Chapter 5
Nirvanna's POV
Nang mga sumunod na gabing pagtatrabaho ko sa coffee shop ramdam ko sa sarili ko na parang gusto ko ulit makita si JC dahil panay ang lingon ko sa tuwing bubukas ang pintuan ng coffee shop at may pumapasok na customer para lang madismaya kapag hindi siya iyon.
Ang pilyong lalaki na hinalikan ko at sinabing kasing tamis ng kapeng itinitinda namin ang labi ko.
Napailing ako dahil parang mali naman yata na gusto ko siyang makita?
May nobyo akong tao tapos gusto ko siyang makita?
Kahit pa sabihing sulyap lang mali pa rin.
Pakiramdam ko tuloy para akong high school student na nag-aabang sa crush niya para lang makasilay kahit konti.
Teka. Crush?!
Crush ko ba ang JC na yun?
Pero bakit naman hindi?
Napakagwapo nito at matangkad pa.
Pagdating sa physical aspects walang panget kaya paanong magiging imposible na hindi ko siya maging crush?
Crush lang naman eh. Wala naman sigurong masama.
Nagkacrush ako sa stranger?
Wala akong ibang alam na info tungkol sa kanya kundi JC.
Ni hindi ko alam kung pangalan ba talaga niya yun or nickname niya?
Ah ewan. Bakit ba siya pumapasok sa utak ko?
"Nakapagreview ka na?" untag sa'kin ni Mitch habang nasa harap ako ng kaha at sinusuklian ang isang customer.
"Oo. Sa isang araw na kasi finals natin. Ikaw ba?" sagot ko matapos kong makapagsukli.
"Medyo. Dami ko kasing ginagawa eh. Nga pala pupunta ba Papa mo para sabitan ka? Congrats Magna Cumlaude ka 'te!" bulalas nito kaya napangiti naman ako.
Kaninang umaga lang kasi kinumpirma sa'kin ng Dean na magna nga ako.
"Salamat. Siyempre pupunta si Papa." alanganing sagot ko.
Magmula kasi ng mamatay ang Mama ko nagbago na ang lahat sa pagitan namin ng ama ko.
Apat na taon na ang nakararaan ng mamatay ang ina ko.
Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng maiitim ang budhi sa mundo'y siya pa itong tinamaan ng cancer.
Mabuti na nga lamang at may rancho kami at ilang negosyo na ginamit naming pangtustos para maipagamot siya.
Iyon nga lamang ay hindi rin siya naisalba.
Huli na kasi ng malaman namin ang kanyang sakit.
Ngunit kahit alam naming malubha na ang kanyang sakit ay sumugal pa rin kami para madugtungan ang buhay ng Mama ko.
Pero hindi siya pinalad na makaligtas.
Halos gumuho ang mundo namin ni Papa ng kunin siya ng may kapal sa amin.
Bukod pa roon ay nakawit ng bangko ang ilan naming negosiyo dahil nalugi iyon sa pagpapagamot namin kay Mama.
Ang rancho na lang at lupang kinatitirikan ng bahay namin ang natitira.
Kaya kinakailangan ko pang magtrabaho sa gabi para hindi ko na iasa kay Papa ang mga pangangailangan ko.
Pinipilit naming isalba ang rancho para hindi ito maisangla sa bangko at mawala sa amin.
Nandun kasi lahat ng mga alaala namin ni Mama.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit parang napakabilis palitan ni Papa si Mama.
Makalipas kasi ang mahigit isang taon ng pagkamatay ni Mama nag-asawa na ito.
Ex-girlfriend daw niya iyon nung kabataan niya.
Hindi ko gusto si Magda. Ang pangalan ng step mom ko.
Masiyadong maere ang babaeng iyon.
Kundangan nga lamang at napasubo ang ama ko.
Nakilala ko lang naman si Magda dahil nung burol ni Mama bigla na lang siyang sumulpot para damayan si Papa.
Nung mga panahong kamamatay pa lang ni Mama alak ang napagbalingan ni Papa sa sobrang lungkot.
Pakiramdam ko nung mga panahong yun hindi lang ako nawalan ng ina pati na ama dahil hindi niya kayang magpakatatag para sa'kin.
At dahil sa depression ni Papa hayun sinamantala naman ni Magda palagi niya itong niyayayang lumabas. Hanggang sa nadarang sila sanhi ng impluwensiya ng alak at nabuntis ito ni Papa. Kaya nagpakasal sila tutal matagal na ring biyuda si Magda.
Sa kasamaang palad nakunan naman ang madrasta ko at hindi pa rin ulit ito nagbubuntis ngayon.
Kung hindi lang sila kasal baka pinalayas ko na siya at ang barumbado niyang anak na saksakan ng bastos!
"Hoy. May customer." siko sa'kin ni Mitch kaya napapitlag ako mula sa malalim na pag-iisip.
"Goodevening-" natigilan ako sa pagbati ng mabungaran ko ang mukha ni JC?
Tumango naman ito at ngumiti sa'kin.
Hindi ko alam pero ramdam ko ang biglang pagtalon ng puso ko dahil sa ngiti niya.
Sinabi niya kung ano'ng order niya at yukong-yuko ako dahil nahihiya pa rin talaga ako sa kanya.
"Iyon lang po ba Sir?" tanong ko pa.
"Ah teka..." aniya saka siya bumaling sa likuran niya.
Nakita kong may magandang babaeng sumulpot.
Sa tantiya ko mas matangkad ito sa'kin.
Probably naglalaro sa 5'8" ang tangkad ng babae. Samantalang 5'5" lang ang height ko.
Kulot ang buhok nito at mestisa kaya parang buhay na manika pero mataray ang dating ng mukha.
Mukhang maldita.
"Oy pasaway ano sa'yo?" tanong ni JC sa kasamang babae saka ito inakbayan.
Tsk. Girlfriend niya?
"Frapuccino. Makapasaway ka diyan!" sagot ng babae at inirapan pa ito.
"Pasaway ka naman talaga." tatawa-tawang ani JC dito at ginulo pa ang buhok ng babae.
Ang sweet naman niyang boyfriend.
"James Carlo! Tantanan mo nga ang kulot at maganda kong buhok na kasing ganda ko." asik ng babae rito.
James Carlo? Iyon ang buong pangalan niya?
"Oo na Marli maganda ka na." naiiling na sagot ni JC dito.
Ang cute nilang magkulitan.
Pero taken na pala siya? Tsk.
"S-Sir here's your order." singit ko at iniabot kaagad iyong ginawa ni Mitch.
Inabutan naman niya ako ng pera.
"Keep the changed." kindat niya sa'kin saka sila tumalikod ng kasama niya.
"Ang gwapo niya 'no?" ani Mitch ng makaalis ang dalawa.
"Yeah. Bagay sila ng girlfriend niya." walang ganang sagot ko.
"Sus paano mo naman nasabing girlfriend niya yun? Eh parang magkapatid kung magharutan." kontra nito.
"Di ba sabi mo nga gwapo siya? Eh sa gwapo ba naman niyang yun sa tingin mo mawawalan siya ng girlfriend?" tanong ko.
Napatango-tango naman ito.
"Kunsabagay. O teka bakit nakabusangot ka diyan?" puna niya.
"Ha?" litong tanong ko dahil hindi ko alam na nakabusangot na pala ako.
"Crush mo si Sir ano? At nanghihinayang ka kasi taken na siya." nakangising pang-aasar niya saka sinundot-sundot pa ang pisngi ko.