?” “Ayokong sumabay! Period.” “Ano bang problema mo sa’kin at iwas ka ng iwas?” “I simply don’t like to be around you! Malinaw na ba ‘yan sa’yo?” madiing sagot niya sabay lingon sa kalsada. “Taxi!” Kinawayan niya ang isang taxi na dumaan subalit, hindi naman iyon huminto. Lihim akong nagdiwang. “Bakit ayaw mong nakikita ko? Dahil ba naaalala mong nabuking kita na gumagamit ng d***o?” Marahas niya akong nilingon at mabagsik na tiningnan. “Gago ka talaga, ano! Hindi nga sa akin ‘yon, nakakaintindi ka ba?” Pagkasabi niya noon ay tumalikod siya at naglakad. Sinundan ko naman siya. Nilingon pa niya ako kaya napabilis ang mga lakad niya. Mas binilisan ko ang akin at dahil malalaki ang hakbang ko kumpara sa kaniya ay naabutan ko si Annie. Hinawakan ko siya sa braso at sapilitang pinaharap. “Ano bang inaayaw mo sa akin, Annie? Nagalit ka dahil sa campaign project ng Hayal? Trabaho ko iyon. Nagtatrabaho lang ako.” “Nagtatrabaho o gumagawa ka ng paraan para ubusin ang pasensiya ko?” “Bakit ko naman gagawin ‘yon? Ang totoo nga niyan, gusto kitang maging kaibigan. Look, Annie, aside from being neighbors, kliyente mo pa ang kompaniya namin. Hindi mo ba nakikita ang magandang resulta kung magiging magkaibigan pa tayo?” “Hindi! Dahil simula pa lang bad shot ka na sa akin! Ekis ka na! Hindi ko type maging kaibigan ka, naiintindihan mo? Taxi!” sabay kaway niya sa paparating na taxi. I silently wished na lampasan lang siya noon pero, sa malas ay unti-unting tumigil ang sasakyan sa aming tapat. Hinigpitan ko na lang ang hawak sa braso ni Annie. “Sasakay na’ko, bitiwan mo’ko!” asik niya at inihampas sa braso ko ang hawak na bag. “Sa akin ka sasakay!” matigas na sabi ko sabay tingin sa gawi ng taxi upang masenyasan ang driver. Ibinaba ng lalake ang salamin ng bintana. “Sasakay ba kayo?” “Boss, pasensiya na! Sa akin sasabay ang girlfriend ko! Nando’n po ang kotse ko!” sabay turo ko sa aking sasakyan. “Ano? Gago!” Inihampas ulit ni Annie sa akin ang bag niya. “Manong, hin-” Tinakpan ko ng palad ko ang bibig ni Annie bago pa man siya may masabi. Tumingin ulit ako sa driver. “Lovers quarrel lang, Boss! Ako na bahalang mag-uwi sa girlfriend ko!” Dismayadong umiling ang driver bago nito ibinaba ang salamin ng bintana. Maya-maya ay umalis na ulit ang taxi. Lalo namang nanggalaiti si Annie kaya binitiwan ko na ang bibig niya. Hinarap niya ako. “Anong klaseng impakto ka at ayaw mo akong tigilan! Bitiwan mo’ko!” hila niya sa braso niya pero, nagmatigas pa rin ako. “You’re going home with me! Hindi por que mas matanda ka sa akin ay uubra ka na, Annie! Kayang-kaya kitang bitbitin diyan kung gugustuhin ko!” Natigilan si Annie sa sinabi ko. Sinamantala ko naman iyon at kinaladkad na siya sa kotse. Gusto kong sawayin ang sarili ko sa pagiging marahas sa kaniya pero, nakakainis na kasi ang inaasal ng isang ito. Nagmamagandang-loob na nga ako, ang sungit-sungit pa niya. Nagpumiglas ang maliit na bulto ni Annie. Minura-mura pa niya ako. Napatingin ako sa paligid sa pag-alalang may makakita sa amin at isiping kinikidnap ko si Annie. Pagdating namin sa kotse ay binuksan ko agad ang passenger seat. Sapilitan ko siyang isinakay at saka malakas na isinarado ang pinto. Nakita ko nang magulat siya at mapahawak sa dibdib. Napangisi ako. Pagkatapos ay mabilis akong umikot sa driver seat. Pagpasok na pagpasok ko ay isang sampal naman ang sumorpresa sa akin mula kay Annie. “Bastos ka talaga! Hindi ka ba naturuan ng tamang pagtrato sa mga babae? At sa kagaya ko pang mas matanda sa’yo? Wala ka bang nanay? Wala ka bang ate at hindi mo alam kung paanong rumespeto sa nakakatandang babae, ha?” Natigilan ako. Para akong nahimasmasan sa sinabi ni Annie. “Mr. Navarro, hindi