Chapter 7

1407 Words
Chapter 7 Nirvanna's POV   "Step sis! Dumating ka na pala? Kiss nga muna!" salubong sa'kin ni Drake ng makita ko siya malapit sa kwadra kung saan siya itinuro ng isa sa ilang tauhan ng rancho. Nakadipa pa ang mga braso niya na animo may balak pang yakapin ako. Manyak talaga. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya at nasulyapan ko pa ang isang basyo ng bote malapit sa paanan niya. Imbes na yakap at halik, sampal ang isinalubong ko sa kanya. Nabiling ang mukha niya sa lakas ng pinakawalan kong sampal. Gulat na napamulagat siya, pagkukwa'y matalim niya akong tinitigan.  "Tang ina ano'ng problema mo?!" asik niya at akmang susunggaban pa ko pero maagap kong nakuha ang boteng malapit sa kinatatayuan niya saka ko iyon binasag sa sementadong sahig ng kwadra. Itinutok ko iyon sa mukha niya. "Subukan mong saktan ako para naman magkaroon ako ng dahilan na wasakin yang makapal na pagmumukha mo!" matigas na banta ko. "Putsa! Ano ba'ng problema mo at galit na galit ka?!" nanggagalaiti nitong tanong. "Wag mo nga akong artehan diyan na parang hindi mo alam kung ano ba'ng ipinagpuputok ng butse ko ngayon! Bakit niyo pinakialamang mag-ina itong rancho?! Ano'ng klaseng pang-uuto ang ginawa niyo kay Papa para mapapayag siyang isangla ito sa bangko?!" nagtatagis ang bagang na tanong ko. "Iyon ba?" tanong niya pabalik saka ngumisi kaya mas lalong kumulo ang dugo ko. "I'm in a deep trouble, hinahabol ako ng mga nakapustahan ko sa isang pasugalan. Masiyadong malaki ang natalo sa'kin kaya naisip ko itong rancho. Halos palubog na rin naman ito hindi ba? Mahirap ng makabangon kaya naisip ko isangla para mas mapakinabangan. Kinumbinsi ko si Mama na kausapin ang Papa mo. At yun nagpauto naman ang Papa mo. Hindi ko na kasalanan yun. Isa pa may natira pa namang pera sa pinagsanglaan, papartehan ka naman namin kaya wag ka ng magalit diyan." kampanteng sagot pa nito at dumukot ng sigarilyo sa bulsa saka nito sinindihan iyon gamit ang lighter. "Ganun na lang? Sa tingin mo pera lang talaga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito?!" "Eh kung hindi pera? Ano?" tanong pa niya sabay hithit ng yosi niya at buga pa ng usok sa mukha ko. Bastos talaga. Animal. "Yung pagiging pakialemero at walang konsiderasyon niyong mag-ina! Bakit? Sino ba kayo sa akala niyo para pakialaman ang mga bagay na naipundar ng mga magulang ko lalo na si Mama?! Baka nakakalimutan niyo mga sampid lang kayo?! Napatrouble ka kamo? Sana nagpakamatay ka na lang para mabawasan ang salot sa mundo! Hindi yung pinakikialaman mo 'tong nanahimik naming rancho!" gigil na litanya ko. "Sht!" mura niya sabay hagis ng sigarilyo niya. "Sumusobra ka na ah! Magdahan-dahan ka diyan sa pananalita mo at baka hindi kita matantiya!" bulyaw pa niya. Sarkastikong napatawa ako. Hindi niya kasi ako malapitan dahil sa nakatutok na bote sa mukha niya. "Puro ka satsat. Bakit hindi mo gawin? Bigyan mo ako ng dahilan para hindi naman ako makunsensiya kapag pinatay na kita? Ito ang tatandaan niyong mag-ina, sampid lang kayo. Hindi ako papayag na ginagawa niyo lang akong tau-tauhan sa sarili kong pamamahay. Lumugar kayo kung may natitira pang katiting na kahihiyan sa mga balat niyo!" matatag na sabi ko at tinalikuran na siya. Bwisit talaga silang mag-ina kahit kelan! Kahit na anong yumi at hinahon na meron ako nawawala kapag nandiyan sila. "May araw ka rin!" banta niya. Hindi na ko umimik pa at nilayasan na siya. Kumukulo lang talaga ang dugo ko sa mag-inang 'to! Hindi ako papayag na mawala ang Rancho Altamonte! Napagpasiyahan kong bumalik na lang ng villa para alagaan si Papa. Mabuti na lang at wala ang bruha kong madrasta! Natakot siguro kaya pansamantalang nagkanlong muna sa pugad ni Lucifer at humuhugot ng lakas. Palibhasa reyna ng dilim! "Nana Karing iyan na po ba ang pagkain ni Papa?" tanong ko sa may edad ng katulong na nakasalubong ko sa komedor pagpasok ko habang bitbit niya ang tray na may lamang pagkain. Tumango naman ito. "Ako na po ang magpapakain sa kanya." prisinta ko. Kinuha ko iyon mula sa kamay niya at akmang tatalikod na ng hawakan niya ang braso ko. "May problema po ba?" mahinahon kong tanong. "Pagkatapos mo mag-usap tayo..." Hindi ko alam pero kinabahan ako sa timbre ng boses niya. Para kasing napakaseryoso niya. Tumango na lang ako para mapuntahan si Papa. "Papa kain na po." sabi ko sa kanya pagkapanhik ko ng kwarto niya. Mabuti naman at gising siya. Umupo na ko sa gilid ng kama niya at marahan siyang ibinangon saka pinasandal sa headboard ng kama. "Hay lugaw na naman." tila maktol niya nung makita ang isusubo ko sa kanya. "Pasaway po kasi kayo kaya 'yan. Saka masarap naman to ang daming manok oh." naiiling na komento ko matapos niyang maisubo iyon. Napangiti na lang siya. "Ang prinsesa ko. Nagsusungit na naman." Natigilan ako sa sinabi niya. Matagal na rin na panahon na hindi kami nakapag-usap ng ganito. "Pa bakit pumayag kayo? Itong rancho na nga lang ang meron tayo. Pinadugas niyo pa dun sa mag-ina. Halos mag-iisang taon na palang nakasanla 'to pero hindi niyo man lang ipinaalam sa'kin?" sa halip ay masama ang loob na tanong ko. "Mapapahamak ang kapatid mong si Drake kung hindi ko ginawa yun. Pinuntahan siya dito ng mga pinagkakautangan niya at tinakot kaya hindi na ko nagdalawang isip pa na tulungan siya. Inakala ko rin na madali kong mababawi kapag nakapagbenta tayo ng mga alaga natin pero kulang pa pala sa mga iba nating utang na kailangan din nating kaagad mabayaran." Napayuko ako. Nagkabaon-baon na kasi kami talaga sa utang nung magkasakit si Mama. Halos sa ospital na kasi kami tumira ng mga panahong yun. "Kaya ito namang rancho ang napahamak? Sana pinabayaan niyo na lang siyang dumiskarte para sa sarili niya. Siya naman ang may kagagawan kung bakit siya nalagay sa sitwasiyon na yun. Bakit kelangang madamay pa tayo?" himutok ko pa rin. "Kapatid mo siya-" "Hindi ko siya kadugo kaya hindi ko siya magiging kapatid. Hinding-hindi." "Kasal kami ng nanay niya kaya dapat magturingan kayong magkapatid." "I can't. Ayoko sa kanya. Ayoko sa kanila. Hindi ko sila maituturing na pamilya kahit kailan." matigas na turan ko. "Pero Vanna anak-" "Tapos na ang usapang 'to Papa. Ako na lang muna siguro ang gagawa ng paraan para maisalba ang rancho at itong bahay, kahit na hindi ko alam kung saang kamay ng Diyos ko kukunin ang perang ipantutubos ko dito." dismayadong saad ko at tumayo na tutal tapos na rin naman siyang kumain. Dinala ko na ang pinagkainan niya paglabas ko ng silid at napabuntong hininga na lang sa kawalan. Dapat sa unang anim na buwan nakapagbayad na kami kahit na interes. Kaya pala pinadalhan na kami ng notice. Mahigit anim na buwan ng nakasangla ang rancho pero wala pa kaming naibabayad. Singkwenta mil kada anim na buwan kung hindi mababayaran o matutubos. Interes pa lang yun. Saan naman ako kukuha nun? Kahit pa siguro magpakamatay ako sa pagtatrabaho hindi ko mababayaran ang kabuuang dalawang milyon na pagkakasangla ng lupa. Hayop talaga ang Drake na yun! Kung hindi dahil sa kanya hindi ako mamroblema ng ganito! Hindi na nga namin mabawi-bawi ang ibang properties na nakawit ng bangko tapos dinagdagan pa niya? Kung tutuusin mabait pa nga ang bangko Fortaleza dahil kung sa iba yun baka naremata na. "Nana Karing ano po yung sasabihin niyong importante?" bungad ko sa matandang katulong ng makarating ako sa kusina. Tahimik na kinuha niya sa'kin ang pinagkainan ni Papa at dinala sa sink kaya naman napasunod ako. "Yaya?" untag ko dahil hindi pa rin siya nagsasalita. "Vanna anak alam ko masama magbintang pero sa tingin ko kaya mas lalong nanghihina ang papa mo dahil..." "Dahil ano po?" nakakunot noong tanong ko dahil ramdam kong nag-aatubili siya. "Dahil may kutob akong nilalason ng mag-ina ang Papa mo." "Ano?!" gilalas kong tanong. "Huminahon ka. Hindi pa naman ako sigurado. Basta nakita ko lang isang pagkakataon na parang may inihahalo sila sa pagkain ng Papa mo at pagkatapos nun bigla na lang magsusuka ang Papa mo saka makakaramdam ng panghihina." Naikuyom ko ang mga kamao ko. Humanda sila! Hahanap ako ng ebidensya para mapalayas sila dito! Kung sa salita lamang ay tiyak na hindi pasisindak ang mag-inang kampon ni Satanas at magpupumilit pa ring dito manirahan. Pero kung mapapatunayan kong may ginagawa silang masama laban sa amin tiyak na sa preso na ang tutuluyan ng mag-inang iyon! At iyon ang dapat na mangyari!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD