bc

Sweet Surrender To Stranger

book_age16+
2.2K
FOLLOW
7.2K
READ
fated
pregnant
goodgirl
confident
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

Nagsimula sa halik na sinundan ng tagpong mapang-akit matapos kaya sa Pag-Ibig na hitik?

Nirvanna Altamonte konserbatibong babae kaya naman ng pagtaksilan siya ng nobyo dahil hindi siya nito makuha ay isinumpa niya ritong ibibigay niya ang pinakaaasam nito sa kahit na sinong lalakeng makasalubong niya. Nagdilang anghel sya, lalakeng mukhang anghel nga ang nakasalubong niya. Mapanindigan kaya niya ang banta sa nobyo makaganti lang rito? Would she surrender herself to a total stranger?

James Carlo Fortaleza Story- BrateLeza Series #4

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 James Carlo's POV "Oh JC napasiyal ka? Pasok." nakangiting bungad sa akin ni Samantha ng mapagbuksan niya ako ng pinto. Asawa siya ng pinsan kong si Gian Lee. Pinsan na best friend ko pa si Gian. Ang pinsan kong topakin haha. Mas matanda pa ako mag-isip sa kanya eh. Haha. "Gusto mo ng miryenda?" alok pa niya ng makapasok ako. "Sige. Blooming ka ah? Hiyang ka kay Gian?" nang-aasar na tanong ko na ikinapula ng mukha niya. "Sira ka talaga. Puro ka kalokohan!" hampas niya sa braso ko na ikinatawa ko. Sanay na rin naman kasi siya sa kalokohan at pang-aasar ko. Ganun kasi talaga ako. "Sige na dun ka na sa veranda andun si Gian pinapakain si Gavin. Dadalhin ko na lang miryenda mo." tulak pa niya sa akin kaya nagdiretso na akong veranda. Nakita ko si Gian na pinapakain nga ang panganay nilang anak na lalake na si Gavin Shaun habang nakaupo ito sa high chair. "Kain na ang baby ko. Masarap 'to. Hmm yum yum yum!" dinig kong malambing na kausap ni Gian sa dalawang taong gulang na anak habang nakaupo naman siya sa isang silya saka nito itinapat ang maliit na kutsara sa bibig ni Gavin. Mukhang hindi pa niya namamalayan ang pagdating ko. "Papadadada! Babada!" magulong salita ni Gavin at inagaw ang kutsara sa ama saka iniwagwag iyon. Nagtalsikan tuloy ang pagkain mula sa kutsara na tumama naman sa mukha ni Gian. "Hahaha! Tatay na tatay ah!" hindi ko na maiwasang mapahagalpak ng tawa dahil sa kapilyuhan ng pamangkin ko. Napalingon tuloy sa gawi ko si Gian at sinamaan ako ng tingin. "Sige tumawa ka pa!" sarkastikong sabi niya saka kumuha ng tissue at ipinunas sa mukha niyang natalsikan ng pagkain ng bata. Mas nakakatawa kasi humagikhik rin ng tawa si Gavin sa ginawa niya sa ama niya. "Sige na naman baby boy. Kain ka na please? Ginawa `to ni Papa." muling malambing na kausap niya sa anak at itinapat ang kutsara dito. Mukhang naintindihan naman ni Gavin iyon at tinanggap na nito ang isinusubo ng ama. Napangiti kami parehas ni Gian dahil dun. Ang cute ni Gavin. Kahit ang taba halatang nakuha niya sa angkan ng mga Fortaleza ang kagwapuhan. Well don`t get me wrong maganda si Samantha pero yung features ni Gavin sa angkan talaga namin nakuha. Fortaleza! Para silang pinagbiyak na bunga ni Gian eh. "Very good." ngiting-ngiting ani Gian kay Gavin at hinalikan pa ito sa pisngi at noo. "O ano't naparito ka?" baling niya sa'kin. "Tara gimik tayo. Nag-aaya sina Travis mamaya raw sa bar. Daming chicks." nakangising sagot ko at kumuha ng upuan saka umupo sa tabi ni Gavin. "Ulol! Ikaw na lang. Dedemonyohin mo pa ko eh ang ganda-ganda ng misis ko!" gusamot ang mukhang sagot niya sa akin habang sinusubuan pa rin si Gavin. Hinaplos ko ang ulo ng pamangkin ko at tumingin naman ito sa'kin. "Ito! Ito!" tawag nito sa'kin kaya napangiti ako. Bulol siya eh. Kaya imbes na Tito. Ito! Haha. "Wow astig. Loyal na loyal kay kumander." nang-aasar na buska ko. "Talaga!" halatang proud na sagot niya. Grabe naging under de saya na talaga 'tong pinsan ko. Dati-rati halos siya pa ang kumakaladkad sa'kin sa mga kalokohan nung binata pa siya kapag ganitong weekend. Pero ngayon ito na siya. Ang laki na talaga ng ipinagbago! Parang tumino siya ng sampung beses kesa dati. Akalain niyong napakainitin ng ulo niya dati pero ngayon nag-iintindi na siya ng makulit na baby! Routine niya trabaho, bahay. Bahay trabaho na malayo sa dati niyang gawain. Hindi naman siya pinagbabawalan ni Samantha at paminsan-minsan sumasama pa rin siya sa amin pero saglit lang at madalang na talaga. Maswerte na kung makalampas siya ng isang oras kapag gumigimik siya kasama kami pagkatapos nun nagmamadali na siyang umuwi. Ganun yata talaga kapag may asawa at pamilya na. Nag-iiba na ng priorities. "Meryenda muna kayo." biglang dating ni Samantha na may bitbit na tray. Tumayo si Gian at kinuha kay Samantha ang tray saka inilapag sa lamesang nandun. "Kumain ka na baby?" masuyong tanong ni Gian dito at hinalikan pa ito sa noo. At grabe lang din kasi naging sweet na siya. Dati rati mga babae ang lumilingkis sa kanya at naiirita pa siya kapag masiyadong clingy ang babae, pero ngayon naman siya na ang wagas pumulupot. "Busog pa ko. Meryenda na muna kayo ni JC ako na ang magpapakain kay Gavin." nakangiting sagot ni Sam dito. Nagkwentuhan lang kami habang nagmimeryenda pero pagkalipas ng ilang saglit nagpaalam na ko ng maramdaman kong hindi ko na talaga mapipilit pa si Gian. "Una na ko. Bye." paalam ko sa kanila. "Bye baby Gavin." paalam ko sa bata at humalik pa sa noo nito. "Sige enjoy." ani Gian at nakipagfist bump na sa'kin. "Ikaw ayaw mo rin ba talagang mag-enjoy?" nakangising tanong ko pa. "Ulol! Enjoy na ko dito kay kumander at sa anak ko! Umalis ka na nga." taboy niya sa'kin kaya naman natawa na ko. Unusual Gian Lee. Ganun din talaga siguro kapag in love. Kuntento na basta kasama ang mahal mo. Pero ano ba namang alam ko? Hindi ko pa naman nararanasan mainlove talaga sa edad kong bente tres. "Bye Sam. Thank you sa miryenda." paalam ko at akmang hahalik sa pisngi nito ng harangan ng palad ni Gian ang mukha ko at marahang itinulak palayo. "Pare naman walang malisya!" protesta ko. "Unggoy! m******s ka kaya imposibleng walang malisya! Layas na." Natawa tuloy si Samantha sa pagkaseloso ng pinsan kong topakin. Napailing na lang ako at lumabas na ng bahay nila. "JC!" napalingon ako ng marinig ang pagtawag sa'kin matapos kong lumabas ng gate ng bahay nila Gian. "O bakit?" tanong ko sa mga pinsan kong kambal na kasing edaran ko lang. Sina Marli at Margi na kapatid ni Gian. Magkakapit-bahay lang naman kasi kami. Iisang compound. Itong dalawa kasama pa rin nina Tito Gino at Tita Lia sa bahay. Si Gian lang ang bukod kasi nga may asawa na pero at least dito pa rin sila sa compound. "Gigimik kayo? Pasabit kami!" sagot ni Margi kaya kumunot ang noo ko. "Ano pasahero lang ng jeep? Sasabit?" pamimilosopo ko. "Baliw! Hina ng pick-up hindi naman bobo. Pasama kasi!" pangungulit at pagtataray ni Marli. Haha kamukhang-kamukha talaga sila ni Tita Lia lalo na kapag naiinis. Manang-mana lang sa pinagmanahan. "Bawal. All boys yun." sagot ko at naglakad na papunta sa kotse ko na ipinarada ko kanina sa harap ng bahay nina Gian. Hindi na ko nagtataka kung paano nila nalaman tuwing weekends naman kasi gimik ang inaatupag ko. "Eh ano kung all boys? May batas ba na nagsasabi na bawal makisama kapag all boys?" salo ni Margi. Ay nako pagtutulungan na naman ako ng dalawang bratinela na 'to kaya kelangan tumawag na ko ng back-up! "Gian! Gian tingnan mo 'tong mga pasaway na kapatid mo-" natigil ako sa pagtawag ng sabay akong hampasin ng dalawa. "Masakit ah!" reklamo ko habang himas ko ang magkabila kong braso na hinampas nila. "Sumbungero mo kasi!" talak ni Margi. "Eh hindi kasi fair. Two against one?" tatawa-tawang hirit ko. Maliban sa mga magulang nila kapag si Gian na ang nanaway, nagpapasaway sila. Minsan kasi hindi sila nakikinig sa'kin dahil magkakasing-edaran lang kami. "Sama na kasi kami please?" pagpapacute pa ni Marli na akala mo harmless na tuta. "Sigurado ka bang gusto mo talagang sumama? Nandun si Travis..." nakangisi ng sabi ko. Awtomatikong napasimangot si Marli pagkarinig sa pangalan na binanggit ko. Bwisit kasi siya kay Travis na tropa rin namin ni Gian. Mga bata pa lang kami hilig na siyang asarin ni Travis kaya naman bwisit na bwisit siya rito. Sa tantiya ko nga nahihiya lang si Travis na diskartehan si Marli dahil kay Gian. Kundangan ba naman kasi ang ugok na Travis yun, bulok ang diskarte. Halata namang may tama kay Marli inaasar-asar pa. Bawas points kaya pag ganun. "Tara na nga Margi! Magmall na lang tayo. Pangit naman talaga sa bar eh. Mausok!" ani Marli sa kambal. "Eh pero-" tututol pa sana si Margi pero hinatak na siya nito. Napangiti ako. Mukhang allergic nga talaga si Marli kay Travis. Narinig lang ang pangalan umatras na! "Bye Girls!" paalam ko. "Tse!" sabay nilang sigaw kaya napailing na lang ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.0K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook