CHAPTER 4
NASA TAPAT na si Marra ng unang pinto ng hallway na iyon, bahagya lang ang pagkakabukas kaya naman naiilang siya kung paano ang gagawin. Sisilip ba siya o lalagpasan na lang at hahanap ng tao na maaari niyang pagtanungan. Nagkukuli siya. Nandyan iyong hahakbang siya ngunit titigil din at babalik sa loob.
Natigilan siya nang bahagya niyang makita ang loob. Sapat na rin iyon upang makarinig siya ng tawanan mula roon. Hindi alam ni Marra kung sisilip ba o kakatok muna?
Dahil Pilipina, mas nanaig ang huli pero akmang kakatok na sana siya nang bumukas nang malaki ang pinto. Napahinto tuloy sa ere ang pagkatok at muntik nang matamaan ang lalaking nagbukas ng pinto.
"Oh—Mianhe," anito at bahagyang yumuko pa. Ang t-shirt na suot nito ay may nakasulat na 'Daniel'.
Hindi siya nakakibo. Nakatitig lang siya sa lalaking napakatangos ang ilong. Ang ganda rin ng mga mata nito. Hindi alam ni Marra kung ano ibig nitong sabihin.
Maya-maya pa ay may isa pang lalaki ang biglang sumulpot sa likod nito at parang hindi siya agad napansin.
"Ba't ka ba tumigil—oh, annyeong!" magiliw ang pagkakangiti nito at kumaway pa. 'Colby' naman ang nakasulat sa suot nitong damit.
Naibaba ni Marra ang kamay saka ngumiti rin sa mga ito. "H-hello."
"Miss Harra, nandito na iyong kapetid mo!" sigaw ng lalaking walang mata.
'Ah, sya iyong Kolby na nasa video call namin ni Harra nung nakaraan.'
"Annyeong!" bati nung Kolby sa kaniya.
"A-annyeong," mahina niyang wika. Iyon lang ang kaya niyang sabihin. 'God!'
Lumaki ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok siya ng dalawang lalaki.
'Ang gwapo ng mga ito, grabe. Ang kikinis.'
Hindi maitago ang lubos na paghanga niya sa mga ito. Isa pa, ang babango rin.
"Anong kapetid? Ka-pa-tid! Ikaw, Kolby parang hindi ka Pinoy, ah! Ano? Nakalimutan mo na ang tamang pag-pronounce?" sigaw iyon ng kapatid niyang si Harra. Napakamot naman sa ulo iyong si Kolby.
Napangiti naman si Harra nang dumako ang tingin sa kaniya . "Ate! Kumusta na!?" Niyakap nya ako nang mahigpit. "Amoy Pinas, ah!"
"Bwisit ka!" natawa na lang sila.
May mga nakitawa sa kanila at noon lang niya napansin na ang dami pala nila sa loob ng kwartong iyon. Mabilis niyang binilang ang mga nandoon. Labin-dalawang lalaki at may isang babae na nakasuot ng T-shirt din.
Kaagad niyang naalala kung sino iyon. Ito iyong umismid sa kaniya sa video call. 'Aha!'
"S-sino sila, Harra? Artist ng GMX?" tanong niya habang nakamata pa rin sa nag-iisang babae na blangko ang tingin sa kaniya at tila hindi niya nakikita.
Nakaupo ito ng pa-crosslegs habang ang mga kamay ay magkahawak na nakapatong sa tuhod nito.
"Ate, Han Byul ang pangalan ko rito!"
"Porque nasa Korea, kailangan din na pang-korean ang pangalan?" aniya saka tinaasan ng kilay ang kapatid.
"Yep, para naman bongga. Anyway, sila ang Diamond13." Hinarap ni Harra ang mga lalaking may kanya-kanyang ginagawa. "Guys, this is my ate. Call her Marra. Magpakilala kayo, Palli!"
Kaagad na tumayo at humilera ang mga lalaki. Ang nag-iisang babae sa kanila at tila tamad na tamad na tumayo.
'Wait... Grabe! Ang tangkad niya. Teka... ba't iba ang tindig niya? Ang bulto ng katawan niya...parang—
"Stop staring at me," anito sa kaniya na kinabigla ni Marra nang todo. Humilera ito sa mga kasama.
Napanganga si Marra. Ang boses din kasi nito, buo na malalim.
"Annyeonghaeseyo, Diamond13 ibnida!" sabay-sabay na wika ng mga ito. Yumuko pa sila saka mga nakangiting tumingin kay Marra—maliban sa isa—na kung makatingin sa kaniya ay tila ba isa siyang walang kwentang nilalang na nabubuhay sa mundo.
"Diamond13? E, labin-dalawa lang naman sila, sizam!" Bulong niya out of curiousity sa kapatid.
Nagtaas bigla ng kamay itong si Kolby. "Bakit ang Super Junior, hindi naman sila si superman pero Super Junior ang pangalan nila?" Kasunod ay nag-peace sign ito kay Marra.
Natawa rin siya. 'Oo nga naman.'
Pero hindi talaga matahimik si Marra. Nakaka-intimidate ang tingin ng babae na boses lalaki na ngayon ay tumingin sandali sa labas ng bintana. Hindi na siya nakatiis.
"Ahm... Lalaki ka ba?" tanong ni Marra habang nakaturo sa taong may mahabang buhok dahilan upang magtawanan ang lahat.
Bukod tanging ito lang ang kumunot ang noo. Ang isang lalaki na mayroong makapal na pilik-mata ay natatawa na nakipag-appear sa tila kalmadong lalaki na kabilang gilid ng may mahabang buhok.
"Max, kalma," tila warning ng lalaking kalmado na may 'Wren' sa na nametag sa damit.
Tinapik naman ng lalaking may pangalan na 'Reed' ang balikat ng katabi. "Max, kumalma ka. Babae iyan."
Hindi niya alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng mga taong nandito sa silid. Nang lingunin niya ang kapatid na si Harra, pinanlakihan siya nito ng mga mata.
"Bakit?"
"Ate, manahimik ka na lang nga muna. Ipapakilala ko sila sa iyo isa-isa. Basta manahimik ka lang, okay?"
Tumango siya. Hindi niya alam kung bakit tila kinakabahan siya ngayon lalo na sa tuwing magtatama ang paningin nila nung tinawag na 'Max'.
“Ate, ito si Reed. Ang general leader ng grupo. Ka-edad mo siya. Actually, Reed, Max and Wren, magkaka-edad sila kagaya sa iyo. Mas matanda lang si Reed at Max sa iyo ng month tapos itong si Wren, December 31 ang birthday.” Mahabang sabi ni Harran na ngumiti. “This is Max, sub-vocalist ng Diamond13 at member ng vocal unit. Same sila ni Wren.”
Tumango na lang siya. Wala na siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng kapatid niya ngunit tumatango na lang siya. Sa totoo lang ay naiilang siya dahil ramdam niya ang talim ng tingin ng Max na nasa harapan niya.
“These are Daniel, Kylo, Hugo and Davis. Isang taon ang tanda mo sa kanila kaya okay lang na tawagin ka nila ng ate or noona.”
“N-noona?”
“Ate iyon dito sa Korea. These are Xiam, Nilo and Colby. Zane, Dean and Lancer.”
Inisa-isa niyang ngitian ang mga pinakilala sa kaniya nito. Mukha namang mababait ang mga ito maliban sa isang seryoso talaga ang ekspresyon sa mukha. Bumuntonghininga si Marra. Lihim siyang nanalangin na sana ay walang maging problema sa pananatili niya rito. Trabaho ang pakay niya rito sa Korea, hindi para magkaroon ng kaaway.
HINIGOP NI Marra ang mainit na kapeng hawak-hawak habang nakamata sa mga nag-uusap sa harapan niya. Hindi niya magawang tumingin sa gawi nung ‘lalaki’ na napagkamalan niyang babae.
Para siyang kakainin ng lupa dahil nang tanungin niya ito kung lalaki ba ay imbis na sumagot—tinalikuran lang ako nito't gumawi sa isang sulok habang naiwan na tumatawa ang mga kaibigan. Ang ibang mga kasamahan naman nito ay mga nagtawanan—-as in hagalpak ng tawa na para bang nagbiro siya, hindi naman. ‘Seryoso kaya ako.’
Hanggang ngayon ay wala itong imik at mukhang may sariling mundo sa isang sulok habang may hawak na ballpen at papel.
Sabi ng kapatid niya ay iyon raw si Max. Pangalawa sa pinakamatanda at tinaguriang Diamond13’s Angel.
'Angel? E, napakasungit.'
"Ate, hindi ka nakikinig! Kapag kinausap naman kita gamit ang Korean Language, magagalita ka naman!" singhal ni Harra sa kaniya.
Imbis na sumagot ay nilapag niya nang maayos ang kape sa lamesa tapos pinagmasdan ang mga lalaking may kaniya-kaniyang mundo. "Sigurado ka bang mga binata ang mga iyan at hindi mga bata?" tanong niya habang nakangiwing nakatingin kina Colby, Zane at Kylo na panay ang harutan.
"Of course! Ganyan lang talaga ang mga 'yan pero mababait sila. Iyang si Hugo, tahimik lang talaga at mahilig sa mga books at gadget. Wren loves guitar kaya kung mapapansin mo, may guitara d’yan sa gilid mo. Kaniya 'yan. Lagi niyang dala iyan kahit saan siya magpunta."
Isa-isa niyang tinitingnan ang mga tinutukoy nito. Ngayon pa lang ay nalilito na siya kung ano-ano ang mga pangalan ng myembro ng grupong aasistahan niya. Magsasalita pa sana ulit si Harra pero hindi natuloy dahil lumapit sa kanila ang pinakamaliit sa grupo.
"Manager," tawag nito sa kapatid niya. May hawak itong papel at akmang may ibibigay o ano.
"Yes, Davis?"
"Iyan ang pinaka-latest kong na-compose. Just tell me if when are you ready to hear it kasama sino Kuya Bumzu," Kalmado lang ito.
Tumango si Harra saka yumuko itong si Davis. Tatalikod na sana ito sa kanila nang biglang may umakbay dito. Si Reed—ang general manager ng Diamond13.
"Alis na ba tayo, Manager?" tanong nito sa kapatid niya sabay tingin sa gawi niyaat saka ngumiti. "Kumusta, Miss Marra?"
"O-okay lang," sagot niya. Hindi siya makapaniwala na sanay magtagalog ang mga lalaking 'to gayong nandito sa Korea naka-base ang mga ito. Nakita rin niya sa profiles ng mga ito na nasa kulang pitong taon na ang mga ito rito mula noong magsimulang mag-training at nang mag-debut.
"Maya-maya pa, Reed. Pakisabihan na lang muna sila na lumabas muna para makapag-usap kami ng kapatid ko," ani Harra na medyo nagbago ang boses. Parang lumiit—in short naging pabebe.
'At bakit 'to nagkaganito? Okay naman 'to kaninang kausap ko, ah?!'
"Alright. Mag-text ka na lang sa akin kapag okay na kayo. Hihintayin ko, okay?"
"O-oo," sagot ng kapatid niya na medyo namumula ang pisngi.
'Hmm... anong mayroon?'
Ilang sandali pa ay isa-isang umalis ang mga myembro ng Diamond13. Hindi ko alam kung kasama ng mga ito si Max pero wala naman siyang pakialam. ‘Bahala siya. Isnabero porque gwapo? Hays.’
"Ate!"
"Ano?"
"Ano ba? Payag ka na ba?"
"Harra—"
"Han Byul, ate! Han Byul!"
"S-sorry na. Ba't kasi ang daming arte. Pangalan mo naman iyon tas ako lang naman 'to!"
"Basta, ate. Ba't ba namamakialam ka?"
"Hindi ka naman artista, e!"
"Aigoo! Gano'n kasi talaga rito sa Korea, okay? May mga names na pang-Korean tapos may real names. You know?"
"Ewan ko sa inyo. P’wede namang Harra na lang para walang arte, e!"
"Oh, e hindi naman iyan ang topic natin, ba't pinoproblema mo? Grabehan! Kapag 'di ka pumayag sa offer ko, umuwi ka na ng Pinas, 'te!"
Hinampas niya ang braso nito. "Siraulo ka! Ang alam ni mama may trabaho na ako rito!"
"Alam ko, ako pa nga nagsabi, di ba?"
"Oo, letse ka!"
"Whatever! Since you have no choice, ate. Ipapaliwanag ko na sa 'yo ang magiging trabaho mo."
"Agad-agad? Wala bang pahinga? Galing akong byahe, sis!"
"Ate, as a personal assistant of Diamond13, mahirap makahanap ng magpahinga."
"So suicidal pala 'to? Ba't di mo ako na-inform?"
"Arte mo naman. Hindi ka naman mamamatay kung hindi ka makakapagpahinga ngayon, no!"
"Ewan ko sa iyo. Ano ba kasing gagawin ko?"
At doon na nga nagsimula ang dahilan ng pagsakit ng kaniyang ulo. Kulang yata ang tatlong logbook dahil sobrang dami niyang kailangan na gawin para sa grupong 'to.
"Mag-isa lang ba akong assistant nila? As in? Labingtatlo sila, sis, hello?!"
"Of course, may mga kasama ka. Tatlo rin kayo."
"Buti naman."
"Kaso nasa vacation yung dalawa."
"Ano?" Gulat kong tanong habnag nanlalaki ang mga mata. Natawa siya. "So sa madaling sabi, ako nga lang ang assistant nila?"
Tumango ang kapatid niya at kalmadong humigop sa sariling kape. "Ayaw mo ba? Grabe, ang arte mo, ate! Alam mo bang napakaswerte mo dahil milyon ang mga Carats na nagpapantasyang makasalamuha araw-araw iyang mga Dyamante na iyan? Tapos ikaw, jusko! Ganda ka, 'te?" Umirap pa ito sa kaniya.
Lumapit siya rito at mahinang nangsalita, "siraulo ka. Labingtatlo sila tapos isa lang ako, paano na magiging lagay ko no’n!?" Hindi niya lubos ma-imagine ang sarili na magbabantay siya sa mga ito gayong isa lang siya. Baka kung mapaano naman siya.
"Chill ka lang. Hindi naman mga bata iyang aalagaan mo. Saka, nandito ako. Kami ni Reed ang bahala sa iyo."
"Letse ka talaga. Well, speaking of Reed... anong meron?"
Halatang biglang nataranta ang kapatid niya at nag-iwas ng tingin. "A-anong ‘anong meron’ ka d’yan? Syempre wala, no?” Sa kilos pa lang nito ay alam niyang may iba na. Tinitigan niya pa ito nang nang mabuti.
"Si Reed..."
"A-ano?" Unti-unting nagiging weirdo ang kilos nito at iniiwas ang tingin sa kaniya.
"Hoy! Bakit mukha kang tanga kapag binabanggit ko si Reed? Crush mo ba siya?"
Nanlaki lalo ang mga mata nito saka tumingin pa sag awing pintuan. “Ano ba iyang sinasabi mo? Naku, ate. Issue ka, ha! Lubayan mo ako!" aniya saka nilapit sa akin ang dalawang pages ng typewriting. "Pumirma ka na nga dyan. Naiirita mo ako, ate!"
"Sus...Crush mo siya, `no?"
"Bunganga mo nga. Mamaya ay marinig ka ni Reed, ate. Manahimik ka diyan. Nakakahiya ka!"
"Hoy, ako pa talaga?"
"Ba't kasi ganyan bunganga mo? At saka ikaw, ayusin mo mga tanungan mo lalo kay Max!"
Umikot ang mga mata ko. "So what?"
"Ate, artist natin yon. Meaning, dapat irespeto. Saka kita mo namang lalaki, magtatanong ka pa ng 'lalaki ka ba?' Hello? Nakaka-ooffend iyon!"
Napaisip siya. Well, oo nga kaso nakakagulat kasi at aminado naman siyang nagulat talaga siya kanina. Hindi niya naman kasi akalain na lalaki pala ito. Napakaganda nitong tingnan. Bagay kay Max yung Diamond13’s Angel na tag name kaso ang ugali… ‘Attitude si Kuya mong pretty boy.’
Humugot si Marra ng malalim na hininga. "Sorry naman. Nagulat lang talaga ako."
Umayos namna ng upo si Harra saka siya tiningnan ng seryoso. "Next time, okay? Be nice to him."
Tumaas ang isang kilay niya. "Ako pa talaga? E, hindi ko nga siya inaano. Nagtataray siya sa akin."
Doon tila biglang napaisip si Harra. "Actually, noon ko lang nakitang ganoon si Max. Dati namang friendly iyon. Isa nga siya sa mga favorite Kuya ng ibang myembro."
"E, bakit siya gano’n sa akin?"
"Hmmm..."
"Anong hmmm...?" Curious niyang tanong dito.
"Baka napangitan sa iyo, ate," anito saka niya ito pinukpok ng ballpen sa noo. "Aray!" Inirapan siya nito habang hinihimas ang parting natamaan niya.
"Umayos ka, ate mo ako. Kahit mas mataas ang posisyon mo sa akin dito, mas matanda ako sa iyo!" singhal niya rito. Hindi naman niya balak na pagalitan ang kapatid ngunit para kasing nakakalimot ang isang ito.
"Oo na. Pumirma ka na nga!" Nakanguso nitong wika saka muling hinawakan ang papel kung saan siya pipirma.
Wala na nga siyang nagawa kung hindi ang pirmahan ang kontrata ko sa loob ng GMX Entertainment. Kabado si Marra sa mga mangyayari sa kaniya kasama ang grupong ito na na may sinasabi rin ang katanyagan. Meaning, magiging busy na rin talaga siyang tunay.
‘Kaya ko 'to. Fighting!’
KINAHAPUNAN AY nagtungo na sila kung saan nakatira ang kapatid niyang si Harra. Okay naman ang lugar at masasabi niyang maayos, malinis at mukhang komporable ang kapatid niya rito. Naisip niyang kaya naman pala hindi ito umuuwi ng Pilipinas dahil maganda ang buhay nito rito sa Korea.
“Ate, sa taas din nakatira ang Diamond13, ha?”
Nanlaki ang kaniyang mga mata. “Ano? You mean, isang building lang?”
Tumango ang kapatid niya. “Yes. And magkakaibang floor sila kaya naman kapag gigisingin mo sila sa umaga, dapat alam mo kung saang kwarto sila naka-assign kasi baka mamaya ay mali ka ng mapasok na silid.” Kumindat ito saka pumasok sa loob ng banyo.
Muli niyang ginala ang paningin sa kabuuan ng unit na iyon. May kwarto, sala, banyo at kusina. Nagawi ang mga mata niya sa isang estante sa sala kung saan nakapatong ang larawan nilang tatlo. Pati ang group photo ng Diamond13 ay nandoon din.
Napaisip si Marra. Marahil ay naging super close na ni Harra ang mga myembro ng grupong hawak nito. Hindi siya makapaniwala na mahaba pala ang pasensya nitong kapatid niya. Kanina kasi, kitang-kita niya kung gaano kagugulo ang mga ito. Napansin din niya ang iba’t ibang personalities ng mga ito.
Lumapit siya sa estante at hinawakan ang group photo. Natuon ang atensyon niya kay Max na mayroong magandang ngiti sa larawang iyon.
“Gwapo naman pala kapag nakangiti, e. Bakit kaya kanina, hindi man lang pinakita sa akin?” Nagulat pa siya dahil sa naisip na iyon. Kaagad niyang binitiwan ang larawan saka iyon binalik sa estante.
Sakto naman na kalalabas lang ng kapatid niya mula sa loob ng banyo. “Maliligo ka ba?” tanong nito sa kaniya. Ganoon pa rin ang suot nito. “Mauna ka na maligo kaysa sa akin at alam mo naman na matagal ako maligo.”
Tumango siya. “Okay,” aniya saka sinimulang kumuha ng sariling damit sa kaniyang maleta. Natigilan si Marra nang kumalam ang kaniyang sikmura. “Sis, may pagkain ka ba diyan?” tanong niya.
“Bakit? Gutom ka?” balik na tanong nito sa kaniya kaya naman tumango siya. “May ramen diyan.
Tumango siya. “Sige. Magluluto ako, ha?”
“Sige lang. Pasok lang ako sa kwarto natin. Isunod mo na lang yung maleta mo sa loob. Malaki ka na. Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin.” Tumawa pa ito at nahawa rin n siya.
Ilang sandali pa ay nasa loob na siya ng banyo at naliligo. Nang matapos ay kaagd niyang pinasok ang maleta niya sa kwarto kung saan siya matutulog. Maayos din ang loob ng silid ni Harra. Isa lang ang kama sa loob ngunit tingin naman niya ay kasya silang dalawa. Nakahiga si Harra at nag-cecellphone. Nang makita siya nitong ginagala ang paningin sa loob ng kwarto at naupo ito.
“Ngayon ko lang napansin, kaunti lang pala ang dal among mga damit?”
“Kaunti? Ang dami kaya nitong lamanb,” aniya saka tinuro ang maleta.
“Naku, ate. Kapag nagtaglamig dito sa Korea, kulang ang mga iyan kahit pagpatung-patungin mo pa ang lahat ng mga iyan.” Natawa pa si Harra. Tumayo ito saka naghanap ng masusuot sa closet nito.
Si Marra naman ay napatingin lang sa maletang dala. Hindi niya alam kung nagbibiro lang ang kapatid niya o seryoso ito. Bigla naman siyang nag-alala ngunit hinayaan na lang niya dahil wala naman na siyang magagawa. Napangisi siya.
“Harra?”
“Oh?”
“Kapag dumating iyong panahon ng winter tapos kailangan ko ng damit, pahiram na lang ako, okay?” aniya saka pumikit-pikit pa ang mga mata.
“Wala naman akong choice, ate. Sige lang. Marami naman akong damit dito sa closet saka imposibleng makabili ka ng mga winter clothes mo kaagad dahil pasimula ka pa lang naman sa trabaho.”
Ngumiti siya rito. “Thank you,” aniya.
Lumabas ng kwarto si Harra samantalang si Marra naman ay dumiretso sa kama. Nilabas niya ang kaniyang baon na notebook at papel. Balak niya kasing isulat ang mga karanasan niya mula sa pag-alis niya ng Pilipinas hanggang sa makarating siya sa Korea. Sinimulan niyang magsulat hanggang sa makarating siya sa parteng may napagkamalan siyang babae na isang idol.
Tumigil siya sa pagsulat saka napaisip. “Hindi ko naman talaga sinasadya na mapagkamalan siyang babae. Kasalanan ko ba kung ang ganda niya? Kung hindi pa siya tumayo, hindi ko talaga mahahalatang lalaki siya.” Umiling na lang si Marra. “Hay! Bakit ko ba siya iniisip? Wala akong kasalanan. Malinis ang konsensya ko.” Muli siyang nagsulat. Lahat ng mga myembro ng Diamond13 ay sinulat niya ang profile.
Nalilito pa siya sa mga mukha at pangalan ngunit alam niya na makikilala rin niya ang mga ito. Ngayon pa lang ay ganoon na lang ang pagdarasal niya n asana ay maging maayos ang trabaho niya. Sana ay magkaroon siya ng mahabang pasensya sa labintatlong lalaki lalo na sa Max na iyon.
Muli ay pumaosk na naman sa isipan niya ito. Hindi siya makapaniwala na may ganoong lalaki na nag-eexist sa mundo. Tipong napakaperpekto at walang kapintas-pintas.
‘Well, kung mayroon mang pangit dito, iyon ay ang ugali nito.’
Tumango-tango pa siya. ‘Tama, tama!’
Ginawa niya pa ang ibang profile. Makakatulong kasi iyon sa kaniya upang maalala ang mga ito. Tingin kasi ni Marra, mahihirapan siya sa dami. Kahit sabihin pa na nandiyan ang kapatid niya, hindi naman ito palaging makakaalalay sa kaniya. Sinigurado niyang wala siyang makakalimutan kahit isang myembro para naman hindi siya makalimutan.
Nang matapos siya sa ginagawa ay kaagad siyang nagtungo sa labas ng silid upang magluto ng ramen. Kanina pa kasi kumakalam ang sikmura niya. Binuksan niya ang mga cabinet kung saan maaaaring nakalagay ang mga stock na ramen at ganoon na lang kalawak ang ngiti niya nang makakita ng isa.
Napangiwi siya nang mapansin na lahat ay spicy flavor. Hindi ganoon kataas ang tolerance niya sa maanghang kaya naman parang nagdadalawang isip pa siya kung kakain ba siya o hindi. Bigla niya tuloy na-miss ang pagkaing Pinoy. Kung nasa Pinas lang siya ay maaari siyang lumabas upang magtungo sa malapit na tindahan ngunit wala siya sa sariling bansa.
Nanlulumo siyang sinimulan ang pagpapakulo ng tubig sa kalan. No choice naman siya. Siguro ay maghahanda na lang siya ng maraming tubig para naman kapag sumugid ang anghang sa kaniyang lalamunan ay kaagad niyang malalabanan iyon gamit ang tubig.
Naupo siya sa isang silya. Noon naman lumabas si Harra mula sa loob ng bango at nagpupunay ng tuwalya sa ulo. “Nagluluto ka na?”
Tumango siya. “Sis, wala bang hindi maanghang dito? Lahat ng ramen mo, maanghang. Iba-iba lang ng level pero maanghang pa rin.”
“Sorry, ate. Nakalimutan ko na hindi ka nga pala mahilig sa maanghang.” Huminga ito nang malalim bago nanahimik nang ilang sandali. Maya-maya pa ay muli itong nagsalita. “Alam ko na. Bumili tayo sa convenient store ng pwede mong makain. Gusto mo?”
“Lalabas pa tayo?” tanong niya kahit pa gusto niya ang ideyang iyon.
Tumango ito. “Malamang, ate. Teka magsusuklay lang ako. Patayin mo muna iyang apoy. Baka makahanap naman tayo ng pagkain sa tindahan.”
Ganoon nga ang ginawa niya. Pinatay niya ang apoy ng kalan habang hinihintay si Harran a makapagsuklay sa loob ng silid. Nakaramdam siya ng excitement dahil ito ang unang beses na lalabas siya ng gabi at makikita niya ang kagandahan ng South Korea. Hindi man siya makagala, at least makikita niya ang langit mula sa lupa ng Korea. Natawa siya.
‘Ang baba ng kaligayahan ko.’ Kaagad niyang inayos ang sarili nang mapagtanto niyang napapangiti siya. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ang kapatid niya. May dala ito blazer saka facemask. May wallet din itong bitbit.
“Tara,” anito saka siya hinawakan sa braso.
Nang mai-lock nito ang pinto ay naglakad naman sila palabas ng building.
“Wala talagang tao ng ganitong oras dito?” tanong niya.
Ang tahimik kasi ng lugar. Nang tingnan niya kanina ang orasan ay mag-aalas siyete pa lang ng gabi.
“Bakit, ate? Anong inaasahan mo rito? Makakakita ka ng mga tambay kagaya sa Pilipinas tapos iyong iba naninigarilyo at nakahubad pa ng damit pantaas?” Natawa si Harra. “Ganoon talaga rito. May particular na lugar na dapat puntahan kung gusto mo mag-party-party o gumala ng gabi.”
Hindi siya makaniwalang tumingin dito. “Talaga?” Namamangha siyang naisip na desiplinado ang mga Korean kaysa sa mga Pinoy. Akala niya kasi noon, baka may iilan din na lumalabas sa gabi kagaya na lang ng mga napapanood niya sa mga Kdrama dati.
Nakakailang hakbang pa lamang sila buhat nang makalayo sa building kung saan sila tumutuloy ay napahinto si Harra. Nakatingin ito sa gawing harapan kaya naman ganoon din ang ginawa niya. Isang lalaking naka-hood at facemask ang naglalakad papalapit sa kanila. Kinabahan si Marra.
“Harra, s-sino iyan?” tanong niya sa kapatid na hinawakan lang siya sa braso at nakatingin pa rin sa lalaki. Parang tatalon ang puso niya sa sobrang kaba at natatakot na siya talaga. Medyo madilim pa naman ang lugar na kinatatayuan nila ngayon na magkapatid.
Nang makalapit ang lalaki, halatang hindi ito tumatingin sa nilalakaran dahil nagulat pa sa presensya nila. Ito namang si Harra, imbis na umiwas, tila mas hinarang pa talaga ang katawan sa lalaki.
‘Paano kung saktan kami nito? Naku naman, Harra! Hindi ka nag-iisip.’ Nakayuko at mariin ang pagkakapikit ng mga mata ang kaniyang ginawa. Hindi niya yata kakayanin na harapin ang dalawa. Gusto niyang hilahin ang kapatid para naman makabalik na sila sa unit nila.
“Saan ka galing?” malamig na tanong ni Harra.
Dinilat ni Marra at nagugulat na tiningnan ang kapatid pati na ang lalaki.
“N-noona?”
Tila pamilyar sa tainga ni Marra ang tinig na iyon. Alam niyang narinig na niya kung saan iyon ngunit hindi niya matandaan kung saan.
“Saan ka sabi galing, Colby?” mariing tanong ng kapatid niya sa lalaking naka-facemask at hoody jacket.
Binaba nito ang facemask saka tinaas ang hawak nitong dalawang plastic bag na naglalaman ng mga corndog. Ngumiti ito nang ubod ng labi dahilan upang lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Ang mga mata nito ay nawala dahil sa lapad ng ngiti sa kaniya. “Bumili ako ng pagkain.”
Parehas sila ni Harra na napatingin sa hawak nito. “Sa inyo iyan?” tanong niya rito.
“Hmm, noona. Sobra to. Binilhan ko na rin kasi kayo. Naisip ko kasi na baka hindi pa kayo kumakain.”
Napangiti siya rito kay Colby. “Ang sweet naman,” aniya.
“Saan ba kayo pupunta?” Tumingin ito sa kanilang dalawa.
“Ahh… ehh…” aniya ngunit nagsalita na si Harra.
“Marami ba iyang corndog na iyan?”
Tumango si Colby. “Hmm.”
Lumingon sa kaniya si Harra. “Okay ka na ba sa corndog, ate?”
Tumango siya. “Oo. Pwede na iyan. Baka mamaya, puro spicy rin ang makita natin sa convenient store.”
Tumango rin sa kaniya ang kapatid saka hinarap si Colby. “Tara sa dorm. Mag-uusap tuloy tayo,” anito na may bahid ng pagbabanta sa tinig.
Gumapang naman ang pag-aalala ni Colby saka tumingin sa kaniya. Ang cute nito sa totoo lang ngunit wala siyang ideya kung ano man ang dahilan ng tingin na iyon ni Colby sa kaniya o kung ano man ang ibig sabihin ni Harra na mag-uusap ang mga ito. Naglakad sila pabalik ng dorm habang nakikiramdam kina Harra at Colby. Nilabas ng kapatid niya ang cellphone nito saka tinawagan ang kung sino. Narinig niya itong makipag-usap ngunit hindi malinaw kung ano man ang sinasabi nito sa kabilang linya.