CHAPTER 3
Incheon International Airport
MAKAPAL NA ang jacket na suot ni Marra pero nanunuot pa rin ang lamig sa kaniyang balat. Ang hirap tuloy maglakad dahil nakakangatog ng panahon dito sa Korea. Walang kahirap-hirap at napapunta na nga siya ng kapatid dahil na rin sa tulong nito. Masyadong nagmamadali ang kapatid niya kaya naman heto na siya at kasalukuyang mamamatay na yata sa sobrang lamig ng panahon. Hindi pa naman siya sanay sa ganoong klima. Parang gusto pa niya tuloy umuwi na lang pero hindi naman pwede dahil hindi naman siya galing sa kabilang kanto lang o bayan. Milya-milya ang layo niya sa Pilipinas.
Pinagkiskis niya ang mga palad sa labis na ginaw.
Hawak niya ang malaki at itim na luggage habang nakasabit ang kulay pink na leather sling bag sa kaniyang balikat at nagsimulang maglakad. Hindi niya alam kung saan siya magtutungo ngayon.
'Tapos? Paano na ako ngayon?'
Panay siya ngayon linga sa buong paligid niya. Pakiramdam niya ay aatakihin siya ng anxiety niya ngayon. Na anumang oras ay pwede siyang matumba rito dahil sa sobrang nerbyos. Imagine, magisa lang siya ngayon dito sa isang hindi pamilyar na lugar sa bansang hindi naman niya sinilangan. Lihim siyang nagdarasal n asana ay dumating na ang kapatid niya. Gusto na niya itong makita dahil hindi siya mapanatag.
Para siyang tanga na panay ang sulyap sa mga taong halos iisa lang ang mukha—singkit, sobrang puti at sobrang kinis ng mga balat na kahit naka-jacket ang mga ito, alam niyang makinis din ang katawan. At ang mga pisngi ay halos kulay rosas. Parang may mga blush on. ‘Kaloka!’ May iba rin namang mga mukhang banyaga pero kaunti lang.
Huminga siya nang malalim. 9 o'clock na nang umaga. Sa Pilipinas, ganap na alas-otso pa lang. Advance kasi ng isang oras ang Korea kaysa sa bansang pinanggalingan. Lumibot ang mga mata niya sa paligid kahit na wala namna siyang alam sa airport na kinaroroonan. Nilabas niya ang cellphone na hawak at muling binasa ang text message ng kapatid. Ang huling message ng kapatid niya ay susunduin siya nito. ‘Ba't kaya wala pa siya?’
Naupo na lang muna siya sa isang bench habang mamamata-mata pa rin sa paligid.
Sikat na sikat ang Korea sa panahon ngayon dahil ang lakas ng impluwensya ng mga Korean Idols sa mga kabataan. Sa Pilipinas nga, halos lahat yata ng mga kabataan, may kilalang K-Pop Idols. At ngayon na nakaapak na siya sa bansang ito, hindi niya maiwasan na makaramdam ng kakaibang kasiyahan. Ito ang unang beses na pupunta siya sa ibang bansa.
Nasa ganoong pag-iisip siya nang may lumapit sa kaniyang lalaki. Kinakabahan ako kasi naka-jacket ito nang makapal na kulay itim at naka-shades na black. Nang alisin nito ay parang kakain ng tao kung makatingin. Sa itsura pa lang ng mga mata nito ay alam niyang Koreano ang isang ito.
"Are you Miss San Agustin?" tanong nito.
'Hala, kilala niya ako? My God! Ikukulong ba niya ako?'
Hindi siya makakibo. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo. Nakahinga naman si Marra nang maluwag nang yumuko ito bahagya at saka ngumiti.
"Manager Lee Han Byul sends me here to fetch you, Ma'am," wika nito.
Kumunot ang noo niya rito. "H-huh?" Hindi niya alam kung anong sasabihin. Bukod sa gulat na gulat siya dahil kilala siya nito, hindi rin kilala ni Marra kung sino ang tinutukoy nitong 'Han Byul' daw ang pangalan. "I'm sorry, sir but I don't know that Lee Han Byul you're talking about." Humakbang siya ngunit bigla itong lumalad nang mabilis upang maharangan siya sa daanan.
