ILANG araw lang ang lumipas mula noong ipagtapat ko kay Lulu na may relasyon kami ni Jeff. Kumalat agad iyon sa buong agency at si Ricky ang tagapagdala sa akin ng mga balita. “Anong sabi nila no’ng nalaman?” kunwari ay balewalang tanong ko. Ngumiti si Ricky. Sa paningin ko, exaggerated ang klase ng ngiti niya kaya nagduda ako sa kaniyang isinagot. “Kinikilig silang lahat sa inyo ni Sir Jeff, Miss Annie!” Hindi na ako kumibo. I know when my assistant is sugar-coating things pero, hinayaan ko na lang siya. Bagaman wala naman akong naririnig mula sa creative team, nararamdaman ko ang lihim na paninitig nila sa akin sa tuwing nagpapatawag ako ng meeting. Hindi iyon gaya ng dati na tumitingin sila sa akin para makinig sa mga ideas ko. I just know that there are something behind their s