Note
Minsan, dumarating tayo sa puntong namimili tayo sa kung ano ang dapat at 'di dapat gawin. This story is dedicated to all those hardworking women na mas pinipiling magsakripisyo kesa sa unahin ang sariling kapakanan at pangangailangan to the point na isasarado ang puso para sa kapakanan ng mas nakararami at ng mga mahal sa buhay.
Let Hasmine walk you through with the common dilemma that every responsible daughter/son may go through sa pagtupad ng mga pangarap. Si Hasmine ay isa lamang sa mukha ng mga mahihirap na estudyante na nakikibaka para mapagbuti ang buhay.
On the other hand, si Luke ay mukha ng kabataang Pilipino na minsan ay pinagkakaitan ng pagkakataon. Na kahit anong pagsisikap, fortune has always been elusive to him.
Sana, subaybayan ninyo ang kwento nilang dalawa at samahan sila sa kilig, heartaches at second chance.
By far, this is my favorite dahil sinasalamin nito ang katotohanan ng buhay. Walang bilyonaryo, CEO o possessive na lalaki sa kwentong ito.
Sana, pagtiyagain sana ninyong basahin at papasukin sa puso ninyo sina Luke at Hasmine.
God bless!
Mabuhay ang lahat ng mga masisipag na mga Pilipino lalo na ang mga kababayan nating OFW's.
Happy reading.....
P.S.
Wala po itong bed scene. Kung bed scene ang hanap mo, heheh...wala kang mapapala rito..