Bago pa siya makahakbang paatras ay nakita niyang hawak na nito sa isang kamay ang cellphone at tila may tinatawagan. Hindi niya na alam kung anong gagawin. Nagsisimula na siya matakot. Ilang sandali pa ay may kausap na ito sa phone at video call pa. Nagulat naman si Marra nang itapat nito sa kaniya ang camera. Umiwas naman siya dahil sa takot.
"Dae. She's my sister. Let me talk to her." Narinig niyang wika ng kausap ng lalaki sa video call at biglang inabot sa kaniyang ang gadget.
Dahil na rin sa takot, tinanggap niya na agad iyon. Baka kais bigla siyang barilin tapos mamatay na lang siya rito sa Korea. Hindi malalaman ng pamilya na deadbol na pala siya. ‘My gosh!’
"Ate!"
Kaagad niyang tinitigan ang nasa screen. "Harra?!"
"Oh my God! You should call me Han Byul here. Nakakairita ang ‘Harra’." Hindi niya ito maintindihan. ‘Ano bang pinagsasabi ng kapatid ko?’ "Anyway, hindi kita masusundo ngayon d'yan sa aiport. May biglaang meeting ako ngayon pero dito lang din naman sa office ng GMX. Pinasundo na kita d'yan sa driver nina Max."
"Ano? Ipagkakatiwala mo ako rito?"
"Naku, asa pa tayong may mawawala sa iyo, ate!"
"Woy, gaga ka—"
"Sige na, sumama ka na d'yan. Magkita na lang tayo rito sa office tapos sabay tayo uuwi sa bahay. Ingat kayo!" At natapos na nga ang video call. Napakalukaret talaga ng kapatid niyang iyon kahit kailan. Wala na nga siyang ibang choice kung hindi ang sumama sa driver na nakakatakot ang aura. ‘Hay…’
HALOS MAPANGANGA si Marra sa ganda ng building na pinuntahan nila. Natutuwa siya sa design at puwesto ng mismong establisyimento. Nasa pinakakanto kasi iyon nakatayo habang ang main entrance ay isang elevator agad. Sa gilid nito nakalagay kung ano ang mayroon sa bawat floor.
Kaagad siyang pinapasok ni manong driver at ito mismo ang pumindot ng number 3 sa button panel. Patungo iyon sa 'office' dahil may label ang bawat number pero ganoon na lang ang kaba ko niya nang sumara na ang pinto kahit hindi pa ito sumasakay.
'Ako lang mag-isa aakyat sa taas?'
Nagsisimula na naman siyang matakot. Ang mga bagahe niya ay naiwan sa kotse kaya naman tanging sling bag na pink lang niya ang dala niya. Napahawak si Marra sa gilid ng elevator nang magsimulang umakyat ang elevator.
Nang may tumunog hudyat na nasa 3rd floor na siya ay mas lalo siyang kinabahan. Para siyang maiihi sa lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Bumukas iyon, hindi niya alam kung saan pupunta. Ang daming mga pinto. Dahan-dahan siyang naglakad at binasa ang mga nasa pinto. Hindi niya maintindihan dahil iba ang pagkakasulat. Naka-Hangeul ang mga iyon. ‘Hays..’
Humakbang pa siya ng ilan pang beses upang pag-aralan ang mga silid na nandoon. Nasa tapat na siya ng unang pint na bahagya lang ang pagkakabukas ay sapat na upang makarinig siya ng tawanan mula sa loob. Hindi niya alam kung sisilip ba o kakatok muna. Dahil Pilipina, mas nanaig ang huli pero akmang kakatok na sana siya nang bumukas nang malaki ang pinto. Napahinto tuloy sa ere ang pagkatok at muntik nang matamaan ang lalaking nagbukas ng pinto.
Napalinga siya sa buong 3rd floor. “Bakit kasi walang tao rito? Seriously? Iisa-isahin ko ba ang mga kwartong ito para mahanap ang kapatid ko?” Umiling siya. ‘Bahala na nga. Magtatanong na lang ako.’