bc

Lie (SPG)

book_age18+
2.4K
FOLLOW
25.7K
READ
forbidden
HE
drama
mystery
loser
office/work place
addiction
like
intro-logo
Blurb

L Series #2

“Mahal kita,” sambit niya kaya nanlaki ang aking mga mata.Hindi ko alam kung nakikipagbiruan lamang siya sa akin kaya umiling ako sa kaniya. “Baka nalilito ka lang.”

“Hindi ako nalilito, Caithlyn. Siguradong-sigurado ako sa nararamdaman ko,” sambit niya.

But that was a lie.

chap-preview
Free preview
Lie
Disclaimer: This is a work of fiction. Any names, characters, events, businesses, songs, places, and ideas are the product of the author's imagination. Any resemblance to an actual person, living, dead or events are purely coincident. I don't own the photo used on the book cover. It was generated by AI and I just added text according to my taste. All Rights Reserved ⓒ Lie L Series #2 Caithlyn Leigh Imperial “What do you think you’re doing, Caithlyn?” he asked when I arrived at our house. Our house Napangisi ako nang inulit ko ang huling dalawang salita. Masaya sana akong banggitin iyan kung hindi lang ganito ang nangyari sa amin. “Nothing. Bakit mo ba ako pinapakialaman?” I asked nonchalantly. Nawawalan ako ng gana kapag ganito palagi ang bubungad sa akin pag-uwi. Pagod na nga ako sa trabaho, dadagdag pa siya sa problema ko. “Caithlyn, you’re my wife! Natural lang papakialaman kita,” sambit niya na may diin ang boses. Napailing naman ako at saka napangisi. Ang lakas ng loob niyang sabihin iyan kung nagsisinungaling naman siya? Sino ang pinagloloko niya? “Wife? Really, Matthew?” natatawang tanong ko sa kaniya at tiningnan siya sa kaniyang mga mata kasabay. Unti-unting nawala ang aking ngiti sa labi. “Sa’yo pa talaga nanggaling ’yan, Matthew? Wow!” “Caithlyn, hindi ako nakikipagbiruan.” Lumapit siya sa akin ngunit itinaas ko ang aking kamay. Dahil sa aking ginawa ay napatigil siya sa paglapit at nakita ko kung paano umigting ang kaniyang panga. “Hindi rin ako nakikipagbiruan, Matthew. Kaya huwag kang lumapit sa akin kasi nandidiri ako,” wika ko at tumalikod sa kaniya. “Caithlyn, please. Hindi naman ako—” “Tantanan mo iyang paliwanag mo, Matthew! Hindi ko kailangan iyan!” sigaw ko bago tumalikod sa kaniya upang pumunta sa aking kuwarto. Kung tutuusin ay puwede namang hindi ako umuwi pero kasi hindi ko puwedeng basta iwan ang anak ko. Puwede ko siyang kunin pero alam kong hindi ako papayagan ni Matthew. Marami siyang koneksyon kaysa sa amin. Kaya impossibleng hahayaan niya kaming makalayo sa kaniya. Imbis na tumakbo palayo, mas gugustuhin ko na lang manahimik at magtiis sa iisang bubong kasama siya. “Mommy, why are you crying?” he asked. Napahawak naman ako sa aking pisngi at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Tila nabuhusan naman ako nang malamig na tubig kaya agad ko itong pinunasan at ngumiti sa aking anak. “Wala ito, baby. Napuwing lang si mommy.” “Are you sure, mommy?” tanong niya sa akin at lumapit sa akin. Yumuko naman ako at hinalikan ang kaniyang ulo bago siya buhatin. “Lumalaki na talaga ang baby ko!” Pinugpog ko siya ng halik dahilan para matawa siya. Kahit kasama ko si Matthew sa bahay na ito, hinding-hindi ako mapapagod lumaban para sa anak ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
26.1K
bc

UNCLE'S VIRGIN B*TCH (SPG)

read
216.9K
bc

HAYOK SA LAMAN - SPG

read
59.9K
bc

The Two Gays Who Stabbed My Rose (S.I.O #2)

read
79.1K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
20.4K
bc

Until Our Lust Breathes (Seven Deadly Sins)

read
27.8K
bc

My Sweet, My Love Ninong(Spg)

read
101.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook