Chapter 1

1099 Words
“Ano? Papalag ka? Tang.ina mo pala, eh!” sigaw ni Matthew habang nakikipag-away sa lalaking nasa harapan namin. Agad kong inabot ang isang bisig niya at pilit siyang hinihila kahit na mas malakas siya sa akin. “Matthew, tama na! Hayaan mo na siya!” “Anong hayaan, Caithlyn? Dapat diyan pinapatay!” Sinubukan niya ulit siyang tadyakan pero tumigil din siya kaagad nang bigla kong yakapin ang kaniyang malapad na bewang. “Babalikan kitang hayop ka!“ “Tama na. Hayaan mo na siya,” bulong ko habang pinipigilan ang aking mga luha. 4th year high school student si Matthew at ako naman ay 3rd year na. Mas matanda siya ng isang taon sa akin pero hindi ko siya tinatawag na kuya dahil ayaw niya. Nagsimula kaming maging magkaibigan last year. Ni hindi ko nga matandaan kung paano kami naging close. Basta nagising na lamang akong palagi na kaming nag-uusap, magkasama at nagpupunta sa kung saan. “Dapat kasi hindi mo na pinatulan,” bulong ko sa kaniya habang nililinisan ang kaniyang sugat sa gilid ng kaniyang labi. “Anong hindi? Kung ano-anong binabatong salita sa iyo kahit hindi naman iyon totoo,” madiin niyang sagot sa akin. “Pero kahit na. Tingnan mo, nasaktan ka tuloy. Palagi ka ring napapaaway dahil sa akin,” wika ko habang patuloy na idinadampi ang bulak na may betadine at alcohol. Bahagya pa siyang napaatras nang maidiin ko ang bulak sa sugat niya kaya humingi ako ng pasensiya. Ang siga-siga tapos nasasaktan naman pala kapag gagamutin. “Wala akong pakialam kahit ilang beses akong mapaaway. Hindi naman totoo ang sinasabi nila,” bagot na saad niya. “Saka bakit mo ba hinahayaang i-bully ka ng mga ’yon?” Napangiti naman ako nang malungkot. “Hindi ko naman kasi kailangang i-defend ang sarili ko sa kanila kasi sarado naman ang mga utak nila.” “Lipat na lang tayo ng school,” suhesyon niya. Napataas naman ang kilay ko at tinapos ang paglilinis ng sugat niya. “Hindi na. Dagdag gastos lang iyon.” “Ako na ang bahala roon,” sambit niya kaya napatingin naman ako sa kaniya ngunit nabigla ako nang kumindat siya sa akin. “May pera ka ba?“ naghahamon na tanong ko sa kaniya kaya bigla siyang sumimangot. “Wala,” mahinang sagot niya. Napailing na lamang ako sa kaniya dahil sa kalokohan niya. “Pero may pera naman sina mommy at daddy.” “Sila! Saka hindi naman nila ako responsibilidad para pag-aralin, Matthew.” Inilagay ko ang betadine, alcohol at bulak sa aking bag. Palagi ko na itong dala-dala dahil palaging nakikipag-away si Matthew sa mga nangbu-bully sa akin. Nagkakaroon naman siya ng mga sugat pero hindi ito malala kagaya ng mga ginagawa niya sa mga nakaka-away niya. “Fine! Pero kapag naka-graduate na ako rito, isasama kita sa university kung saan ako mag-aaral,” sambit niya. Last year na kasi niya rito. Sinasabi niya rin sa akin na mag-aaral na siya sa university dahil firts year college na siya ngayong school year. “Bakit naman ako sasama? Wala ka ngang pera,” sambit ko para inisin siya. Kung makapag-desisyon kasi, akala mo ay pag-aaralin na ako. “Akala mo lang,” confident niyang sagot. “Matthew, hindi naman na kasi ako dapat sasama! Saka next school year, dito rin naman ako pag-aaralin ni daddy at mommy,” bulong ko sa kaniya habang inaayos niya ang enrollment form ko. Hindi ko alam kung saan niya kinuha ang pera pero naki-usap siya sa mga magulang ko na siya na raw ang bahala sa pag-aaral ko ngayong school year na ito kahit na kaya naman ng mga magulang ko. May mga business din kasi ang mga magulang ko kagaya ng mga magulang niya pero hindi kami ganoon kaangat kumpara sa kanila. Kung connection ang pag-uusapan, mas marami sila dahil kilala na sila sa business world. Marami na rin silang business sa ibang bansa habang kami naman ay mangilan-ngilan pa lang ang nasa ibang bansa. “Tumahimik ka na nga lang, Caithlyn!” asar na wika niya nang hindi na siya makapagtimpi. Kanina pa kasi ako nagrereklamo na huwag na kaso mapilit talaga siya. “Pumayag na sina tita at tito.” “Eh, kahit na! Hindi naman kita kadugo para pag-aralin ako. Saka saan mo ba nakuha ang pera?“ tanong ko sa kaniya. “Nagtrabaho ako sa company namin para magkapera dahil hindi ko naman pera ang nasa card ko,” paliwanag niya sa akin saka tumingin sa akin. “Pera iyon ng mga magulang ko.” Nagulat naman ako sa naging sagot niya sa akin. Hindi ko kasi inaasahan na ang tagapagmana ng mag-asawang Mijares ay nagtrabaho para magkaroon ng pera. Bigla akong natahimik dahil sa aking narinig habang ang lalaking nasa harapan ko ay inaayos ang aming enrollment form. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o dapat akong mahiya. Kaya imbis na magreklamo at magsalita ay nanahimik na lang ako. Sisiguraduhin kong pagbubutihin ko ang pag-aaral ko ngayong sem. Hindi ko nga alam kung bakit ganito si Matthew at kung paano niya napapayag sina mommy at daddy. “Saan mo gustong kumain?” tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa parking lot. “Karinderya na lang,” bulong ko. Hindi naman kasi ako maarte pagdating sa pagkain. Ayos na sa akin basta alam kong malinis at masarap ang pagkaluto. Aanhin ko naman ang mamahaling pagkain kung hindi naman pasok sa aking lasa? “May malapit yatang karinderya rito,” sambit niya bago ako pagbuksan ng pinto sa passenger seat ng kaniyang sasakyan. Nang makapasok ako ay isinuot ko kaagad ang aking seatbelt. Mabilis naman niyang isinara ang pinto bago naglakad papunta sa driver seat. “Gusto mo bang kumain ng pizza after nating kumain ng lunch?“ basag niya sa katahimikan habang siya ay nagmamaneho. “Kahit siomai na lang at isaw,” wika ko naman habang nakatingin sa bintana. Simula noong nagkakilala kami, madalas kaming kumain ng isaw at siomai sa harap ng campus namin. Minsan din ay kumakain kami sa karinderya at naging suki pa nga kami roon. “Magastos kapag kakain pa tayo sa mga restaurant,” dagdag ko. Puwede namang kumain kami roon pero alam kong hindi niya ako hahayaang magbayad. Kaya kapag alam kong kasama kong kumain si Matthew, hindi na ako nagtatangkang maglabas pa ng pera sa wallet ko dahil siguradong magtatalo lamang kami. “After ng isaw at siomai, ice cream tayo?” aya niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kaniya nang may ngiti sa aking labi. “Okay!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD