Chapter 2

1080 Words
“Arcade tayo,” aya sa akin ni Matthew nang matapos kaming kumain ng ice cream. “Seryoso ka ba talaga riyan?“ natatawang tanong ko. Tumingin naman siya sa akin at ngumisi. Sakto namang inilipad ang kaniyang buhok na bahagyang nakadagdag sa kaniyang kaguwapuhan. Natigilan ako nang ma-realize kong kanina pa kumakabog ang aking puso sa hindi malamang dahilan. “Seryoso nga, Caithlyn. Libre ko,” sagot niya sa akin saka kumindat. Agad kaming nagpunta kami sa pinakamalapit na mall dito at iyon ay ang Mall of Asia. Hindi ko alam kay Matthew kung bakit dito pa niya naisipang mag-arcade kahit na alam naman niyang mahirap maghanap ng puwesto kung saan puwedeng i-park ang sasakyan namin. “Matthew, sa Ayala na lang tayo,” suggestion ko sa kaniya. “Sa SM na lang,” wika naman niya at agad kinabig ang manibela. Napahinga naman ako nang malalim at napatingin kay Matthew na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Walang hiyang lalaki! Sa SM Baguio ako dinala! Ang buong akala ko pa naman ay sa Manila lang kami pero pagmulat ko ng mga mata ko, malapit na kami sa Baguio? “What?“ naguguluhang tanong niya sa akin na para bang wala siyang kasalanan. Tinaasan ko naman siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga bisig sa aking dib.dib. Ngunit itong lalaki ito, umangat lang ang gilid ng labi niya na para bang natutuwa sa ginawa niyang kalokohan. “Hindi ka man lang nagpaalam sa mga magulang ko!“ hiyaw ko pero kumunot ang kaniyang noo. “Ano bang pinagsasabi mo?” Nagsimula siyang maglakad at hinila ang aking braso para makasunod sa kaniya. “Nagpaalam ako noong nakatulog ka. Sinabi ko rin sa mga magulang ko na gagala tayo rito sa Baguio ngayon para mag-arcade.“ Napanganga naman ako sa aking narinig at hindi makapaniwalang tiningnan ang kaniyang likod. Minsan talaga ay hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan niya. Magugulat na lang talaga ako ay magpupunta kami sa ibang lugar para lang maglaro o hindi naman kaya ay kakain lamang. “Talaga ba, Matthew?“ tanong ko at ilang beses pang umiling. “Yes,” wika naman niya at tumingin sa akin kaya napairap ako Pagkarating namin dito ay agad kaming naglaro hanggang sa kami ay maumay. Madami rin kaming tickets na nakuha dahil sa galing niyang maglaro na para bang sanay na sanay talaga siyang mag-arcade. “Ipamigay na lang natin sa mga bata ito,” saad niya habang inaayos ang mga ticket na nakuha namin. Siguro ay aabot din ito sa five hundred tickets. Ilang oras din kasi kaming nagpapagalingan sa pag-shoot ng bola sa basketball, eh. Lumapit siya sa mga bata at ibinigay ang mga naipon naming ticket. Habang nakikipag-usap siya ay may ngiti sa kaniyang labi. “Tara na?” aya niya sa akin nang umalis ang mga bata. “Mahilig ka ba sa mga bata?“ tanong ko sa kaniya nang magsimula kaming maglakad. Kakain kasi kami dahil medyo nakaramdam na rin ako ng gutom saka gabi na rin. Hindi ko rin alam kung nag-book ba siya sa hotel ngayon. Alanganin din naman kasing bumyahe kami pauwi sa Manila dahil gabi na rin at pagod siya. Ilang oras din kaya ang ibinyahe namin. Kung marunong lang sana akong mag-drive at may student license ako, baka kanina pa ako nag-volunteer. “Oo. Ang cute kasi nila,” saad niya at bahagyang natawa. “Saan mo gustong kumain?” “Kahit saan basta nakakabusog,” wika ko kaya napailing siya. “Hintayin mo ako rito. Kunin ko lang ang sasakyan ko sa parking lot,” saad niya at mabilis na umalis. Hindi masyadong malamig sa Baguio ngayon kahit gabi kapag naglalakad ka pero kapag bumabyahe ka, siguradong manginginig ka dahil malamig ang hangin dito kumpara sa Manila na puro usok. “Samgyupsal na lang tayo. May alam akong sulit na samgyupsal restaurant,” sambit niya nang makasakay ako sa passenger seat. Agad ko namang isinuot ang seatbelt saka siya nagsimulang magmaneho. “Ako na magbabayad.” May pera naman kasi ako pero hindi ko masyadong ginagamit dahil hindi naman ako maluho. Kaso nga lang nakakahiya kay Matthew dahil simula kanina ay siya na ang nagbabayad sa lahat. “Caithlyn, ako na. Itago mo na lang iyang pera,” sita niya sa akin kaya naman bigla akong napasimangot. Kaya minsan ayaw ko talaga siyang kasama dahil ganito siya palagi sa akin. Libre nang libre! Puwede naman kasing maghati kami sa bills lalo pa at nakakahiya na rin dahil siya pa ang nagbayad ng tuition ko kanina! Partida buong school year iyon! Hindi lang sem. Kaya minsan nakakainis siya dahil sa taas ng pride niya. Hindi naman porket lalaki siya ay siya na palagi ang magbabayad. Pagkatapos naming kumain ay agad ko siyang inunahan sa counter para magbayad pero mabilis siyang nakasunod sa akin kaya ngayon ay tinataasan ko siya ng kilay. “Ngayon lang ako magbabayad. Next time hati na tayo sa bills,” saad ko sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo sa aking sinabi at halatang tutol sa kaniyang narinig. “What do you mean? Hindi puwede. Ako ang magbabayad kapag kasama mo ako.” “Matthew, may pera ako,” sambit ko sa kaniya. “And? May pera rin ako pero dapat ako ang magbabayad dahil ako ang nag-aya at dinala kita rito,” ani niya. Halos umusok naman ang ilong ko sa aking narinig kaya padabog akong naglakad nang tawagin kami ng cashier para magbayad. Nang iibigay ko na dapat ang card ko sa cashier ay agad namang pinigilan ni Matthew at ibinigay ang kaniyang card. Dahil nga mas malakas siya ay walang binatbat ang lakas ko sa kaniya. “I hate you,” sambit ko at padabog na nagpunta sa labas. “Caithlyn, hindi naman kasi puwedeng ikaw ang magbayad,” paliwanag niya sa akin. “Hindi ko hahayaan iyon. Basta kapag ako ang kasama mo, ako palagi ang magbabayad.” “Ang taas ng pride mo, Matthew!“ sambit ko at padabog na binuksan ang passenger seat saka isinara. Kita ko naman kung paano siya huminga nang malalim at nagkamot ng kaniyang batok bago pumunta sa driver seat. “Fine. Ikaw magbabayad ng bills natin sa hotel mamaya.” “Anong ako ang magbabayad? Nabayaran mo na iyon,” sambit ko kaya umigting ang panga niya hanggang sa napailing na lamang. “Sasabihin mo pang ganiyan. Susulsulan mo lang sila na hindi ka pa nagbayad para kunwari ako ang magbabayad.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD