CHAPTER 2

864 Words
CHAPTER 2 "MABUTI AT umuwi ka na. Kumain ka na ba?" Ang Mama 'yon ni Marra—ang number one critique and number one fan niya. Maganda ang ngiti nito sa kaniya nang salubungin niya ito. Yumakap siya rito at nang maramdaman ang masarap na yakap nito ay unti-unting nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. Ramdam niya na may tila bukol na nakabara sa kaniyang lalamunan kaya mas lalo siyang naiiyak. Kumilos ang ina niya. Tinapik ni mama niya ang likod niya. "Hindi ko na itatanong kung ano ang resulta ng kwento mo. O, sya... kumain ka na. Tatawagan ko lang ang kapatid mo, ha?" Isang matamis na ngiti ang binigay nito sa kaniya at hinaplos pa ang pisngi niya. Tumango ako at nagsimulang kumain ng pagkaing nakahanda sa mesa. Hindi niya malunok ang kinakain. Tila wala siyang panlasa kahit ang totoo, alam niyang masarap iyon. Pinilit na lang niya iyong ubusin dahil baka sumama ang loob ng mama niya kapag hindi niya kinain iyon. Nang matapos siyang kumain ay inayos ang pinagkainan pati ang mesa. Mabigat talaga ang loob niya dahil sa nangyari. Huminga siya nang malalim saka pilit na ngumiti. ‘Huwag ka masyadong magpa-apekto, Marra. Kaya mo ito!’ Maya-maya pa ay narinig niya ang kaniyang mama na tumatawa habang papalakas ang boses. Naglalakad pala ito patungo sa kusina kung saan siya nandoon. "Nandito na ang ate mo. O, heto." Nagkatinginan sila at tinuro ang cellphone ngunit sumenyas siya rito na huwag na siyang ipakausap sa kapatid. Magko-Korean na naman itong salita panigurado. "Kausapin mo na," ani mama niya saka pilit na pinahawak sa kaniya ang cellphone saka siya iniwan sa sala. Huminga muna siya nang malalim bago hinarap sa kaniya ang camera. Inayos niya rin ang sa mesa. Sakto lang upang makita ang half figure niya sa screen ng phone. Kaagad niyang nakita ang kapatid sa screen ngunit wala sa kaniya ang atensyon nito. Nang tumingin ito sa camera ay malakas ang boses na binati siya nito. "Annyeong, ate!" Kumaway pa ito at nag-heart finger. Natawa na lang siya ngunit bahagya pa siyang nagulat nang may sumilip sa screen at kumaway din. Hindi niya ito kilala pero singkit ang mga mata nito. Mukha itong hamster dahil sobrang nipis ng mga mata. ‘Ang cute!’ "Kylo!" ani kapatid niya rito. May sinabi ito kay Harra at tumugon naman ang kapatid niya. Ilang sandali pa ay ngumiti ang lalaking tinawag na ‘Kylo’ saka yumuko nang bahagya. Kumaway din ito sa kaniya bago umalis sa harapan ng camera. "Sorry, ate. So, anong balita?" Hindi siya nakasagot ditto dahil ang gulo at ingay ng background nito. "Ang ingay, sis," sabi niya. "Wait—Daniel! Stop pranking!" ani Harra na panay ang sigaw sa harapan screen. Nakatingin lang siya rito habang panay ang salita at hindi niya ito naiintindihan. Maya-maya pa, umalis ang kapatid niya sa harapan ng camera at may ibang sumilip na naman sa screen pero mukhang napadaan lang. ‘Ang ganda niya. Lagpas lang nang bahagya sa balikat ang buhok nito. Pointed nose, manipis ang labi tapos ang mga mata—oh my geez! Natotomboy na ba ako?’ tanong niya sa isip habang nakatingin sa babaeng nasa screen. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang titigan siya niyon. Nakatayo ito at nakapamulsa lang ang mga kamay. Parang inaaral nito ang itsura niya na hindi niya malaman kung tama ba siya ng tingin o hindi. Maya-maya pa ay bigla itong umismid sa kaniya saka umalis sa screen. Literal na napanganga si Marra dahil sa gulat sa inasta ng babae. 'Hala. Intrimitidang babae 'yon, ah!' Ilang saglit pa, bumalik na ang kapatid niya at himalang tumahimik na ang paligid. "I’m really sorry,ate. So, ano nga ba iyong pinag-uusapan natin?" "Wait, ba't ang ingay mo diyan? Kailan ka pa naging teacher?" "Pasensya na nga kasi,ate. Anyway, may offer ako sa iyo. Baka gusto mo lang naman. If ayaw mo, okay lang din naman." "Ano naman 'yon?" Huminga muna ito ng malalim bago siya tinitigan. "Gusto mo ng trabaho?" tanong nito. "Bakit? Ipapasok mo ba ako? May kilala ka bang publishing house na qualified ako?" "Wala pero maipapasok kita ng trabaho. Iyon nga lang, hindi as a writer, sis." "H-ha?" "Kailangan ko kasi ng tatayong assistant dito sa GMX Entertainment. So, siguro naman kaya mo iyon kasi tutulungan mo lang naman ako mag-handle ng mga artists. Alam mo na iyon." Ngumiti ito sa kaniya. "Hmm... hindi mo ba kaya? Ba't kailangan mo pa assistant?" Nagtataka niyang tanong rito. "Kaya ko, ako pa ba? Aalis kasi iyong isa naming assistant ditto at nagpapahanap ng kapalit iyong big boss naming ditto. Basta! Gusto mo ba? Kung oo ang sagot mo, magpa-sched ka agad ng flight papunta rito. Okay?" "Uy wala pa akong desisyon—" Hindi na siya pinatapos nito dahil bigla itong kumaway sa camera. "Annyeong!" At biglang namatay ang video call. Para siyang tanga na napatunganga sa screen kahit wala na siyang kausap. Hindi kasi mag-sink in sa utak niya ang mga sinabi ng kapatid. 'Ano raw? Ako? Assistant? Tapos sa South Korea pa?’ Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngayon. Hindi naman niya akalain na ganoon kabilis ang magiging pag-uusap nilang magkapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD