CHAPTER 5 HINDI ALAM ni Marra kung kakainin na ba niya ang corndog na inabot sa kaniya ni Colby. Nakapwesto na sila sa harapan ng mesaat nakaupo silang dalawa magkapatid. Nasa harapan niya si Colby na nakaupo rin habang ang ulo ay nakayuko. Nasa tabi nito ang seryosong si Reed at sa kabilang side naman ni Colby si Max na magkakrus ang mga braso sa tapat ng dibdib. Ang mga mata ng mga ito ay na kay Colby na hindi man lang makatingin nang diretso sa kanila. Sila lamang ang nandito ngayon sa unit nila ni Harra. Dito na lang daw kakausapin ni Harra ang mga ito dahil ayaw na mag-alala ang ibang myembro na nagpapahinga na. “N-noona, H-hyung… s-sorry. Nagutom kasi ako—” aniy Colby ngunit pinutol iyon ni Reed. “Bakit ka lumabas nang walang paalam? Lalo na at walang kasama? Alam mo