Chapter 4

1320 Words
Chapter 4 Ngayon ko lang kasi naranasan mahalikan sa ganung paraan. Iyong tipong dinadala niya ako sa kung saan sa bawat hagod ng labi niya. Kahit nga ang boyfriend ko hindi ko pinapayagang lumalim ng ganun ang halik dahil ayokong humantong kami sa kung saan hangga't hindi pa kami naikakasal. Kung minsan pinagtatalunan namin ang bagay na iyon. Pakakasalan naman daw niya ako pero nagmamatigas ako na hindi namin pwede gawin ang bagay na ginagawa ng mag-asawa. Against ako sa pre-marital se.x. "Ay madaya! Kwento na. Promise hindi kita tatawanan! Dali na please?" pangungulit niya kaya napabuntong hininga na lang ako. Alam ko kung gaano kakulit si Mitch kaya naman napilitan na akong magkwento dahil alam ko rin namang hindi niya ako tatantanan. "I-Inutusan ako ni Paula na manghalik." panimula ko. "Gosh! Ginawa mo ba?" tanong pa niya. "O-Oo. Hindi niya ako tutulungan kapag hindi ko siya sinunod eh." nahihiyang sagot ko. "Naku lagot ka kay Nick!" palatak niya na ang tinutukoy ay ang boyfriend kong nasa Baguio kung saan din ako nagmula. Nagkikita lang kami tuwing sembreak kapag umuuwi ako doon. Mas matanda siya sa'kin ng tatlong taon at negosiyo ang pinagkakaabalahan niya. Ayoko namang manghiram sa kanya dahil ayokong mahaluan ng pera ang relasiyon namin. Isang taon ko na rin siyang nobyo at kababata ko rin siya. Last sem ko na ngayong taon at gagraduate na ko. Kung kelan naman huling taon ko na saka pa ako nagkagipit-gipit kaya napilitan akong humiram ng pera pangtuition kay Paula at sumunod sa utos niya kahit na labag naman talaga sa loob ko. Bukod doon pinashot din niya ako ng ilang beses gayong alam na alam naman niyang hindi ako umiinom! Medyo hilo pa nga ako dahil sa pinainom sa'kin ni Paula. May nakapagsabi kasi sa'kin na isang kaklase ni Paula na dun nga raw sa bar na iyon ito naglalagi after class kaya naman pinuntahan ko at tama nga naman hanggang sa mapagtripan ako kapalit ng tulong niya. Pero sa tingin ko nakatulong din sa'kin ang alak para magawa ko ang ipinapagawa niya. "H-Hindi naman siguro ako isusumbong ni Paula. Tutal siya naman ang nagpagawa nun sa'kin." nasabi ko na lang. Kahit ang totoo'y medyo kinakabahan ako dahil sa pagkuha niya ng litrato habang kahalikan ko ang gwapong lalakeng estranghero. Ni hindi ko rin sigurado kung binura ba ng maldita kong pinsan ang litrato! Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng pwede niyang ipag-utos at pagkatuwaang ipagawa sa'kin ay iyon pang manghalik! Marahil ay alam niya kung gaano ako kakonserbatibo kaya iyon ang ipinagawa niya para mahirapan ako. Hindi man niya sabihi'y ramdam ko namang gustong-gusto niya talagang mahirapan ako. "Ewan ko. Alam naman natin kung gaano kasama ang ugali ng pinsan mong 'yan. Basta sa susunod mag-ingat ka na lang sa kanya." paalala niya kaya napatango na lang ako. Natigil lang kami sa pagkukwentuhan ng may mga lalakeng pumasok. Limang matatangkad at mga naggagwapuhang lalake. Maiingay ang mga ito kaya napapatingin tuloy ang ilang customer na nasa loob. Automatic na naggreet kami pero awtomatiko ring nataranta ako ng mamukhaan ang isa sa kanila. Ito ang  kasamahan nung lalakeng hinalikan ko! Patay na! Nandito rin kaya siya?! Halos manlaki ang mga mata ko ng huling pumasok iyong lalakeng hinalikan ko. May nakatapat na cellphone sa tenga nito na halatang may kinakausap. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano siya katangkad. Sa tantiya ko nasa anim na talampakan ang taas niya. Umupo kaagad ang mga ito sa isang lamesa. "Ako na naman ang oorder? Mga bwiset." dinig kong sabi nung isang lalake dahil malapit lang naman ang table nila sa counter at tumayo na ito. "Ikaw mas matanda Travis eh. Dali na hilong-hilo lang talaga kami." sagot dito ng isang kasama nila. "Ulol! Makamatanda ka diyan akala mo kung sino kang gwapo eh amoy lupa ka naman! Akina mga pera niyo." sagot nung Travis. Lumapit ito sa counter at nag-order na nga. Gwapo at matangkad rin iyong Travis na umorder sa'kin. Yumuko na lang ako habang nagbabayad siya sa'kin dahil ako ang nakatoka sa cashier samantalang si Mitch naman ang nagserve sa kanila. Mabuti na lang at mukhang makakalusot ako dahil hindi ako ang nagserve kaya hindi ako mamumukhaan. Ang gaga ko naman kasi! Bakit ko nga ba hindi naisip na kapag tipsy na ang mga tao mula sa alak natural kape ang hahanapin ng mga ito kaya nga dito nagpatayo ng coffee shop ang boss namin kasi nga malapit lang sa bar. Kaya parang imposible na maiwasan ko ang lalakeng hinalikan ko. "Vanna ikaw muna dito asikasuhin ko lang yung deliveries dumating na eh." ani Mitch eksaktong tapos na siyang magserve dun sa mga lalake saka siya nagtungong stock room para asikasuhin iyong nagdedeliver ng mga stock ng coffee shop kaya ako lang ang crew na naiwan sa loob. At dahil wala naman masiyadong tao lumapit ako sa isang lamesa para linisin ang kalat na naiwan ng mga customer na umalis. Dinig na dinig ko ang maiingay na kwentuhan nung mga lalake. Busy ako sa pagpupunas ng mesa ng may magsalita sa likuran ko. "Miss?" Nanigas ako at napatigil sa ginagawa ko ng marinig ko ang pamilyar at baritonong boses na iyon. Alam ko ito iyong lalakeng hinalikan ko kanina! Huminga ako ng malalim saka ko pasimpleng inayos ang cap ko pababa sa mukha ko at humarap na ako sa kanya. "Y-Yes Sir?" pigil ang pagkautal na tanong ko habang nakayuko. "Magtetake out sana ako wala namang tao sa counter?" aniya. "P-Pasensiya na po. Halina po kayo." sabi kong nakayuko pa rin at dumiretso papuntang counter. "Two mocha frapp and blueberry cheesecake." sabi niya nung makarating kami sa counter. "Coming up." sagot ko at tumalikod na saka ginawa ang order niya. Hindi ko alam kung nakatitig ba siya sa'kin o ano! Natataranta na ko! Makalipas ang ilang saglit natapos ko na rin ang order niya! Mabuti na lang naturuan din ako ni Mitch. "Enjoy. Thank you for coming and come again." sabi ko nung iniabot ko yung order niya. "Miss ganyan ka talaga sa customer? Nakayukong mag-assist?" tanong niya na ikinabigla ko. Patay na! Hindi naman galit ang tono niya parang nagtataka lang. "P-Pasensiya na Sir may stiff neck po kasi ako." pagdadahilan ko habang nakayuko ko pa ring iniabot ang bayad niya. Para akong nakuryente ng sumayad ang dulo ng daliri ko sa daliri niya ng kunin ko ang bayad niya. Lumapit ako sa kaha pero nagulat ako ng sumunod siya saka siya dumukwang at yumuko sa harapan ng mukha ko. Halos wala na tuloy pagitan ang mukha ko at mukha niya. Lumakas tuloy ang kabog ng dibdib ko. Napakagwapo talaga niya. Mas gwapo pa siya kay Nick na nobyo ko. Napaatras ako sa gulat kaya umangat na tuloy ang tingin ko sa kanya. Napangisi naman siya at napapitik pa sa hangin. "I knew it. It's you. Ikaw yung magandang binibini. Nagtatrabaho ka pala dito?" malumanay na sabi niya habang nakangiti at matiim na nakatitig sa'kin. Napalunok ako. Namukhaan niya ako! At tinawag niya kong magandang binibini? "S-Sir ano kasi..." hindi ako magkandatuto kung ano ba'ng sasabihin ko! "Wag ka mag-alala hindi ako galit sa ginawa mo. Nag-enjoy nga ako." aniya na ikinagulat ko. Naenjoy niya yung kiss?! "Hoy JC! Nambabae ka na naman pati inosenteng crew dinidiskartehan mo pa. Tara na! " Napalingon si JC sa mga kasamahan nitong palabas na ng coffee shop. "Tsk. Susunod ako." sagot nito sa kasama. "O paano i'll go ahead. See you around binibini." paalam pa niya nung bumaling ulit sa'kin saka siya tumalikod at hindi na ko nakasagot pa dahil umurong na ang dila ko! Pero bago pa siya makalabas sa glass door ng coffee shop lumingon ulit siya sa gawi ko. "By the way your coffee is great it has the same taste of your...lips. Matamis."  pilyong kindat pa niya sa'kin at tuluyan ng lumabas. Naiwan akong nakatanga. Ano raw?! Same taste? Matamis ang labi ko?! Nakakaloka naman siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD