Chapter 10 HINDI NA alam ni Marra kung nasaan na siya ngayon. Basta naglakad na lang siya hangga't kaya niya para maalis ang pagkainis. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito. Usually naman ay okay siya lalo kapag nakakakain siya ng mga pagkain na kaniyang gusto. Pero iba ngayon. Alas-tres na ng hapon. May araw pa ngunit hindi naman ganoon kasakit sa balat. Tama lang iyon. Tiningnan niya ang paligid. Napangiti si Marra nang makita ang lugar kung nasaan siya. May ilog sa gawing kanan kung saan siya nakatayo habang may tulay na mahaba na nagdudugtong sa dalawang city na matatanaw. Lumakad siya upang mapalapit sa bakod na nagsisilbing harang ng ilog na iyon. Sa kabilang parte naman ng bakod ay puro halaman na kulay berde at kulay rosas na mga bulaklak. Huminga siya