Chapter 7

1220 Words
Matapos iyon, sinubukan ko nang ayusin ang sarili ko. Mahirap man ngunit para sa kinabukasan ko, pinipilit kong lumaban lalo pa at may mga taong handang tumulong sa akin at ayaw kong sayangin ang mga effort nila. “Caithlyn, sure ka bang maayos ka na?” tanong sa akin ni Jazz. Ilang buwan na ang nakalipas at masasabi kong may progress naman ako kahit papaano. May time na umiiyak ako pero hindi na kagaya noon. Sa mga nagdaang buwan din kasi, doon ko nalaman ang dahilan kung bakit tinapos ni mommy ang buhay niya. Nagsiliparan ang mga balita tungkol sa kabit ni daddy. Marami ang nagulat, nainis, at nalungkot. Inulan sila ng mga tanong habang ako, nanatiling tahimik dahil sinusubukan ko pang abutin ang mga pangarap ko para pabagsakin sila. Ang buong akala ko noon, hinding-hindi gagawin iyon ni daddy pero nagkamali ako. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon, baka puwede kong baguhin ang tadhana ni mommy. Iyon ay ilayo siya kay daddy kahit na hindi ako isilang sa mundong ito. “Oo naman!" magiliw na sagot ko at itinuon ang aking pansin sa libro na binabasa ko. Papalapit na ang exam namin at kailangan kong mag-focus ngayon dahil marami pa akong gagawin para makapaghiganti sa kanila. Hindi naman ako naghihiganti in a bad way pero ang gusto ko kasi, para hindi nila ako maliitin, mas gugustuhin ko pang galingan sa lahat para wala silang masabi sa akin. Kumbaga hindi nila ako tatapakan. “Puwede ka namang magpahinga kung hindi mo kaya—” “Hindi. Maghihiganti pa ako sa kanila. Ayaw ko silang makitang masaya o tapakan nila ang pagkatao ko." “Caithlyn,” mahinang bulong ni Val. “Ayos lang ako. Mabigat minsan pero ayos lang. Kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral, Val.” “Alam naming nahihirapan ka—" “Kaya ko, Val, Jazz. Naiintindihan kong nag-aalala kayo pero kaya ko. Hindi naman puwedeng maging mahina ako.” Sa dami kasi ng mga balita na nagkalat sa internet, alam kong kinakabahan sila sa akin pero hindi naman ako basta-basta maapektuhan doon dahil lahat ng tao ay umaayon sa amin. Ang palaging target nila ay ang daddy ko at ang kabit niya. Sa dami ba namang natulungan ni mommy, sino ang maiinis sa kaniya? Sobrang buti niya. Never siyang nagkaroon ng kaaway pero mabilis siyang kinuha ng Panginoon dahil hindi nakayanan ni mommy ang hirap sa daddy ko na walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Matapos din pala ang insidente sa aking condo na kung saan ay iniligtas ako ni Matthew, hindi na siya muling nakipag-usap sa akin ngunit sa tuwing nasa iisang lugar kami, ramdam na ramdam ko ang mga tingin niya sa akin kahit hindi ko siya lingunin. Kagaya na lang ngayon, nasa cafe kami dahil dito namin naisipang mag-review tapos sa hindi kalayuan, kasama niya rin ang mga barkada niya at may iilang babae rin silang kasama. Katabi niya pa ang isa. Well hindi ko naman malalaman iyan kung hindi tiningnan ng mga kaibigan ko. Ewan ko nga kung bakit trip pa rin nilang pag-usapan si Matthew kahit na hindi na dapat. Hindi ko tuloy alam kung may gusto ba sila kay Matthew or talagang inaasar lang talaga nila ako. "Caithlyn, ramdam ko talaga mga mata ni Matthew rito sa puwesto natin. Hindi man ako ang tinitingnan pero naiilang pa rin ako," bulong ni Val na kaagad ko namang inilingan. "Hayaan mo na. Mas mabuti pang mag-review tayo. Huwag mong pansinin mga mata nila," wika ko naman at sabay abot sa kape na iniinom ko. Hindi naman talaga ako mahilig sa kape pero kasi wala akong dalang chocolate drink or chocolate saka mani para sana lantakin habang nagre-review ako. Pampagising ko kasi iyon ng katawan ko para ma-absorb ko lahat ng binabasa ko. Mahirap naman kasing mag-review kung hindi nakikisama ang katawan mo, hindi ba? "Grabe! Hindi ko pa rin alam kung paano mo nakakayanang umaktong parang wala lang kahit tinititigan ka na," saad naman ni Jazz sabay hagikgik. "Sinabi mo pa. Hindi man lang niya maramdaman kung paano ito tumitig. Halatang may ibang kahulugan," natatawa namang sambit ni Val. Napahinga na lang ako nang malalim pagkalapag ko ng aking inumin sa mesa. Pagkatapos ng klase, kaagad kaming lumabas ng room para sana umuwi na kaso may biglang lumapit na matangkad na lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay basketball player siya. Not sure kung ano na ang kaniyang year pero sikat din kasi siya sa campus namin kagaya ni Matthew. "Ah! Hi!" bati niya sa amin. Kaso nakatingin siya sa akin kaya napatingin ako saglit sa mga kasama ko na medyo natigilan sa aking tabi. "Uh, hello?" nalilito kong wika. Ramdam ko naman ang bulungan ng ilang nakakakita sa amin. Actually hindi naman ako ang topic nila. Itong lalaking nasa harapan ko lang kasi paano naman siya hindi pag-uusapan? Katatapos lang kasi ng laro niya at halatang pawisan pa siya. Ngumiti naman siya sa akin dahilan upang magtilian ang mga student sa paligid namin kaya agad akong napatingin sa kanila. Doon ko lang nakumpirma na kinikilig sila dahil namumula ang kanilang mga mukha na para bang sila ang nginitian. Weird. "Pasensya na kung ginulo ko kayo. But gusto ko lang sanang malaman ang pangalan mo," diretsang wika niya. Napabalik naman ang mga mata ko sa kaniya at hindi mapigilang pagtaasan siya ng kilay dahil bakit bigla siyang lumapit sa akin? Hindi ko alam. Ang gulo. Out of nowhere, bigla niyang tatanungin kung ano ang pangalan ko kahit na hindi naman kami close? Dahil ayaw ko naman siyang pahiyain, ngumiti ako sa kaniya at kaagad na sinabi ang pangalan ko. "Caithlyn Leigh Imperial." "It's nice to meet you, Caithlyn. I'm Lucius Harry Del Valle. See you around!" Kaagad siyang tumakbo palayo na sinundan naman namin nang tingin. "Bakit biglang sumulpot at tinanong pangalan mo? Kilala ka ba no'n, Caithlyn?" tanong ni Val. Nagsimula naman kaming maglakad dahil gustong-gusto ko na rin umuwi. Medyo napagod ako sa pag-aaral kanina at ramdam na ramdam kong babagsak na ang katawan ko. "Hindi yata. Never naman kaming nag-usap. Kaya nalilito talaga ako kung bakit bigla niya akong nilapitan." Tumingin ako sa kaniya nang nakakunot ang aking noo. "Baka ikaw talaga ang target niya?" "Sira! Hindi ko naman type iyon kahit guwapo. Iba ang type ko, ano!" bulong niya sa amin. Natatawa naman akong napailing at hindi maiwasang isipin kung bakit niya ako kinausap. Ilang hakbang na lang sa aking condo nang mapansin kong may pamilyar na tao tapat mismo ng aking condo. Nakapamulsa ito habang nakasandal ang likod sa tabi ng main door ng aking condo ngunit nang maramdaman niya ang aking presensiya, bigla siyang napatingin sa gawi ko. Nanigas naman ako sa aking kinatatayuan at ramdam na ramdam ko ang aking mga balahibong nagsitayuan dahil sa gulat at pagkataranta. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla siyang tumingin sa akin at ang malala ang taong hindi ko pa inaasahan. "Matthew," bulong ko sa hangin. Hindi ko alam kung narinig niya ang sinabi ko pero nakita kong umangat ang kaniyang labi nang kaunti na para bang nagugustuhan niyang makita akong gulat na gulat sa nangyayari. "Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya nang ako ay makalapit sa kaniyang puwesto. Ngunit imbis na sumagot, tumawa lamang siya kaya amoy na amoy ko ang pinaghalong sigarilyo at alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD