CHAPTER 11 “ANONG SASABIHIN mo, Reed?” tanong ni Harra kay Reed nang makapasok sila ng dorm. Nandoon na sila sa tapat ng kwarto nila ni Marra. Nagkatinginan sina Reed at Wren na halatang nagtuturuan sa kung anong bagay. Kumunot tuloy ang kaniyang noo. Naisip niya nab aka importante ang sasabihin ng dalawa at baka nahihiya lang. Magsasalita sana siya ngunit natuon ang atensyon niya sa babaeng bagong dating. Tumaas ang isang kilay niya nang makitang lumapad ang ngiti nito nang mapunta kay Reed ang mga mata nito. Si Reed naman ay sinundan ang tinitingnan niya at halatang nagulat nang makita si Shane na palapit sa kanila. Nagpalitan ng tingin silang tatlo nina Wren. “Annyeonghasaeyo.” Bati ni Shane nang makalapit ito sa kanila. Sandali siyang tinapunan nito ng tingin ngunit sag