CHAPTER 8 "ITO NA BA ang lahat ng schedule namin?" tanong ni Reed kay Harra habang nakaupo at hinihintay sina Marra at Max. Tumango si Harra ngunit ang isip niya ay wala sa tinatanong nito. Nag-aalala kasi siya para sa kaniyang kapatid. Alam niyang nagsisisi na ito dahil sa kaluwagan kina Colby ngunit kailangan kasi talaga na alam nito kung paano maghigpit. Bago lang sa ganitong klaseng trabaho ang ate niya at naiintindihan niyang nangangapa pa ito. Willing naman siyang tumulong at alalayan ito at iyon naman na ang ginagawa niya. Huminga siya nang malalim saka lumingon kay Reed. "Reed, pasensya na kung naging maluwag si Ate kanina." Halatang nagulat naman ang binata dahil sa sinabi niya. Maya-maya pa ay ngumiti ito sa kaniya. Iyong ngiti na kayang lumusaw ng pag-aalala