komo kliyente namin ang kompaniya mo ay hindi ako pipiglas sa’yo? Pwede kitang kasuhan ng harrassment baka akala mo! But don’t worry! Alang-alang sa Hayal at kay Mr. Austria, hindi ko ‘yan gagawin!” Pagkasabi noon ay lumabas ng kotse si Annie at ibinalibag ang pinto. Wala na akong nagawa kundi ang panoorin ang paglakad niya palayo at pagpara sa isang dumaang taxi. Walang lingon-lingon siyang sumakay roon. At ilang sandali ay umandar na ang taxi. Nang makalayo ang sinakyan ni Annie ay hindi ko napigilang hampasin ang aking manibela. “Gago ka nga!" wika sa akin ni Ezekilel nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari. Sa bahay niya ako dumirecho matapos akong iwan kanina ni Annie. Nasa terrace kami at nag-iinuman. Gusto ko na sanang umuwi para sundan si Annie sa bahay nito at makahingi ng tawad pero, naisip kong pahupain muna ang galit nito. "Hindi ka marunong makinig, Jeff! Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na huwag si Annie? Ang daming babaeng nakapaligid sa'yo, bakit siya pa?” patuloy na sermon sa akin ni Kiel. Napakunot ang noo ko sa tono ni Kiel. “Bakit mo ba‘ko binabawalan? Bakit si Rei, nanligaw at mukhang hindi mo naman tinutulan? Si Rei pwede, tapos ako, hindi?” “Wala naman kasing kinalaman si Rei sa trabaho ng agency nina Annie sa Hayal kaya ayos lang. Ikaw, Jeff, ikaw ang may direktang contact sa TIH mula ngayon. Ayoko lang na maapektuhan ang mga projects na ginagawa ng TIH para sa atin.” “It won’t happen. Inilalabas ko ang personal na buhay ko sa trabaho. Nakita mo naman kanina, hindi ba?” “Bakit kasi si Annie pa ang napagtripan mo? Iba ang henerasyon niya sa henerasyon ng mga babaeng umaaligid sa’yo. Kung nadaan mo ang mga babaeng ‘yon sa pambobola at pamimilit, hindi ‘yan tatalab kay Annie.” “Correction, Kiel, hindi ko pinilit ang mga babaeng tinutukoy mo.” “E, 'di mas lalo ka palang gago! Kay Annie mo pa talaga sinubukan?” “I didn’t mean to do it. Nainis kasi ako sa reception niya sa akin. Natapakan niya ang ego ko.” “Kung natapakan man niya ang ego mo, kasalanan mo rin dahil hindi mo siya kinakausap nang matino.” Natahimik ako at hindi nakasagot. Itinaas ko ang bote ng beer sa bibig ko at inubos ang laman noon. “Pasalamat ka at hindi ‘yon magrereklamo. Jeff, please, ayusin mo naman ang trato kay Annie. She’s a nice person. Mahusay rin siyang katrabaho. ” “I know.” Napabuga ako ng hangin. Sumasakit ang sentido sa pag-iisip ng susunod na hakbang. “Umuwi ka na nga! Pero huwag mong masubukang bulabugin ang kapitbahay mo. Ako mismo ang magpapalayas sa’yo sa duplex na ‘yon!” Hindi ko pinansin ang banta ni Kiel. Hinarap ko siya at seryosong nagtanong. “What do you think should I do? Paano ko ba paaamuin si Annie?” Umiling si Kiel. “Ano bang gagawin mo? Nothing. She’s getting married in the first place kaya hindi mo kailangang paamuin siya para mapasakamay mo. Jeff, huling beses kong sasabihin sa’yo ‘to, tantanan mo si Annie.” Pagdating ko sa duplex ay patay na lahat ng ilaw sa unit ni Annie. Sigurado akong tulog na siya. Pumasok na ako at mag-isang itinuloy ang pag-inom habang ini-imagine ang kapitbahay ko. A woman with a not-so-ravishing beauty pero, nangangamba ako na baka mauwi ako sa obsesyon sa kaniya kapag lagi siyang ganito sa akin. Dapat sa lalong madaling panahon ay makuha ko ang gusto ko kay Annie. Kanina pa sa biyahe ay pinag-iisipan ko na kung paano ko siya palalambutin. Her reception towards me is insulting, tormenting. Sisirain talaga ni Annie ang image ko sa mga babae kapag nagpatuloy ang pagiging malamig at masungit niya. Kailangang gumawa ako ng paraan para lumapat sa akin ang kalooban niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD