Chapter 4

1216 Words
Napahilamos ako ng aking mukha nang maalala ko na naman ang biglaang pagbisita ni Matthew sa aking condo. Seryoso kasi ang kaniyang mukha at mukhang may malalim na iniisip ngunit nang makita niya akong lumabas sa aking condo ay kaagad siyang umalis na para bang hindi siya nag-door bell at hindi niya kami inistorbo. “Mabuti na lang talaga at wala na tayong quiz ngayong week!" wika ni Jazz nang makaupo kami sa ilalim ng puno na kung saan ay kitang-kita ang malawak na soccer field. “May exam naman next week," kalmadong sumbat naman ni Val. Final examination na namin next week at pagkatapos no’n ay graduate na kami sa High school. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta. Dati kasi ay hindi nagiging malungkot ang bakasyon ko ngunit nang maalala kong hindi na kami ganoon ka-close ni Matthew, para akong binuhusan nang malamig na tubig. “Ano ang balak niyo sa bakasyon?" tanong ko sa kanila bigla upang basagin ang nakakabinging katahimikan. “Hindi ko alam. Baka tulungan ko ang parents ko sa pagpapatakbo ng mga business namin," wika naman ni Val. Mayaman din ang pamilya ni Val dahil marami silang business sa Pilipinas. May mga restaurant, may company rin ang daddy niya, resorts at bakery shop. Habang ang magulang naman ni Jazz ay nagmamay-ari ng mga resort at five-star hotels. “Sabagay. Experience na rin. Hindi kasi pupuwedeng umasa tayo sa kanila kasi balang araw, tayo rin ang susunod sa mga yapak nila when it comes to business,” mahinang wika naman ni Jazz. Kung tutuusin ay ayaw kong mag-manage ng mga business namin. Hindi ko kasi makita ang sarili ko sa field na iyon pero sinisiguro ko naman na may natututunan ako dahil hindi naman kasi pupuwede na takbuhan ko ang responsibilidad ko. Kahit na iba ang gusto kong course, hindi naman nila ako pinipilit dahil alam naman nilang wala iyon sa pag-aaral lalo pa at nasa kakayahan iyon at utak. Palaging sinasabi sa akin ni mommy na tuturuan naman nila ako dahil base sa experience naman iyon at mabibigyan nila ako ng kaunting kaalaman. Iyon din ang gusto ko sa parents ko dahil kayang-kaya nila akong hayaan sa gusto kong kurso. Gusto kasing i-pursue ang pagiging Ob-gyne. Dahil sa sobrang dami ng mystery sa katawan ng babae at gusto kong mamulat ako sa ganoon. Ayaw kong magtaka ako o maguluhan kapag may kakaiba sa aking sarili. Kaya gustong-gusto ko ang ganoong trabaho kahit na alam kong mahirap. Pag-uwi ko sa aming bahay ay naabutan ko si mommy na umiiyak kaya natigilan ako. Ngayon ko lang kasi nakita si mommy na umiyak dahil kadalasan ay masama siya. But everything is a lie. Noong nagsimula na ang bakasyon, madalas ko silang marinig mag-away. Marami silang binabasag na gamit at nagsisigawan sila. “Ma'am, doon ka po muna," sabi sa akin ng aming kasambahay. Siya ang nagpalaki sa akin kaya itinuring ko na rin siyang parang pangalawa kong ina. “Bakit po sila nag-aaway? Ano pong mayroon?" naguguluhan kong tanong. Ngunit hindi siya nagsalita. Bagkus ay hinila niya ang aking siko upang papuntahin ako sa aking kuwarto na ilang hakbang lamang. Sa sala sila nag-aaway at dahil malawak ang aming bahay, umaalingawngaw ang kanilang mga boses. “Caithlyn, anak. Pumasok ka na muna sa iyong kuwarto—” “Pero nag-aaway silang dalawa. Hindi po puwedeng doon lamang ako. Patigilin po natin sila. Baka kung saan po mapunta ang away nila.” Nang mahablot ko ang aking siko ay kaagad akong tumakbo papunta sa sala ngunit hindi ko inaasahan ang aking makikita. Sinampal si mommy. “Caithlyn? Tulala ka yata, ha?" tanong sa akin ni Jazz. Inaya niya kami ni Val sa kaniyang condo dahil nababagot daw siya. Pumunta naman ako dahil hindi ko kayang manirahan sa bahay na iyon lalo pa at puro away at sigawan ang naririnig ko. Hindi ko alam ang nangyayari. Sinusubukan kong kausapin si mommy ngunit iniiwasan niya ang mga tanong kong konektado roon at mas pinipili na lang ngumiti sa akin. Akala ko, simpleng pag-aaway lang iyon at hindi sila nagkaintindihan sa isang bagay. Kaso napapadalas na kasi at hindi ko magawang makatulog kaiisip kung ano ang nangyayari. Kung bakit palaging ganoon ang naririnig ko. Gustong-gusto kong malaman ang dahilan ngunit sa tuwing nakikita ko si mommy na pilit ngumiti sa akin at sinasabing may pinag-aawayan lamang sila at aayusin kaagad nila iyon. Nasasaktan ako. Kasi ilang buwan na ang nakalipas. Ilang buwan na rin akong hindi matahimik at gustong-gusto ko silang kausapin nang masinsinan ngunit paano? Paano kung sino mismo ang umiiwas sa mga tanong ko? “Hindi naman. May naisip lamang ako," mahinahong wika ko. Wala silang alam sa nangyayari sa akin dahil bilin sa akin ni nanang, huwag na huwag ko raw sasabihin sa iba dahil confidential iyon at away mag-asawa lamang. Hindi porket mag-asawa, hindi na nila iisipin ang anak nila. Sana hindi nila ako binibigyan ng mga katanungan sa aking isip. Kasi anak naman nila ako. Sariling dugo nila ako ngunit bakit ganito? Bakit kailangan kong humingi ng sagot sa kanila? “Iniisip mo na naman siguro si Matthew," asar naman sa akin ni Val. Tinapunan ko agad siya nang masamang tingin at napailing na lamang. “Hindi." “Alam mo, nakita ko na naman si Matthew noong isang araw,” panimula naman ni Jazz. Pinili ko namang ituon ang aking sarili sa pagkain. Ayaw ko kasing ipahalata na interesado ako dahil aaminin kong medyo nami-miss ko na ang dati naming pagkakaibigan ni Matthew. “Ano? May kasama na naman bang ibang babae?" interesadong tanong naman ni Val. “Oo! Cheerleader yata iyon ng basketball. Maganda siya pero nauumay ako sa ganda niya," sagot naman ni Jazz. “Pero hindi ko lang sigurado kung may something sa kanila. Mahina kasi signal ng mga source ko, eh!" Natawa naman si Val sa kaniyang narinig. “Ako na ang bahalang sumagap sa susunod. Kaso mukhang kung sino-sino naman ang ka-date ni Matthew, eh!” “Guwapo sana pero nagiging playboy na. Malalaman ko na lamang na umiyak iyong mga babaeng naka-date niya dahil daw hindi sila nag-work,” kuwento naman ni Jazz. “Kahit naman playboy siya, guwapo pa rin naman. Siguro hindi niya pa nahahanap iyong para sa kaniya o hindi ganoon kalalim ang pagkagusto niya sa babaeng nakakausap niya,” paliwanag naman ni Val. “May ganoon kasi. Akala mo, type o gusto mo siya pero habang tumatagal, hindi pala. So baka iniisip niyang crush niya iyon pero hindi pala. Gets niyo?" “Yes. May ganiyang case talaga pero kasi nagiging pangit na ang records niya sa mga babae kung ganiyan. Para kasing hindi siya marunong magseryoso.” Napatingin naman ako sa kaniya at kita kong binabalatan niya ang mani. “Hindi naman sa hinuhusgahan ko si Matthew pero kasi ganoon kasi ang labas niya sa mga mata ko.” “Sabagay! Papalit-palit din naman kasi ang mga ka-date o nali-link sa kaniya every day. Kaya hindi kita masisisi pero sana magbago na iyon. Baka mahanap siya ng karma niya in the near future. Mas mahirap iyon!” Kinuha ko naman ang aking cellphone para sana mag-scroll sa aking social media account kaso biglang bumungad ang stolen picture ni Matthew na nakangiti sa isang babae habang sila ay kumakain sa isang restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD