CHAPTER 7 TAHIMIK LANG si Marra habang papunta sila sa building ng GMX. Nakatanaw lang siya sa labas ng bintana ng sasakyan habang si Harra naman ay nasa gilid niya. Napapagitnaan nila ito ng driver tapos ang lahat ng myembro ng Diamond13 ay nasa passenger seat hanggang sa dulo. Manghang-mangha si Marra sa natatanaw ng kaniyang mga mata. Kahit na masilaw dala ng sobrang sikat ng araw ay nakikita niya pa rin ang kagandahan ng Korea. Malinis at tila ba wala kahit isang kalat sa paligid. Panay din ang tanaw niya sa nagtataasang building. Para lang din siyang nasa Manila maliban lang doon sa mga basurang hindi na yata maaalis sa bansa nila. Naramdaman ni Marra ang mahinang pagsiko sa kaniya ng kapatit kaya nilingon niya ito. “Gusto mo ba ng kape?” tanong nito. Sandali siyang n