bc

Yep! I am Their Assistant

book_age16+
479
FOLLOW
1.9K
READ
possessive
goodgirl
band
popstar
sweet
bxg
others
first love
assistant
passionate
like
intro-logo
Blurb

Marra San Agustin is a frustrated writer in a publishing house. She’s not like other famous writers who have fans. Even she has a supporter, that’s just a few. And like other writers, she also loses ideas of what to write. So when the results of the last story he passed came out, he was not surprised to know that it was not approved.

Marra decided and resigned from her current publishing house. When her sister found out, Harra immediately offered her a job as an assistant to Korea -based Filipino boy group — Diamond13. At first, she did not want to accept, but she took it eventually. The members she immediately closed but not with Max—One of the oldest standing in the group.

Max’s aura is intimidating, so she often gets annoyed with it, but her annoyance for him leads to a strange feeling. Feeling that she thought she was the only one who had a feeling. When they once spoke, Max admitted to her that he liked her. She will accept his love, but the big boss of the agency will talk to her.

The big boss will tell her that she can ruin the career Diamond13 has. Everyone has sacrificed a lot. It also told her not to be selfish. Max and Marra should think about what could happen when fans find out about their relationship. So even if it hurts, she will break up with Max and go home to the Philippines.

Is it really the end of their relationship?

Will Max allow Marra to forget him even though they love each other?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Chapter 1   PANAY ANG BUGA ng malalim na hininga ni Marr habang nakatitig sa harapan ng laptop. Hindi na niya kasi mabilang kung ilang scratch na ng file ang naibasura dahil hindi siya makuntento sa sinusulat niyang kwento.   ‘Kung kailan kailangan ko ng ipapasang magandang akda sa publisher namin, saka naman ako walang maisulat. Kainis!’ Iritable niyang wika sa sarili habang ang mga kamay ay inihilamos sa mukha.   "Marra, hindi ka ba magla-lunch?" tanong ni Jea—bestfriend niya ito. Matagal na silang magkaibigan nito at magkasama rin sila sa work bilang mga freelance writer.   Umiling lang si Marra. Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa screen nang biglang pinatay ni Jea ang power nito. "Sissy!" bulalas niya habang masama niya itong tiningnan.   "Ano? Magpapalipas ka na naman ng gutom dahil sa kwentong gusto ko maisulat? Marra, mas hindi ka makakapag-focus kapag hindi ka kumain. Hindi ka rin nag-break time kanina. Ano? Papakamatay ka?" Halata sa itsura nito na nababadtrip na talaga sa kaniya.   Ngumuso na lang siya saka yumuko. "Ba't wala akong maisulat? Kailangan ko magpasa ng story kung hindi ay matatanggal na ako. Kailangan ko ng trabaho, alam mo iyan!" Bakas sa boses niya ang labis na lungkot na nararamdaman.   Humila muna si Jea ng silya palapit sa kaniya saka tumabi ng upo. Ginilid nito ang mga kalat sa mesa niya saka nilabas ang laman ng paper bag na dala pala nito. ‘Hindi ko iyon napansin kanina, ah!’   "Ano 'yan?" tanong niya rito.   "Lason. Pakakainin kita ng lason, sissy."   "Nakakainis ka naman,e!" wika niya habang nakanguso.   "Biro lang. Tara, kain tayo. Paborito mo 'to, sissy."  Kaagad namang kumalam ang knaiyang tiyan nang maamoy ang Chicken Curry na dala nito. May kanin din na halatang sinobrahan dahil dalawang tao ang kakain.   Kumain silang dalawa at saglit na nagkwentuhan.  Nagbigay ng mga ilang advice ang kaibigan niya kung paano maibabaik ang lawak ng imahinasyon niya. Nagbigay din ito ng mga maaaring maging inspirasyon. Kailangan niya kasi talaga iyon para hindi siya mawalan ng trabaho. Kapag nagkataon, wala siyang iaakyat na pera sa bahay nila at ayaw niyang mangyari iyon. Mahirap ang walang sariling pera.   "Kumusta pala 'yung si Clara? Hindi ba siya uuwi?" tanong ni Jea habang naglilipit sila ng pinagkainan.   Naisip niya ang kaniyang kapatid na nasa ibang bansa upang doon hanapin ang swerte. "Naku, hindi uuwi iyon dahil hiyang na hiyang sa Korea." Saglit siyang natahimik at napaisip. "Mag-Korea na lang kaya ako?" tanong niya habang nakatulala.   Ganoon na lang ang gulat ni Marra nang biglang tumawa nang sobrang lakas ang kaibigan na si Jea. May pahampas-hampas pa ng kamay sa mesa. Tila isang biro ang binitiwan niya. Nagtataka niya itong tiningnan. "At ano namang nakakatawa?"   "S-sorry, sissy—" at tumawa na naman ito. "A-aray! Ano ba!?" angal ni Jea habang hinihimas ang noo. Pinitik niya kasi iyon kaya namula.   "Ba't ka kasi tumatawa? Ano? Para mo na ring sinampal sa akin ang katotoohanan na hindi ako p'wede mag-Korea." Inirapan niya ito.   Bigla itong tumigil at inayos ang sarili. "I'm not saying that, sissy. Grabe ka sa akin. Ang lakas no’n!" nakanguso nitong wika. "Para naman kasi talagang imposible. Saka anong work ang gagawin mo ro'n? E, Hangeul ang salita nila, paano ka makakapagsulat kung english nga, hirap ka, taposs Hangeul pa? Ano? Suicide, sissy?" Muli itong tumawa.   ‘Minsan ang sarap sakalin nitong kaibigan ko. Wala man lang support sa akin.’   "Grabe ka sa akin!"   ‘Well, I was just kidding lang naman—na sinabi kong mag-Korea na lang ako—hindi 'yong ang sarap sakalin nitong kaibigan ko.’   Alam naman niya na paniguradong mahihirapan siyang mamuhay sa bansang puro ‘Annyeong’ lang ang alam niya. ‘My God! Pero kung may pagkakataon naman, why not? Iyon nga lang, baka hindi as a writer ang bagsak ko roon.’ Napabuga na lang siya ng malalim na hininga saka muling tiningna ang kaibigan na napapailing pa.   "I'M REALLY sorry, Miss San Agustin. Your manuscript did not approve by our evaluators. Maybe this is not the right time for you to publish your own book... perhaps, you should take your break for the meanwhile. If you know what I mean," malungkot na pahayag sa kaniya ni Ma'am Gretta—ang senior editor ng publishing house na pinapasukan nila ni Jea.   Ngumiti si Marra kahit alam niyang imposibleng makaramdam siya ng saya. ‘Well, that's life’.   "It's alright, Ma'am. Tanggap ko naman na po. Sumubok lang po talaga ako. Anyway, nandito na rin po sa folder na 'to ang resignation letter ko. Salamat po sa opportunity na maging bahagi ng publishing house ninyo." May sinabi pa si Ma’am Gretta niya sa kaniya ngunit puro tango at ngiti na lang ang tinugon niya rito.   Hindi na siya nagtagal pa sa office dahil pagkaraan na magpaalam sa kaibigan na si Jea ay umuwi na rin siya sa kanilang bahay. Mabigat man ang loob ay pinilit pa rin niya na maging positibo. Hindi naman siya pwedeng maging mahina dahil hindi pa naman katapusan ng mundo.   ‘Maybe this is not the right path for me. Siguro nga ay hindi ako magaling magsulat. Siguro... iba ang nakalaan na trabaho para sa akin.’   At the age of 28, marami na siyang nasubukan na trabaho. At itong pagsusulat niya ang pinakatumagal. Namasukan din siyang freelance editor ngunit hindi niya natagalan. Hindi naman siya nakatapos ng pag-aaral dahil mas ginusto niyang magtrabaho para makatulong sa ina nila. Mayroon siyang kapatid na si Harra na siyang nasa South Korea. Sa tulong niya ay napagtapos niya ang kapatid niya sa kursong Entertainment Business at ngayon, sa edad na bente sinco anyos ay ganap na isang manager na ng isang sikat na Filipino boy group na naka-base sa South Korea—Ang Diamond13.   Hanga nga siya sa kapatid niya dahil lahat ng swerte nito ay natamo. Maganda, talented at sanay makisalamuha sa iba’t ibang mga tao. Ang ganda ng trabaho nito ngayon pero siya, heto at natanggap pa sa trabaho. Hindi naman siya naiinggit dito ngunit naisip lang niya na siguro kung kagaya siya nitong buo ang loob, baka maganda na rin ang trabaho niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

His Obsession

read
90.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook