NAKANGITI kong pinagmasdan ang diamond ring na nasa loob ng hawak kong maliit na kahon. It looks simple but classy. Perfect. Just like Annie. At sigurado akong magugustuhan niya ito. “Yes, Jeff?” Bahagya akong nagulat nang magsalita si Annie sa kabilang linya. Nasa tainga ko ang cellphone ko at hinihintay siya pero, katititig ko sa singsing ay hindi ko namalayan na nasagot na niya ang tawag ko. “Hello! Annie, anong oras kita susunduin mamaya sa TIH?” “Uh, hindi ko pa masasabi, Jeff. But… you can come to my office, later tonight.” Isinarado ko ang kahon ng singsing at ipinatong sa ibabaw ng mesa ko. “So, hindi na ako pam-basement lang, huh?” tanong ko sa kaniya. Natawa si Annie. Napangiti ako. I love how she laughs. It sounds genuinely happy. “I’ll see you later, Jeff.” “All rig