Chapter 6

1202 Words
Trigger warning: This chapter contains suîcide, harsh words, anxiety, or depression. Skip this part if you are sensitive. Read at your own risk. Matapos mailibing si mommy, hindi ko na alam kung paano ako nakaka-survive. Parang ang gusto ko na lang ay matapos ang buong araw ko para makauwi na ako sa condo ko. Marami namang nagtatanong kung kumusta na ako. Kagaya nina Xianel, Jazz at Val pero wala talaga, eh! Hindi ko kayang makipag-usap. Parang nawalan ako ng pakiramdam. Namanhid ako sa nangyari at hindi ko alam kung naitutulak ko na palayo ang mga taong nandito palagi sa aking tabi. Gusto kong ibalik iyong sigla ko noong mga nagdaang buwan pero paano? Paano ko gagawin iyon kung nawala na si mommy? Kung bakit nasira ang pamilyang inaalagaan ni mommy? Ang hirap humakbang. Ang sakit! Ganito pala kapag nawalan ka ng magulang, ano? Parang namatay ka na rin sa sobrang kalungkutan. Patong-patong naging problema ko simula nang napansin kong may gusot sa pagsasamahan ng mga magulang ko. Kung sana napakiramdaman ko kaagad na hindi okay si mommy. Edi sana, buhay pa siya hanggang ngayon. "Caithlyn! Anak!" Napangiti ako nang makita ko si mommy. Sobrang saya niya ngayon at para bang wala siyang naging problema. "Mommy, miss na miss na kita." "Miss na rin kita, anak." "Kumusta ka, Mommy?" Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang aking ulo bago ako binigyan nang matamis na halik sa aking noo. Na-miss ko ang ganitong pakiramdam kapag kasama ko si mommy. Ramdam na ramdam ko kasi ang pagmamahal niya kahit na hinalikan niya lamang ang noo ko at hinahaplos ang ulo ko. Iba talaga ang pagmamahal ng isang ina. "I'm doing good, anak. Parang ngayon ko lang naramdaman ang saya. Iyong walang mabigat sa dibdib o walang lungkot sa aking puso. Kumbaga ang gaan sa pakiramdam kapag ganito." Natigilan naman ako sa sinabi ni mommy lalo na noong mapansin ko kung paano kuminang ang kaniyang mga mata habang sinasabi iyon. Gaano kabigat ba ang pasan-pasan ni mommy nang hindi ko napapansin? "Kaya huwag kang mag-alala, anak. Wala naman akong pinagsisihan. Masaya ako sa naging desisyon ko pero alam kong sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari." "Mommy." "Huwag mong sisihin ang sarili mo, ha?" "Mommy, parang ang hirap naman yatang sundin ang sinasabi mo. Alam ko naman po kasing nagkamali ako. Hindi ko inalam kung ayos ka lang ba. Kaya paanong hindi ko po sisisihin ang sarili ko, Mommy?" "Anak, sariling desisyon ko iyon. Kaya sana huwag na huwag mong iisiping kasalanan mo dahil hindi naman talaga. Sadyang may mga bagay lang na kailangan mo nang sumuko kapag hindi mo na kaya." "Mommy, hindi naman puwedeng ganoon. Nandito pa naman ako, eh! Puwede ka namang humingi ng lakas sa akin hindi iyong iniwan mo na lang ako. Mommy, paano na ako? Paano ako mabubuhay? Ang hirap ipagpatuloy ang ganito, Mommy. Ang sakit!" "Caithlyn, anak. Alam kong maiintindihan mo rin ang lahat pagdating nang tamang panahon. Sa ngayon, hindi mo pa naiintindihan pero sana huwag na huwag kang magkukulong sa dilim. Huwag mo akong gayahin." "Mommy naman! Sama na lang ako sa iyo. Ayaw ko na," "Caithlyn, hindi puwede." Unti-unting nawala si Mommy sa aking tabi ngunit dinig na dinig ko pa ang boses niya. "May mga naghihintay pa sa iyo, Caithlyn." "Mommy! Mommy, please!" Kaagad akong napamulat at mabilis huminga nang malalim. Hindi ko alam ang nangyari. Buong alam ko ay nagbababad ako sa aking bath tub pero ang panaginip ko ay parang totoo. Mas lalo ko tuloy na-miss si mommy. Ni hindi ko nga alam kung sinadya ni mommy na kausapin ako sa panaginip ko pero ramdam na ramdam ko ang halik niya sa aking noo. Natigilan ako nang makarinig ako nang mabibigat na hininga at nang sulyapan ko ang aking gilid, doon ko natagpuan ang kaniyang nanlilisik na mga mata. Iyong labi niya rin ay naging isang linya na para bang nagtitimpi lamang. "Next time, huwag mo na iyong gagawin. Hindi kita hahayaang maligo ulit mag-isa," matigas na sambit niya na nagpahigit ng aking hininga. "Tell me if you can't stand up. Tutulungan kita." Napalunok naman ako at kaagad na inilihis ang aking mga mata hanggang sa mapatingin ako mismo sa aking katawan na ngayon ay nakasuot na ako ng roba. Wala akong saplot kanina noong nagbabad ako sa bath tub kaya nakakapagtaka na biglang may saplot na kaagad ako. "Good thing alam ko ang passcode ng condo mo." Tumayo siya at hindi na muling nagsalita bago ako alalayan sa pagtayo sa pamamagitan nang paghawak sa aking siko at bewang. Nakakahiya man ang nangyari ay nagpapasalamat akong tinulungan niya ako pero ramdam na ramdam ko ang pagbabago ng kaniyang mood. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko sa tuwing inililigtas niya ako noon sa mga nangbu-bully sa akin pero hindi ko inaasahan na magiging ganito pala siya sa akin. Buong araw siyang namalagi sa aking condo. Siya ang nagluluto, naghuhugas ng mga pinagkainan namin, naglilinis at nag-aasikaso sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit niya ito ginagawa pero palagi kong nararamdaman ang mga titig niya sa akin kahit hindi siya nagsasalita. "Salamat," mahinang bulong ko pagsapit ng gabi. Hindi siya nagsalita at nakatingin lamang nang mataman sa akin na para bang ayaw akong mawala sa kaniyang paningin kaya medyo nailang ako. Alam ko namang close kami noon ni Matthew dahil matalik ko siyang kaibigan pero hindi ko alam ang nangyayari sa kaniya ngayon. Ibang-iba siya sa taong nakilala ko noon. "Matutulog na ako," paalam ko sa kaniya. "Hindi ako uuwi ng condo ko. Dito lang ako," sambit naman niya at biglang humiga sa mahaba kong sofa sa sala. Nataranta naman ako at kaagad na pinigilan siya dahil hindi ako sanay na may natutulog na lalaki sa aking condo. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya pero hindi naman yata tama na patulugin ko siya sa sofa dahil bisita ko siya, eh! "Teka lang. Hindi ka kasya riyan." "Matulog ka na sa kuwarto mo, caithlyn. Dito lang ako. Baka kung ano na naman ang mangyari kapag nalingat lang ako sandali," striktong wika niya bago ipikit ang kaniyang mga mata. Napabuga naman ako ng hangin at problemadong nakatingin sa lalaking walang pang-itaas na damit dahil parang wala talaga siyang balak lumabas ng condo ko. "Matthew," tawag ko sa kaniya ngunit hindi siya nagmulat ng kaniyang mga mata. "Matulog ka na sa kuwarto mo, Caithlyn. Hindi mo ako mapapaalis dito lalo na at hindi stable ang mental health mo. Hindi kita puwedeng iwan mag-isa rito dahil lahat ng mga malalapit sa iyo ay nag-aalala. Kaya imbis na pilitin mo akong paalisin sa condo mo, mas mabuti na lang na matulog ka." "Pero kasi hindi ka puwedeng matulog diyan dahil hindi ka kasya," reklamo ko pero hindi na niya ako pinansin. Padabog naman akong pumasok sa aking kuwarto at piniling magpahinga na rin dahil sa pagod. Aaminin kong nakokonsensya ako sa nagawa ko kanina pero hindi ko naman sinasadyang makatulog sa bath tub at nakalublob ang aking ulo. ang gusto ko lang naman kanina ay umidlip pero mukhang maling desisyon pala iyon dahil muntikan na akong mapahamak. "Kaya ba bigla kang umalis, Mommy, dahil may mga handang tumulong sa akin?" Kinagat ko ang aking ibabang labi at pinilit matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD