"Promise," nakataas ang kamay na sagot ni Luke.
Ramdam niya ang tuwa sa boses nito. ‘Di sinasadyang napadako ang tingin niya sa katabing kotse. Kita mula sa labas ng hindi tinted na bintana ang paghahalikan ng mga nasa loob. Mali, ‘di lang basta naghahalikan, naglalaplapan pa. Walang pakialam na may makakita. Nakakaeskandalo ang tagpo pero ang mga mata niya ay nanatiling nakamasid sa dalawa.
Ano kaya ang pakiramdam ng may kahalikan?
Ewan niya ngunit tila nag-iinit ang sulok ng kanyang pisngi.
"Gusto mo i-try natin?"
Napapahiya siya nang matuklasang ngingiti-ngiti si Luke na nakalingon sa kanya. Natampal niya si Luke sa balikat. "Sira! Mag-drive ka na nga lang.”
Ang gago, tumawa lang nang malakas. “Di nagtagal at narating nila ang destinasyon. Buong akala niya ay sa isang kainan siya dadalhin ng binate pero residential area sa kung saang sulok ng Maynila siya nito dinala. Isang bakanteng lote sa ‘di kalayuan ang pinasukan nila na ang tanging nasa loob ay mga halaman sa iba-ibang varieties.
“Luke, anong gagawin natin dito?”
Napalingon siya sa paligid. Bukod sa tahimik na mga kabahayan ay isang magkapreha lang ang tanging natatanaw niya. Ang tahimik ng kalsada at ng paligid. Para na nga silang lumabas ng Maynila sa tahimik ng lugar.
“Eat?” simpleng sagot ni Luke na hinimas-himas pa ang sikmura.
Syempre, kakain sila. “Kaninong property ito?”
"Kay Mang Ernest,” anitong isinabit ang helmet sa manibela ng motor.
‘Yong taga-Dangwa.
"Sabi niya pwede ko raw gamitin ang lugar na ‘to sa Valentine's date ko."
Napahinto siya sa paghakbang sa sementadong pathway at napalingon sa katabi. "Hindi to date, remember?" nakataas ang kilay niyang saad.
"Bahala ka. Basta first formal date natin ‘to."
Nagiging bato na naman siya sa hirit nito. Nasisilip niya kasi ang kaseryosohan sa itinapon nitong biro. Eh, sa loko-loko nga ito. At kung nanliligaw man ito sa kanya, malutong na ‘hindi’ ang magiging sagot niya.
"Bahala ka rin."
Aaminin nyang may sundot ng kilig ang mga sinabi at ginawa nito pero sa kanya na lang ‘yon. Ayaw niyang ipakita. Kontrol pa rin sa sarili ang pinaiiral niya.
Humantong sila sa pinakagitna ng garden na nalalatagan ng malapad na carpet. May apat na throw pillows ang nasa ibabaw niyon. May mga ilaw pa sa paligid. Tila pinaghandaan talaga. Ang puso niiya, kumislot na naman nang wala sa oras.
‘Here.”
Maingat siyang inalalayan ni Luke na makaupo sa carpet sa harapan ng mababang mesa. Kinuha kaagad nito ang isang pillow at iniabot sa kanya na inilagay naman niya sa kandungan.
"So, asan ang kakainin natin?"
Tyempong may tumatao sa gate.
"Sandali."
Pumunta ito sa gate at nang bumalik, may bitbit nang take out ng Chinese food.
“May kutsara bang kasama? ‘Di ako marunong mag-chop sticks, ha.”
“Eh, ‘di, susubuan kita.”
Humirit na naman ang baliw sabay kindat pa ng mga mata. Irap ang naging sagot niya. Sa bahay, siya lagi ang nag-aayos. Ngayon, feeling prinsesa siya. Habang inaayos ni Luke ang mesa, ‘di niya maiwasang huwag itong titigan. Ang sweet ni Luke. Isang side na hindi niya aakalaing mayroon ito. Pakiwari niya tuloy, mas naging gwapo pa ito sa paningin niya.
"Bakit?"
Nahuli siya nito sa aktong paninitig nang bigla itong mag-angat ng mukha. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Thankfully, hindi halata ang pagkataranta niya. Ang husay lang din niyang umarte na parang walang anumang nangyari kahit ang totoo ay kinubkob ng kaba ang dibdib niya.
"Wala."
"Masyado ba akong gwapo sa paningin mo?"
"Conceited."
“A little bit.”
Umupo na rin ito sa tapat niya. Masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain sa saliw ng lumang awitin na nagmumula sa cellphone ni Luke. Dapat ay awkward sa pakiramdam pero wala siyang maramdamang gano’n, at the moment. Safe ang pakiramdam niya.
"Mahilig ka diyan ‘no?"
Ang lumang kanta ang tinutukoy niya.
"Nakahiligan. Paborito kasi ng Tita ko ang mga lumang kanta. May koleksyon siya ng mga lumang plaka."
Napahinto siya sa pagsubo at napatingin dito. Too little, ganoon ang alam niya tungkol sa kasama. "May ibang tita ka pala pero kay Tiyang ka dumidikit."
"Bawal?"
"’Di naman."
"Paano ba ako ‘di didikit when I feel like a family kapag nasa inyo ako. Isa pa, nandiyan ka. Nakakainlab ka kaya," bulong lang ang pinakahuling sinabi nito pero umabot sa tenga niya.
Heto na naman si Luke sa mga palipad-hangin nito.
"Yong Nanay at Tatay mo?" pag-iiba niya ng usapan na naging sunud-sunod ang ginagawang pagsubo ng pagkain.
"My father is a chapter in the book I don't want to open. As for my mother, she's also a complete wreck pero mas okay kami."
Pareho din lang naman pala sila, may dysfunctional na pamilya. Nakatungo si Luke pero ramdam niya ang nagdaang pait sa boses nito. Bagay na bihira niyang makita rito.
Wise men say, only fools rush in.
Pumailanlang sa ere ang kinanta ni Luke noon sa veranda.
But I can't help falling in love with you..
Narinig na lang niya ang tunog ng ibinababang kutsara at tinidor. Nagpahid ng kamay si Luke gamit ang tissue at tumayo ito at pagkatapos ay inilahad ang palad sa kanya. Inaanyayahan siyang sumayaw.
"Luke, please, hindi ako sumasayaw."
Sa PE nga nila ay halos bagsak ang grado niya lalo na sa contemprary dances. Parehong kaliwa ang mga paa niya. Bumabawi na nga lang siya sa exams.
"Please?" samo ni Luke.
Napatingin siya sa nakalahad na palad nito. Ewan niya ngunit may masidhi yatang epekto ang kanta sa kaibuturan niya. Para siyang na-mesmerize. Natagpuan na lang niya ang sariling inabot ang palad nito. Dahan-dahan siyang napatayo hanggang sa magkaharap na nga sila.
“Just dance with me, Hasmine.”
Marahan nitong hinila ang katawan niya palapit dito. Wala siyang alam sa ganitong sayaw pero natagpuan niya ang sariling sumusunod sa swabe nitong mga galaw. Ang kamay ni Luke ay lumapat sa kanyang baywang, magaan lang ang pagkakalapat pero matagumpay pa rin iyong nagdulot ng kakaibang epekto sa kanya.
“You can lean a little closer,” halos pabulong nitong sabi.
Kung nasa tamang pag-iisip siya, sasabihin niyang huwag pero mas dumikit pa sa siya sa matipuno nitong katawan. Nakalapat na ngayon ang pisngi niya sa malapad nitong dibdib. Halos wala nang puwang sa mga katawan nila habang marahang gumagalaw sa saliw mg musika. Malayang umabot sa kanyang ilong ang kaaya-aya nitong bango.
Like a river flows.
Para ngang daluyong ang init na nagmumula sa palad at katawan ni Luke. Nagpapahina sa kanya. And before she knew it, naihimlay na niyang lalo ang kanyang ulo sa dibdib nito at kusang pumikit ang mga mata at tahimik na pinakikinggan ang t***k ng puso nito. It was a melody even more beautiful that the song she heard.
Darling through the streams...
Napupuno nga ng kung anumang magical power ang bumabalot sa paligid. Parang may agos ng kung anong kapangyarihan. It was hard to resist. Ang sarap sa pakiramdam kahit na ang hininga nitong tumatama sa kanyang pisngi.
Something were meant to be...
Naramdaman niyang naging mas mahigpit ang paghapit ni Luke sa katawan niya na may kasamang marahang paghagod sa likuran. Nati-tense ang katawan niya pero hinayaan niya ang sariling malunod sa hiwaga ng pagkakataon.
But I can't help falling in love with you
"I love you, Hasmine."
Malayang nakarating sa pandinig niya ang pangungusap ni Luke. Taos puso.
"Mahal kita."
This time around, alam niyang hindi lang guni-guni ang narinig. Napalunok siya, napadilat siya at dahan-dahang napatingala sa mukha ni Luke. Sumalubong sa kanya ang taimtim na mga titig nito. Pilit na inaaninag sa mga mata nito ang katotohanan. Sa loob ng mga taong nagkakilala sila, mabibilang lang sa isang kamay ang pagkakataong nagiging seryosong kagaya nito ang binata.
"Ikaw lang ang babaeng gusto ko, ang mahal ko, at ang gusto kong makasama habangbuhay."
Punung-puno ng emosyon ang mga mata nito at natutupok siya. Umawang man ang bibig ngunit walang salitang lumabasi. Ang lahat ng sasabihin niya sana ay naipit sa isang sulok ng kanyang utak. Kanina lang, kumbinsido siya sa malutong pag-ayaw, bakit ngayon, ni hindi niya magawang magsalita?
May bakod sa sariling nangangambang gumuho anumang sandal.
Hanggang sa naramdaman niya ang paghaplos ni Luke sa pisngi niya. Pakiramdam niya ay nagsisitayuan lahat ng balahibo niya. Tila may kuryenteng dumantay sa kanya at kumalat sa kanyang buong sistema.
"Hasmine," paanas na sambit ni Luke sa pangalan niya.
Nalalasing siya sa mga titig at haplos ni Luke. Nag-iinit ang sulok ng kanyang mukha, nagkakaroon ng kakaibang rekasyon ang kanyang katawan.
"Hasmine."
It was yearning, longing. Nakakadala. Na nang dumantay ang mainit na palad nito sa kanyang mga labi ay hinayaan niya lang. Sinasabi ng instict niya na ibaling ang paningin, umalis sa kinatatayuan ngunit natutuod siya. Nakakahiya man ngunit may antisipasyon sa kanyang puso.
"I have always wanted to do this."
Walang babalang isinakatuparan ang pag-angkin sa mga labi niya. Banayad, puno ng pag-iingat. Napapikit siya. She is aching for this kiss. Gumanti siya in ways that her heart taught her to.
Dios ko. Ganito na lang ba siya kahina pagdating kay Luke? She has always been that sane girl pero pagdating kay Luke nawawala siya sa katinuan. Mas lumalim pa ang halik ni Luke, mas naging mapusok.
Basta ka na lang ba magpapagapi, Hasmine? Basta ka na lang magpapahalik sa taong hindi mo naman boyfriend?
Hindi!
Sobra mang nakakadala ang pangyayari but her sanity has prevailed. Kusa siyang bumitaw kay Luke.
"Mali ito."
Naputol ang mabining halik na pinagsaluhan nila, pati na ang mahika at bago pa man makapagreact si Luke ay naunahan na niya ito ng takbo palabas ng gate.
Kailangan niyang makalayo kay Luke. Ano ba kasi ang pumasok sa kukute niya?
"Hasmine!"
Hinabol siya ni Luke pero ‘di siya huminto. Dapat kasi nanindigan na lang siya na ayaw niya. Coming with him was really a bad idea. Kapag nasa malapit si Luke, gumuguho ang mga depensa niya. Nagiging marupok siya. Magaling siya sa numero, sa analysis pero lumilipad ang lahat ng katalinuhan niya pagdating rito.
"Ano ba?" si Luke nang maagapan siya at ngayo'y nakaharang na sa kanyang daraanan.
Ipiniksi niya ang kamay nitong pigil-pigil siya sa braso. Nakukuryente na naman kasi siya sa nanunulay na init mula sa palad nito.
"I'm sorry if I kissed you."
Hindi siya kumibo. Nanatili lang siyang nakatungo. Nahihiya siyang titigan ito.
"It's just that..it's just that when you're around, nakakagawa ako ng mga bagay na ‘di dapat. Nirirespeto kita Hasmine, God knows how much I respect you, pero nagigng mapusok ako pagdating sa ‘yo gaano man ako magtimpi." Bumuga ito ng hangin. "Hindi mo lang alam Hasmine how much these emotions are building inside," itinuro nito ang gawing dibdib.
Gusto niyang matuwa dahil may isang taong nagpaparamdam sa kanya ng espesyal pero kaakibat naman ang takot. Hinihila siya ng mga responsibilidad, ng pamilya, ng pangarap.
"Tell me, wala lang ba sa ‘yo ang halik na yon? You kissed me back."
Nahihirapan ang kalooban nito.
"Wala."
Nakaksorpresa kung paano siya nakakapagsinungaling ng ganito. Ibang katatagan ang ipinakita niya matapos ang karupukan.
"Kahit katiting ba, wala kang pagtingin sa akin, Hasmine?"
It was like begging. May halong nginig pa ang boses nito.
"Wala."
Kasinungalingan. Dahil ang puso niya ay nagsisimula nang magbukas para kay Luke. Pero habang hindi pa yumayabong ang nararamdaman, dapat na niyang putulin.
Sukat sa sinabi ay bumalatay ang sakit sa mukha at mga mata ni Luke. Nasasaktan ito.
"Kaya please lang paraanin mo na ako."
Pasimpleng ibinaling ni Luke sa ibang direksyon ang paningin at tila pinahid ang gawing mata. Ilang saglit din itong nanahimik bago nagsabing, "Sige, ihahatid na lang kita."
"Huwag na."
Natatakot siya sa magagawa niya kapag napag-iisa sila ni Luke.
"Kung ayaw mong magpahatid, ipapara na lang kita ng taxi."
‘Yon nga ang ginawa ni Luke. Pinara nito ang pinakaunang taxi na dumaan. Subalit nakabuntot pa rin ito at hanggang makarating sa kanila ay nakabuntot pa rin ito. Sinisiguradong safe siyang makakauwi.
"I love you, Hasmine."
Nag-replay sa kanyang utak.
Mahal nga kaya talaga ako ni Luke?
Siguro kung nagkataong handa siya, iti-take niya ang risk. Pero ayaw niyang magaya sa mga magulang. Ayaw niyang danasin ng magiging pamilya niya kung saka-sakali ang naranasan nila. Sawa na siyang mamalimos na lang ng tulong palagi mula sa iba. Kaya, pinangako niya sa sariling magtatapos siya at pag-aaralin ang mga kapatid.
"Bantay pari naman ng boyfriend mo, Miss."
Napukaw ang pag-iisip niya nang magsalita na lang bigla ang driver.
"Hindi ko ho boyfriend ‘yon, Manong."
"Hindi pa. ‘Yang ganyang mga aktwasyon, malaki ang tama niyan sa’yo. Tingnan mo ha at iti-test natin."
Pabiglang iniliko ng driver sa isang eskinita ang sasakyan.
"Manong!"
"Tingnan mo lang."
Nakita niya kung paanong binilisan ni Luke ang pagpapatakbo ng motorsiklo at iniharang sa taxi ang sarili. Umugong ang pag-screetch ng gulong nang biglang magpreno ang tsuper. Sa isang iglap pa ay bumaba si Luke at mabibilis ang mga hakbang na lumapit sa kinaroroonan nila. Sa mukha ay naroon ang hindi maipaliwanag na galit. Umiigting ang panga at madilim ang mukha. Binuksan nito ang pintuan sa driver's seat at hinablot palabas ang ‘di nakahumang lalaki.
"Sir, nagbibiro lang ho ako." Nahintakutan ang driver na ngayon ay hawak ni Luke sa kwelyo.
Siya man din ay kinakabahan. Umibis siya ng sasakyan at patakbong nilapitan si Luke. "Luke, please. Nagbibiro lang si Kuya." Pigil-pigil niya ito sa kamay. "Please." Naiiyak niya nang samo sa binata.
Saka lang din parang natauhan si Luke nang makita ang naiiyak niyang mukha. Dahan-dahang lumambot ang ekspresyon nito at binitawan ang mama. “Pasensya na ho, Manong."
Sukat nang mabitawan ay kumaripas ng takbo ang lalaki. Naiwan sila ni Luke sa ‘di pamilyar na eskinita. Nag-aalangan siya kung lalapitan o kakausapin ito. Naroroon pa rin ang tinitimpi nitong galit habang nakahawak sa magkabilang beywang.
"Bakit kasi ang tigas ng ulo mo? Paano kung may nangyari sa’yong masama, ha? Akala mo ba tutunganga na lang ako? I could have ruined that man's face."
Napatungo siya.
"Ganyan ba talaga ako kawalang kwenta sa’yo, Hasmine? Mas gugustuhin mo pa yata na mapahamak kesa sa mapalapit ka sa akin."
Hindi siya nakahuma. Bumabaon lahat ng sinabi nito sa dibdib niya.
"And by doing so, you successfully made me feel so inferior. That I'm never gonna be enough for you kahit na anong gawin ko. Ganito lang naman kasi ako Hasmine, eh. Mababa lang ang pangarap ko."
Gusto niyang salungatin ang mga sinabi nito pero naumid ang dila niya. Nakita niya na lang na pinulot ni Luke ang bag niya at sumampa ito sa sasakyan. "I guess, this time around hindi ka na tatangging sumama sa akin."
Nabalot ng katahimikan ang pagitan nila ni Luke habang binabaybay ang daan pauwi sa kanila.
"Hihintayin ko lang na makapasok ka."
Mabibigat ang mga paang humakbang siya. Mali, mabigat ang pakiramdam niya. May nakadagang kung ano sa puso.
"Hasmine."
Dali-dali siyang napahinto at napalingon.
"I'll try to stay away from you as much as possible. I'll try to keep my distance. After all, kahit naman siguro anong gawin ko ay hindi mo ako magugustuhan."
Siguro nga ‘yon ang nararapat, lagyan ng tuldok ang nagsisimula nang mabuhay na damdamin para kay Luke. Pumihit siya at muling humakbang at natuklasang may butil ng luhang tumulo sa kanyang mata.
Para siyang tanga. Gaga siya. Gaga.
Aayaw-ayaw pero iiyak din naman.