Chapter 3

1216 Words
"Caithlyn! Nakita mo na si Matthew?" tanong ng aking kaibigan. Ilang buwan na ang lumipas nang mag-aral ako rito at noong mga nagdaang buwan, pansin ko rin na kung sino-sino na ang nakakasama ni Matthew. Naging playboy na siya. “Hindi. Wala akong plano,” maikling sagot ko dahil wala naman na akong pakialam. Minsan ay sinusundo niya pa rin naman ako papunta rito sa school at minsan hinahatid niya ako pauwi. Kaso hindi na palagi dahil madalas ko siyang makitang gumimik o makipag-date sa kung kani-kaninong babae. Iyong pagiging close namin noon ay bigla na lang nawala na parang bula. Hindi ko alam. Hindi na nga rin siya nag-aaya kagaya noon. Busy na siya . Ngunit naiintindihan ko naman. Siguro ganoon talaga kapag tumatanda ka na. May mga nakikilala siyang iba kasi hindi naman puwedeng sa akin lamang iikot ang mundo niya. Siyempre dadating sa point na lalawak ang circle of friends niya tapos ganoon din ako. Hindi na rin ako magugulat kung sakaling may girlfriend na siya tapos tuluyan na siyang lalayo sa akin o lalayo na ako sa kaniya. Hindi naman kasi puwedeng close pa rin kami kahit na may girlfriend siya, hindi ba? Kumbaga respeto na lang din sa relasyon nila at sa girlfriend niya kasi alam ko naman na makakaramdam pa rin siya ng selos kahit na magkaibigan lamang kami ni Matthew. "Sigurado ka ba? Hindi ba at magkaibigan kayo no'n? Best friend yata?" Napabuga naman ako ng hangin at pagod na tiningnan ang aking kaibigan na si Jazzlyn. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan pa niyang banggitin iyon sa akin. Well gets ko naman na curious lamang siya kasi kaibigan ko naman siya at hindi nila alam kung gaano kami ka-close. Minsan nga ay tinitingnan nila ako gamit ang mapang-asar nilang mga mata sa tuwing sinusundo ako noon ni Matthew. Pilit nilang sinasabi na mukha kaming magkasintahan kahit na magkaibigan lang naman. "Oo, mag-best friend nga kami pero hindi naman ibig sabihin no'n ay pakikialaman ko na siya sa mga gusto niyang gawin sa buhay. Hindi naman ako chismosa, Jazz. Kung ikukuwento niya iyon sa akin, makikinig ako," paliwanag ko naman sa kaniya nang mahinahon. "Ikaw kasi, Jazz! Inaasar mo pa kasi si Caithlyn. Alam mo namang busy iyan sa pag-aaral, hindi ba?" singit naman ni Valkyrie. Ngunit napairap ako sa kanilang dalawa dahil aasarin lang naman nila ako parehas. Magkasundo kasi iyang mga 'yan tungkol kay Matthew at sila ang nagbibigay ng mga impormasyon sa akin dahil nga busy ako kagaya ng sinabi ni Val. "Tumigil nga kayo!" sita ko sa kanila. Ngunit ang dalawang kaibigan ko ay nagsitawanan na para bang alam na alam na kaagad na nagsisimula na akong mainis. Ganito ang gawain nila sa tuwing busy ako sa pagbabasa ng libro. Gusto ko kasing mag-advance reading kaya napilitan akong tumambay rito sa library. Kaso nga lang ay pati rito ay inaasar pa rin ako. "Fine! Magbasa ka na riyan. Huwag kang makinig sa amin." Ibinigay ni Val ang kaniyang earphone sa aking harapan na kaagad namang sinundan iyon ng aking mga mata. "Gamitin mo para hindi ka na mainis diyan. Baka sisihin mo pa kami kung bakit kaunti ang makuha mong score sa quiz. Hindi pa naman kami nagre-review." "Stock knowledge lang, 'te!" singit naman ni Jazz kaya napailing na lamang ako. Inis na kinuha ko ang earphone ni Val at kaagad na isinalpak iyon sa aking cellphone. Seryoso kasi ako sa pagbabasa ngayon dahil medyo gumagana ang aking utak. Hindi ko naman inaaakala na bubuksan na naman nila ang topic na iyon. Ngunit bago ko pa man maisalpak sa aking tainga ang earphone, narinig kong bumulong si Val kay Jazz. "Girlfriend kaya niya iyon? Ang sweet kasi nila." "Parang ayaw ko pang umuwi!" sigaw ni Jazz habanag palabas kami ng campus. "Saan ba magandang tumambay? Umay na umay na ako sa mall." Umakbay naman sa amin si Val. "Maganda sa MOA tumambay. May mga street foods din doon. Trip ko ang ihaw," sambit naman ni Jazz. "Bakit pa kayo bibili ng ihaw sa MOA? May malapit kaya rito sa campus." Agad akong pumara ng jeep. Sakto ay walang masyadong karga. Puwede na ito sa aming tatlo. "Mayroon? Isaw ba iyan?" nalilitong tanong ni Jazz sa akin habang papasok kami sa loob ng jeep. "Oo!" Natigilan naman ako nang maaalala kong hindi pala kumakain si Jazz ng isaw. "Kaso hindi ka naman kumakain no'n. Sa condo mo na lang kami kakain." "Tinatamad akong magluto," bagot na sagot ni Jazz. "Ikaw na lang magluto, Val," natatawang wika ko. "Ayaw ko! Baka magreklamo kayo!" Nang makababa kami sa jeep ay kaagad kaming nagpunta sa pinakamalapit na mall. Napag-isipan naming tumambay na lamang sa paborito naming tambayan, ang food court. Pero syempre, bibili muna kami ng pagkain namin. Kami ni Val ang nakatoka sa pagbili ng pagkain habang si Jazz naman ang maghahanap ng puwesto namin. Madalas din kasi ang mga student sa mall dahil tatambay muna talaga sila bago umuwi. Deserve rin naman kasi naming mag-unwind kahit saglit dahil pagod din naman kami sa pag-aaral buong maghapon. Nagsimula na rin pala akong magkaroon ng condo dahil medyo malayo ang bahay namin sa campus. Madalas din kasi ang traffic lalo na ang rush hour. Pinag-iisipan nga ni daddy kung bibigyan na ba niya ako ng sasakyan ngunit ang sabi ko sa kaniya ay huwag muna. Mamomoble lang kasi ako sa pag-park ng sasakyan ko dahil minsan ay kaunti lamang bakante sa parking lot. Marami rin kasi ang mga student na may kotse. Mas gugustuhin ko na ring mag-commute na lang dahil may mga kasama naman ako. Minsan ay ginagamit ni Jazz ang kaniyang sasakyan kaya nakakatipid kami minsan. Ang kaso nga lang ay madalas siyang tamaan ng katamaran kaya mas gusto niyang ako ang mag-drive. Mabuti na nga lang at marunong ako at may lisensya ako. Kaya walang kaso. "Overnight kami sa condo mo, Caithlyn," saad ni Jazz sa akin. Napakunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. Hindi naman kasi sila madalas mag-aya ng overnight kaya bago lamang sa akin na marinig siyang magsalita ng ganito. "Bakit? Ano ang nakain mo at gusto mong mag-overnight sa condo ko?" nalilito kong tanong habang kami ay kumakain. "Hindi ako maka-focus sa bahay kung doon ako magre-review. Saka bukas ang quiz natin sa isang subject natin, hindi ba?" wika naman nito sa amin. "Oo. Mas mabuti pa yatang mag-review tayo nang sabay-sabay para na rin matanong natin ang isa't-isa para makapag-warm up," singit naman ni Val. "Seryoso kayo? Baka mamaya ay nanonood na naman kayo. Hindi iyon pupuwede," sambit ko naman kaya natawa silang dalawa. "Hoy! Seryoso ako, ha? Kailangan nating mag-review. Hindi tayo puwedeng bumagsak." "Oo na, Caithlyn. Ikalma mo, ha?" awat naman ni Jazz sa akin. "Baka kasi kainin niyo ang mga sinasabi niyo!" "Hindi! Kailangan na rin naman kasi nating mag-review. Takot akong bumagsak," saad ni Val. Sineryoso naman nila ang sinabi nila dahil talagang nag-review sila sa aking condo. Ako naman ay minsan nagbabasa ng aking notes dahil sa totoo lang ay nabasa ko na ito. Kailangan ko lang i-refresh sa utak ko ang mga lesson. Ngunit lahat kami ay natigilan nang may mag-door bell sa aking condo. "Baka si Matthew iyan," sambit ni Jazz. Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata. "Tumigil ka nga!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD