CHAPTER 12 NANATILING TAHIMIK si Max kaya naman akala ni Marra ay natutulog ang isang ito. Hindi siya gumagawa ng ingay at tanging langitngit lang ng swing ang mariring. May huni rin ng mga kuliglig sa paligid ngunit hindi naman iyon nakakasagabal sa pagpapahinga ni Max. Muli niya itong nilingon. Nagulat pa siya nang makitang hindi ito tulog at gising na gising ang diwa. Nakatingala ito at nakatuon ang pansin sa mga bituin na nasa langit. Mukhang nag-eenjoy ito sa nakikita dahil kumikislap pa ang mga mata ni Max. Wala sa sariling napangiti naman si Marra. Napayuko siya nang mapagtanto ang ginawang iyon. Gutso niya pagalitan ang sarili dahil mukhang hindi na nagiging maganda ang nararamdaman niya. Ngayon na kasama niya ito, pakiramdam niya, payapa ang lahat. Ganoon kasi ang nar