Chapter 6
"Ano ka ba? Hindi ko siya crush!" mabilis na kaila ko.
"Ows?" ayaw paawat na tukso niya.
"Baka nakakalimutan mo Mitch may nobyo na kaya ako." paalala ko sa kanya.
"Ay oo nga pala. Haha. Pero crush lang naman eh. Walang masama run." anito.
"Hindi ko siya crush. Period. Iniisip ko lang kelangan kong makauwi sa'min this weekend para personal kong masabi kay Papa ang good news at kelangan ko rin dalawin ang puntod ni Mama. Ang kaso makikita ko na naman ang hudas kong step brother na si Drake!" palatak ko at tuluyan ng nainis.
Si Drake anak siya ni Magda sa namatay na asawa at natural dun na rin siya nakatira sa rancho.
Mas matanda ito ng dalawang taon sa akin.
Napakabastos at m******s ng animal na lalakeng iyon.
Isa rin siya sa dahilan kung bakit madalang akong umuwi ng rancho bukod sa masama ang loob ko kay Papa dahil sa pagpapakasal niyang muli.
Natatandaan ko pa dati kung paano niya ko minanyak!
Tinampal niya ang pwet ko nung kaming dalawa lang ang natira dati sa bahay.
Nasampal ko tuloy siya pero ang katwiran ng talipandas na iyon may lamok daw ang pwet ko!
Pwede ba naman yun?!
Halatang-halata naman sa mga mata niya kung gaano siya kalaswa makatingin!
Mabisyo rin ang linsiyak. Halos gawin ng tubig ang alak at libangan na ang pagsusugal! Madalas pang makipagrambulan kapag natatalo. Likas na yata talaga sa ungas na yun ang pagkabasagulero at pagkabarumbado!
Balasubas talaga ang hinayupak na kinukunsinti pa ng Nanay niyang kunsintedora!
Katwiran ng mag-inang kamag-anak ni Lucifer naglilibang lang naman daw si Drake.
Magandang katwiran na masarap isampal sa makapal na pagmumukha nilang mag-ina!
"Isa pa nagtataka na rin ako. Halos isang linggo ko na ring hindi nakakausap si Papa. Palaging si Magda ang sumasagot kapag tumatawag ako at sinasabi niyang na may kinakausap si Papa sa ibang lugar kaya laging wala." hinaing ko pa.
"Naku mabuti pa nga umuwi ka na. Alam mo naman tayong mga babae kapag may kutob hindi mapakali. O basta mag-ingat ka na lang dun sa manyak mong step brother." bilin niya kaya tumango naman ako.
****
"Halos ilang araw na palang masama ang lagay ni Papa tapos hindi niyo man lang sinasabi sa'kin samantalang halos araw-araw akong tumatawag?!" inis na singhal ko kay Magda pagkalabas ko ng kwarto nila.
Tulog si Papa kaya hindi ko makausap.
Kararating ko lang ng rancho pero ito ang bumungad sa'kin.
"Ayaw ipasabi ng Papa mo para hindi ka raw mag-alala. Sumusunod lang ako kaya wag mo kong sisihin diyan." mataray na sagot ng bruhilda kong step mom at pasosyal pang sumimsim ng red wine sa baso.
Pwe. Kaya hindi ko siya matawag kahit Tita man lang dahil hindi siya kagalang-galang talaga.
Hindi naman ako pinalaking bastos pero kapag ganitong klase ng tao ang makakaharap mo makakalimutan mo talagang may modo at pinag-aralan ka!
"Dadalhin ko siya sa ospital." mariing sabi ko.
"No need Vanna dear. Nagpatawag na ako ng doctor kahapon pa. Nahighblood lang daw ang Papa mo. Ang hilig naman kasing kumain ng bawal hayan tuloy ang nangyari sa kanya." naiiling at kalmadong sabi nito na parang hindi kababakasan ng pag-aalala!
"Bakit nakakakain ng bawal?!" pasumbat kong tanong.
"May utak na yang Papa mo at matanda na. Kung ano'ng gusto niyang kainin, kinakain niya. Alangan namang pagbawalan ko kung anong kaligayahan niya." walang kwentang katwiran niya na mas ipinag-init ng ulo ko.
"Asawa ka ba talaga? Para kasing wala kang pakialam sa Papa ko!" asik ko.
Bumaling siya sa'kin at sinamaan ako ng tingin.
"Wag mo nga akong pinararatangan ng kung anu-ano! Pasalamat ka nga at pinagtitiyagaan ko kayong mag-ama." sigaw niya.
"Pasalamat?! Dapat ko ba talagang ipagpasalamat ang pagdating mo? Kayo ng hudas mong anak?! Wala na kayong ginawa kundi-"
Naputol ako ng umigkas ang kamay niya pasampal sa mukha ko.
Saglit lang akong natigilan at kusang umangat na rin ang mga kamay ko pasampal sa magkabilang pisngi niya.
Dalawang lumalagitik na sampal ang pinakawalan ko sa mukha niya.
Umalingaw-ngaw ang paghaginit ng palad ko sa makapal niyang mukha.
Hayop siya! Kung ako nga hindi napapagbuhatan ng kamay ng Mama at Papa ko siya pa kaya?!
Awang ang mga labi at sapo ang magkabilang pisnging napatitig na lang siya sa'kin.
"Matagal na akong nagtitimpi sa'yong bruha ka! Ngayon kung hindi ka makatiis lumayas ka! Kayo ng anak mo! Maluwang at bukas ang pintuan! Malaya kayong makakaalis. Hindi namin kayo kailangan! Mga sampid!" napopoot na sigaw ko.
"M-Magsisisi ka!" nanginginig sa galit na sagot niya.
"Huli na para magsisi ako! Matagal ko ng pinagsisihan na pumayag akong nakasal ka sa ama ko! Kaya wag mo akong tinatakot dahil hindi ako natatakot sa'yo!" matapang na sagot ko.
Tsk. Dapat noon ko pa inilabas ang tinitipid-tipid kong pagkatigre para hindi na nakapasok sa buhay namin ang Magda na ito!
"Vanna?"
Napalingon ako ng tawagin ako ni Nana Karing.
Siya na lang ang natitirang katiwala dito sa bahay.
Bata pa lang ako nandito na siya kaya naman malapit na malapit ang loob ko sa kanya dahil halos siya na rin ang nagpalaki sa'kin.
Hindi na kasi namin kaya na magpasweldo ng maraming katulong.
Pero kahit na medyo naghirap ang pamilya namin hindi siya umalis. Hindi niya kami iniwan.
Katwiran niya kami na lang daw ang pamilya niya.
"Ano 'to Yaya?" kunot noong tanong ko ng iabot niya sa'kin ang isang puting envelope saka ko binuksan iyon.
"Ipinaabot lang nung kartero." anito.
"Fortaleza Bank?" basa ko pa dahil dun iyon galing.
Binasa ko ang kabuuan ng sulat para lang madagdagan ang init ng ulo ko.
"Bakit nakasanla na sa bangko itong rancho at villa?! Isang buwan na lang pala at makukuha na ito?!" nanggagalaiting tanong ko sa madrasta kong mangkukulam.
"Si Drake ang kausapin mo tungkol diyan." simpleng sagot nito.
"Nasaan siya?!"
"Nandiyan lang sa tabi-tabi." pairap na sagot nito at tinalikuran na ko.
"Iha." tawag sa'kin ni Nana Karing bago pa ako makalabas ng bahay para hanapin si Drake sa kung saang sulok man ng rancho!
"Ano po yun?" medyo kalmado ko ng tanong.
"Pag nakausap mo na si Drake may mahalaga akong sasabihin sa'yo." seryosong anito kaya naman
napatango na lang ako saka tuluyang lumabas.
Tsk. Mga walanghiya talaga ang mag-inang iyon!
Paano naman kaya nila napapayag si Papa na isangla ang rancho ng ganun kadali?!
Napatingin ako sa notice na hawak ko.
Fortaleza Bank.
Kung sino man ang may ari ng bangkong ito sana mapakiusapan kong makahingi ako ng extension para makagawa ako ng paraan.
Kung kinakailangan na maglumuhod ako sa may ari ng bangkong iyon gagawin ko wag lang mawala ang rancho at bahay namin na tanging naiwang alaala sa'min ng Mama ko.