Chapter 5

1203 Words
Trigger warning: This chapter contains suîcide, harsh words, anxiety, or depression. Skip this part if you are sensitive. Read at your own risk. “Jazz!" sigaw ni Val sa aking tabi nang makita niya sa kalayuan si Jazz. Napalingon naman sa amin si Jazz at kaagad na lumiwanag ang kaniyang mukha saka patakbong nagtungo sa amin. Parehas silang may nasagap sa balita tungkol kay Matthew. “Alam mo na ba iyong chismis?!” “May nasagap akong balita!" Napailing na lamang ako nang sabay nilang sabihin iyon. Talagang nakasagap nga sila ng balita dahil halatang-halata sa kanilang mukha ang kasiyahan. “May kasama ngang bago si Matthew noon. Cheerleader ng basketball team.” “Kalat na kalat nga sa newsfeed ko iyon kaya kinausap ko mga source ko kung totoo, eh!” Sabay naman silang napatingin sa akin nang may ngisi sa kanilang labi pero kalmado ko lamang silang tiningnan at ininom ang aking iced coffee. Wala namang kaso kasi sa akin kung iba-ibang babae ang kasama ni Matthew. Kaibigan lang din naman kasi ako at saka hindi naman ako magseselos kahit na marami na siyang kaibigan. Normal lang talaga iyon. Kaso pagsapit na naman ng gabi, nagsisimula na naman akong atakihin ng mga problema ko. Gusto ko sanang may makausap. Iyon bang hindi ako huhusgahan ngunit paano? Si Xianel. Kaagad kong kinuha ang aking cellphone para tawagan si Xianel. Mabuti na lamang at sinagot niya kaagad kaso halatang bagong gising. “Hello, ate? Bakit ka po napatawag?” Napangiti naman ako at natatawang napailing. Bata pa si Xianel ngunit nakakaintindi naman siya ng mga bagay na medyo komplikado. Kung mag-isip nga siya ay para siyang mas matanda dahil sa sobrang lawak ng kaniyang isipan. Kaya minsan ay gusto ko siyang kausapin tuwing may problema ako kasi naibibigay niya iyong mga salitang gusto kong marinig. “May problema ka ba, ate? Kanina ko pa napapansin ang malalalim mong buntong-hininga.” “May mga gumugulo lang kasi sa isipan ko, Xia," panimula ko at tinitigan ang kisame ng aking kuwarto. Sinusubukan kong maging kalmado dahil ramdam kong maiiyak ako sa ganitong sitwasyon. Wala kasi akong makausap at palagi kong naaabutan sina mommy at daddy na nag-aaway saka nagsasakitan. Hindi ko alam. Para akong nawawalan ng boses kapag sila ang usapan. Ang dami kong gustong sabihin sa kanila ngunit bakit kapag naririnig ko ang malalakas nilang boses; umaatras ako? Napalunok ako nang marinig ko na naman sa aking isipan ang kanilang sigaw. “Bakit mo nagawa sa akin ito? May anak na tayo, hindi ba?” “Ano ba talaga ang gusto mo? Binibigyan ko naman kayo ng pera, ha?!” “Really? Iyan ang ipinagmamalaki mo? Hindi ka na nga umuuwi rito dahil sa kabi—” “Watch your words! D-mn it! Don't ever—" “Ang kapal talaga ng mukha mo! Sana hindi ka na lang umuwi! Sana namatay ka na lang!" Napangiti ako nang malungkot at kinagat ang aking ibabang labi. It’s always been like that. Palagi silang nag-aaway pero hindi ko sila maintindihan dahil sa mga bagay na ibinabato nila sa sahig o sa pader. “Nag-away sina mommy at daddy, Xia. Hindi ko alam ang dahilan. Sinubukan kong kausapin si mommy tungkol doon pero pasimple niyang iwinawaksi ang usapan,” mahina kong paliwanag. “Ate, give her time. Baka hindi pa handa si tita para pag-usapan iyan. Gets ko naman po na nasasaktan ka dahil anak ka nila at clueless ka sa nangyayari pero i-consider mo rin po muna ang feelings ni tita kasi mukhang mabigat po ang dinadala niyang problema.” Sinubukan kong sundin ang sinabi ni Xia. Hinintay kong sabihin mismo sa akin ni mommy ang lahat pero mali pala ang ginawa ko. “Nang, si mommy," umiiyak kong wika habang nakatingin sa nakabitin na katawan niya. Ramdam ko ang panginginig ko dahil sa takot, lungkot at gulat. Pagpasok ko sa kuwarto nilang dalawa ay ganito ang bumungad sa akin. Gusto ko lang naman sanang tingnan si mommy dahil ilang araw na siyang hindi kumakain ayon kay nanang ngunit hindi ko inaakalang malamig na katawan ang bubulagta sa akin. “Nang! Si mommy! Tulungan niyo po siya!" sigaw ko upang tawagin lahat ang kanilang atensyon Pinipilit kong sumigaw pero ang hina ng boses ko. Nawawalan ako ng lakas habang nakatingin sa maputlang katawan ni mommy. “Mommy," bulong ko sa hangin hanggang sa ako’y matumba. “F-ck! Caithlyn!” sigaw ng isang pamilyar na boses ngunit wala akong lakas upang lingunin siya. Nasasaktan ako sa sinapit ni mommy. Nandito pa ako, eh! Bakit iniwan niya ako? Ano ang nangyari? “Manang!” sigaw niya. Nahimigan ko ang boses niyang nag-aalala hanggang sa maramdaman ko na lang na umangat ako. Unti-unti kong nilingon ang lalaking nagbuhat sa akin at doon na nagsituluan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. “Matthew, si mommy," nanginginig kong wika. Tumama ang kaniyang hininga sa aking pisngi dahilan upang ako ay humagulgol. Ang sakit! Sobrang sakit makitang ganoon ang sinapit ni mommy. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nakabitin. Kung bakit may lubid sa kisame. Sana panaginip na lang ito. Sana magising na lang ako sa bangungot na ito. Hindi ko na kaya. Kinagat ko ang aking ibabang labi bago ipinulupot ang aking mga bisig sa kaniyang leeg. “I'm sorry," bulong ni Matthew nang paulit-ulit. “Ate Caithlyn," bati sa akin ni Xia nang siya ay makapunta sa burol ni mommy. Hindi ko siya pinansin. Nakatulala lang ako sa kabaong ni mommy. Ang dami ko pang gustong itanong sa kaniya. Gusto ko ring matuto sa lahat lalo na sa business dahil marami rin siyang business kagaya ni daddy. Kaso paano? Paano ngayong natutulog na siya nang mahimbing at hindi nagigising? Mommy. Gusto kong umiyak. Kaso parang wala nang lumalabas sa aking mga mata. Para bang naiiyak ko na lahat. Ni hindi nga ako makangiti at pakiramdam ko ay ubos na ubos na ako sa lahat. “Ate, nandito lang kami nina mommy, ha? Hindi ka namin iiwan,” bulong ni Xia sa aking tabi. Naramdaman ko naman ang kaniyang maliit na bisig na pumulupot sa aking braso. Para bang pinaparamdam niya talagang hindi niya ako iiwan? Na nandito lang siya palagi sa aking tabi. “Love na love ka namin, ate. Tandaan mo iyan, ha?" Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Kaunti na lang din ang tao rito habang si Xia naman ay nakatulog na sa aking balikat. Hindi ako gumalaw. Hindi ko sila binati. Ang gusto ko lamang at titigan si mommy kahit paulit-ulit lumilitaw sa isipan ko kung ano ang hitsura niya sa kanilang kuwarto. “Caithlyn, anak. Idlip ka muna kaya?” wika ni nanang. “Kanina ka pa rito. Wala ka pang maayos na tulog. Hindi naman gusto ng mommy ang maging ganito ka." “Ayaw ko pa po. Hindi po ako inaantok," bulong ko nang walang emosyon. “Kung gusto niyo pong matulog, tawagin niyo na lang po iyong driver para ipahatid po kayo sa bahay.” “Anak, hindi kita puwedeng iwan dito. Hindi ka pa nga kumakain.” Ngunit hindi ako nagsalita. Wala akong lakas. Bahala sila sa kung ano ang gusto nilang gawin. Pagod na akong makipag-usap pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD