Pushing someone away no matter how dear that person is could be the hardest decision one could ever make. At kapag tuluyan nang lumayo ang taong ‘yon, magsisimula naman ang panghihinyang, ang pananabik.
Tinotoo ni Luke ang sinabi nito. He kept his distance. Suddenly, they became strangers to each other again. Noong minsang dinaanan nito si Voltaire, ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Mas mabuti pa nga noon, pinapansin siya ni Luke.
Lihim na nasasaktan siya. May mga araw na natutulala na lang siya. May mga gabi na hindi siya makatulog kakaisip dito.
Ang baliw niyang puso, nami-miss na si Luke. Kahit ang pangungulit nito. Minsan, nakita niya ang f*******: profile nito sa timeline ni Lyn-Lyn, naengganyo siyang makisilip sa kung ano nang kaganapan sa buhay nito. Ngayon siya nagsisisi kung bakit sa kaengutan niya ay d-in-elete pa niya ang friend request nito. Ilang ulit din itong nangulit, ganoon din kadaming beses niyang ni-reject. Nong minsang pabiro din nitong hiniling ang phone number ay paismid lang niya itong tinalikuran.
Lahat ng kagagahan niya, bumabalik ngayon sa kanya.
"Ano na ba ang nangyayari kay Luke at hindi na napapagawi rito?" minsan ay tanong ni Tiya Letty nang nasa pwesto sila nito sa palengke at tinulungan ito sa pagdi-display ng mga paninda. Nahawakan niya nang mahigpit ang patatas habang hinihintay ang isasagot ni Lyn-Lyn.
"Ewan ko ba do’n, Tiyang," nakasimangot na sagot ni Lyn-Lyn na sa paglalagay naman ng mga ecobag sa screen ng tindahan nakatoka. “Miss ko na nga ang Papa Luke ko.”
Hindi nagkikwento si Luke. Walang kaalam-alam ang mga ito na siya ang dahilan ng lahat. Parang bolang mas pinili niyong dahan-dahang maglaho. Pumasok sa school ng hapong iyon na mabigat ang loob.
“That’s the first," komento ng professor niya.
Mababa ang nakuha niya sa long quiz nila sa major subject. Pinakauna niya. Lumabas siya ng classroom na mas doble ang bigat ng loob. Pagkaabas ng gate, basta na lang siya napahinto at napatitig sa kung saan siya madalas kulitin ni Luke. Sa yamot niya ay may babae pang hinatid ng boyfriend nito at naghahalikan kahit may mga nakakakita. Para siyang tanga na nakatunghay sa dalawa. Hindi maitatwa ang pakiramdam na para siyang naiinggit.
Habang nakatitig sa dalawa, iba ang nag-flash sa utak niya.
“Nakakainis talaga!”
Ipinilig niya ang ulo at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa sakayan ng jeep.
Pagdating niya sa bahay, dire-dirteso siya sa silid nila ni Lyn-Lyn. Nahiga lang siya. Para lang kasing nakakapagod na kumilos.
“Oi, okay ka lang?”
Umungot lang siya sa pambubulahaw ni Lyn-Lyn.
“Bago ‘yan, ah, Mighty Hasmine.”
Marami pa itong sinabi pero hindi na niya pinakinggan. Wala siyang kainti—interes. Basta huling sinabi, magbabanyo raw muna at sumama bigla ang pakiramdam. Napatingin siya sa cellphone na ipinatong nito sa mesa at basta na lang iniwan.
Pagkakaalam niya, walang password ang phone nito.
"Ano kaya kung..."
Napalunok siya sa naiisip gawin. 'Di niya ugali ang nakikialam sa gamit nang may gamit pero para siyang hinatak na gawin ang isang bagay na umuukilkil sa utak niya.
"Bahala na."
Bumangon siya at sinilip kung lumabas na ba ito ng CR. Ni-lock niya ang pinto at mabilis ang mga kamay na kinalikot ang phone nito. Hinanap niya kaagad ang pangalan ni Luke.
Para siyang mawawalan ng hininga habang nangingialam sa gamut ng pinsan. Nakita niya kaagad ang hinahanap. Lalaking nakasakay sa motor ang display photo nito. Para siyang natighaw sa pagkauhaw nang makita ang picture ni Luke. Gwapong maangas na nakaupo da motor.
Iniwan niya ang larawan at nag-scroll down. Ganoon na lang ang pagkadismaya nang makita ang naka-tag na picture ni Luke kasama si Voltaire at isa pang kaibigan nito. Higit na nakakuha ng atensyon niya ang sexy’ng babae na naka-side view at nakatingala sa mukha ni Luke.
“Girlfriend?”
Naiinis na naman siya. Ayaw niyang isipin pero may kabang nabuhay sa dibdib niya. Nawawalan siya ng ganang ituloy ang pang-i-stalk na ginagawa.
Nanghihinang nailapag niyang muli ang phone at bumalik sa pagkakahiga. Mas domoble ang pagod niya.
Pero isang araw ay bigla na lang sa pag-igpaw ang puso niya. nabuhayan siya ng pag-asa nang makitang nasa tapat ng kanilang tarangkahan ang motor ni Luke kahilera ang iba pang sasakyan sa gawi ng shop ni Tiyo Romy.
“Nandito si Luke.”
Aligaga tuloy siya sa pagpanhik sa itaas. Para siyang tanga na paroo't-parito sa paanan ng hagdanan. Nasuklay pa niya ang maikling buhok at lihim na sinuri kung ayos lang ba ang suot niya. Para siyang gaga sa inasal niya.
"Ano’ng tinatanga-tanga mo riyan?"
Muntikan na siyang mapatili nang biglang sikuhin ni Lyn-Lyn ang tagiliran niya. Dumating ito nang hindi niya napapansin. Masyado kasing absorb ang utak niya kay Luke. Umayos siya at sinimulan ang pag-akyat sa hagdanan. Bawat hakbang paitaas, patindi naman nang patindi ang kabog sa dibdib niya. Para na siyang mabubuway at napapahigpit pa ang hawak sa kahoy na railing.
Bago pumanhik ng pintuan ay bumuga pa siya ng hangin.
“Fingers crossed.”
May mga bisita pala. Hinanap kaagad ng mga mata niya si Luke. Naroroon nga ito, but to her dismay, may babae itong katabi. The usual type na maganda, sexy, maputi. Ito ‘yong babaeng kasama nito sa picture. Tulad sa picture na nakita niya, halos magkadikit na ang mga mukha ng mga ito habang nakapalibot sa center table at may masinsinang pinag-uusapan kasama nina Jeff at Voltaire.
Dinaga kaagad siya ng kakaibang kirot sa dibdib. Parang gusto niyang hablutin palayo si Luke mula sa babae.
Ano ba ang laban niya sa babaeng ito?
“Siguro, maganda kung gamitan natin ng kulay pastel ang studio…” Nagsasalita si Luke na para siyang namamalikmata. Iilang beses niya lang na nakikitang ganito ito kaseryoso. One time, noong halikan siya nito at sinabing mahal siya.
Mas kumirot ang puso niya sa naalala. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa paninitig dito pero natuklasan na lang niyang nakatingin na ito sa kanya. Sumikdo kaagad ang puso niya. Pero kung noon ay nasanay siyang may ngiti at biro kaagad ito sa kanya, ngayon, walang emosyon lang itong tumitig sa kanya.
“Papa Luke, kain muna kayo.”
Naagaw ni Lyn-Lyn ang atensyon ni Luke. Nabaling ang tingin nito sa pinsan niya. Binawi nito ang mga mata mula sa kanya na para bang insekto lang siya na walang anumang halaga.Parang nayayanig ang puso niya.
Inilapag ni Lyn-Lyn ang tray na may lamang baso sa hinila ni Luke na upuan.
"Thanks, Lyn!"
Buti pa ang pinsan, pinansin nito samantalang halos ayaw siyang tapunan man lang ng tingin.
Kanya-kanya nang kuha ng juice sina Voltaire at Jeff pero ang babae ay si Luke pa talaga ang kumuha para rito.
“Thanks, Luke,” ang malambing na pasasalamat ng babae na bahagya pang inihilig ang ulo sa balikat ni Luke. Sweet. Para talagang totoong mag-jowa.
“Oi, Min, kanina ka pa diyan?”
Si Jeff pa talaga ang pumansin sa kanya na halos kalmutin na niya ito noong huli silang nagkasama.
“Juice, gusto mo?”
Pilit ang naging ngiti niya. “Sige, huwag na,” tanggi niya na nakataas pa ang isang palad. Nang muli niyang tapunan ng pansin si Luke, nakatungo na ito sa mga papers na nasa harapan nito. Humakbang siya palayo sa sala. Ang bigat ng puso niya. Bago tuluyang pumanhik sa silid nila, tinapunan pa niya ito ng isang sulyap pero wala talaga. Ayaw siya nitong titigan.
‘Isang tingin lang, Luke.’
Wala talaga. Siya din naman ang nagtulak rito palayo na parang sinong maganda. Ngayon, nasasaktan siya.