Chapter 3

1477 Words
Chapter 3 Nirvanna's POV   Panay ang tahip ng dibdib ko habang lumalakad ng mabilis para makalayo doon sa lalakeng bigla ko na lang sinunggaban ng halik sa counter ng bar kung nasaan ako ngayon! Pakiramdam ko nawala ang kalasingan ko ng masayaran ng mga labi niya ang labi ko. Ni hindi ko siya kilala at lalong hindi ko alam ang pangalan niya pero ginawa ko iyon. Ang natatandaan ko lang sa hiyawan ng mga lalakeng kasama niya sa counter isang malutong na "Iba ka talaga JC!" JC nga kaya ang pangalan ng gwapong lalakeng hinalikan ko? Gwapo naman talaga. Ang amo ng mukha. Parang anghel sa kagwapuhan! Speaking of anghel... Patawarin ako ng mahabagin sa langit sa pagiging malaswa ko ngayong gabing ito! Counted kaya iyon para matawag na imoral? Pakiramdam ko tuloy wala akong delikadesa at hindi na naiba sa mga modernong babae rito sa Maynila. Kung nabubuhay pa siguro ang Mama ko baka nakurot na ako sa singit dahil sa kalandiang nagawa ko! Sukat nakipaghalikan ako sa isang estranghero at ako pa mismo ang sumunggab! Nakakahiya talaga! Pasimpleng lumingon-lingon pa ako sa likuran ko dahil baka nasundan niya ako. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya kapag nagkataon. Baka nga tumatakbo na sa isip nito ngayon na pakawala ako at isang mababang uri ng babae na hindi naman totoo. Napagtripan lang ako at pumayag naman akong pagtripan ako dahil sa pangangailangan ko. Pero bakit ko pa nga ba iisipin iyon kung hindi na naman kami magkikita pa? At sisiguruhin ko iyon dahil wala talaga akong mukhang ihaharap sa kanya. "N-Nagawa ko na. Nakita mo naman di ba?" sabi ko sa pinsan kong si Paula ng makalapit ako sa table na inuokopa niya at ng mga kabarkada niya na malayo sa bar counter kung saan nakapwesto ang lalakeng hinalikan ko. "Oo naman. Ang linaw ng kuha niyo eh. Thanks to my HD camera na kahit dim ang ilaw kuhang-kuha pa rin ang mainit na eksena niyo. Job well done my dear cousin!" nakangising sagot nito at sabay pakita sa'kin ng mga litratong nakuhanan nito sa camera nito na ikinalaki ng mga mata ko. Nandun nga ang litrato namin ng estrangherong hinalikan ko! Kitang-kita ang kalokohang ginawa ko. "B-Bakit kinunan mo pa? Paano kung kumalat 'yan?! Ginawa ko na nga yung gusto mo tapos kukunan mo pa ng litrato?" hindi maiwasang makaramdam ng inis na tanong ko. Umangat ang kilay ni Paula at umasim ang mukha saka niya ako itinulak sa balikat. "Baka nakakalimutan mo ikaw ang humihingi ng pabor dito? Kaya wag na wag mo kong pagtataasan ng boses!" asik nito kaya napayuko ako. Ito talaga ang mahirap kapag nanghihingi ka ng tulong tapos may pagkaugaling hudas naman ang nilalapitan ko. "P-Pasensiya ka na. Ayoko lang naman kasing kumalat iyan baka magalit sa'kin si Nick kapag nakita yan at kung anong isipin kaya sana burahin mo na." mababa na ang tonong sabi ko sa pangambang baka hindi niya ako tulungan. Sayang naman ang kahihiyang inabot ko pag nagkataon. "Whatever!" irap nito at may kinuha sa mamahaling bag niya. Sa totoo lang hindi ko talaga kasundo ang pinsan kong ito. Masiyado itong mapagmataas na akala mo kayang-kaya niya ang lahat ng tao sa paligid niya. Kung hindi lang talaga ako gipit hinding-hindi ako lalapit sa kanya! Baon na kasi kami sa utang kaya hindi ko na maiasa sa ama ko ang alam ko namang kaya kong solusiyonan. Si Paula na lamang kasi ang nag-iisang kamag-anak ko rito sa Maynila kaya siya ang tinakbuhan ko. Hindi ko alam kung saan siya nagmana samantalang ang bait naman ng Mama niya na tiyahin ko. Kung nandito lamang si Tita Astrid hindi ako rito sa anak niya lalapit! Sa America na kasi nakabased ang parents ni Paula kaya wala talaga akong pagpipilian kundi sa kanya lumapit. Sa tingin ko kaya ayaw sumunod ni Paula sa mga magulang niya sa America dahil hindi niya magagawa ang mga kalokohan niya. Kagaya ng pagbubulakbol, pagbabarkada at kung anu-ano pa! "O hayan. Lumayas ka na sa harapan ko at sinisira mo ang gabi ko!" Napapitlag ako ng ihagis mismo ni Paula sa harapan ko ang ilang piraso ng lilibuhing pera na kailangan ko. At dahil hindi ako handa tumapon ang mga yun sa lapag malapit sa paanan ko. Kitang-kita ko ang pagngisi ng mga kasamahan niya na tulad rin niyang maldita! Nanginginig na pinagpupulot ko ang perang kailangan ko. Pakiramdam ko ng mga oras na yun daig ko pa ang isang busabos na nililimusan. Lumunok ako at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Palibhasa alam ng Paula na ito na siya lang ang makakatulong sa akin kaya kinakaya-kaya niya ako! Mga bata pa lang kami ay hindi ko na talaga kasundo ang bruhildang ito. Palaging mainit ang dugo niya sa'kin kahit na hindi ko naman siya inaano! "S-Sige salamat. Babayaran ko rin 'to kapag sumuweldo ako." sabi ko ng mapulot lahat iyon. Mas pinili ko pa ring magpakahinahon kahit na gusto ko siyang sabunutan! Pero kahit naman kasi saan ko tingnan ako ang nanghihingi ng tulong kaya ako ang kailangang yumuko at magpakumbaba. Tinulungan pa rin naman niya ako kahit ganito siya makitungo sa akin kaya marapat lamang na magtimpi ako at wag siyang patulan. "Natural. Alangan namang hindi mo bayaran 'yan? Makapal na lang ang mukha mo 'pag ganun. Right girls?" nakangising sagot nito na ang kinakausap ay ang mga kampon niya na nagtawanan lang naman. "S-Sige alis na ko. Salamat uli." paalam ko at iniwan na sila. Mabibilis ang mga hakbang na ginawa ko para makalabas na ng bar na iyon dahil may duty pa ako sa isang coffee shop na malapit sa bar na ito. Walking distance lang ang layo kaya hindi ko na kailangang mamasahe. Katatanggap ko lang sa nasabing coffee shop kaya ayokong malate. Nakakahiya rin kung iaadvanced ko ang suswelduhin ko gayung bago pa lamang ako. Pagdating ko sa coffee shop na pinapasukan ko dumiretso ako ng maliit na locker room at hinubad ko kaagad ang dress ko at nagpalit kaagad ako ng uniform na isinusuot ng mga nagtatrabaho rito. Naisuot ko pa tuloy ang dress ko dahil may dress code dun sa high end bar na pinuntahan ko.  Saka ako dumiretso sa counter kung nasaan ang kaha. "O ano'ng nangyari sa lakad mo?" usisa sa'kin ni Mitch na kaklase ko at siya rin ang nagrekomenda sa'kin para pumasok ako dito. Close ko rin siya kaya may alam siya sa pinagdaraanan ko. Part time lang naman 'tong trabaho ko bilang cashier. Pumapasok ako sa umaga at pagkatapos ng klase diresto ako dito. Sayang kasi ang kita pandagdag din para makasapat sa mga gastusin ko. "Maayos naman kaya lang pinagtripan ako ni Paula eh." kwento ko habang pinupunasan ang mga kagamitan sa coffee shop habang wala pang masiyadong tao. Napailing lang ito sa sinabi ko. "Sa maldita ba naman ng bruhang Paula na 'yun. Malamang may kapalit ang pagtulong niya sa'yo. Paano mo ba naging pinsan yun? Ang layo naman ng ugali niya sa'yo!" naiiling na anito habang iniayos ang buhok niya saka isinuot ang sumbrero niya na may pangalan ng coffee shop na pinapasukan namin. Kilala rin niya kasi si Paula. Iisa lang naman ang university na pinapasukan namin ng pinsan ko. Paula is popular and known as the Queen B of the campus. Queen b***h. "Hayaan mo na. Pinagpapasensiyahan ko na nga lang siya. Saka ito na rin naman ang una at huling beses na lalapit ako sa kanya. Nagipit lang talaga ako kaya lumapit ako sa kanya." naiiling na sabi ko. "Pasensiya ka na Vanna ah. Kung may datung lang talaga ako hindi ka na lalapit pa sa bruhang iyon!" palatak niya kaya naman pabiro ko siyang hinampas. Vanna tawag niya sa'kin short for Nirvanna. "Ano ka ba! Hindi mo ako kargo 'no. Wag mo nga akong problemahin. Alam ko namang gipit ka rin eh." natatawang sabi ko. Mag-isa na lang kasi sa buhay si Mitch kaya todo kayod rin talaga siya para makapagtapos. Masuwerte pa nga ako dahil nandiyan ang Papa ko. "True! Hays ang hirap talaga ng buhay! Buti na lang gagraduate na tayo!" "Tumpak! Apir!" tawa ko at nakipag-apir nga siya sa'kin. Kumukuha ako ng kursong business management. "Oh teka ano nga palang klaseng pantitrip ang ginawa sa'yo ng Paula na 'yun?" tanong pa niya habang ako naman ang nag-aayos ng buhok at isinusuot ko ang cap ko. "N-Naku. Wag mo ng alamin. At sa sobrang kahihiyan ko baka pati sayo wala akong mukhang maiharap!" palatak ko habang ramdam na ramdam ko ang biglang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil biglang nagflash back sa utak ko ang gwapong mukha ng lalakeng hinalikan ko. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami naman ng lalake dun sa bar ay siya pa ang hinalikan ko? Siguro dahil gwapo siya? Pero napansin ko gwapo rin naman ang mga kasama niya. Siguro dahil kakaiba ang dating niya sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD