Chapter 2

958 Words
"Pare payuhan mo nga 'yan. Kanina pa nagmumukmok." tapik sa'kin ni Travis habang nasa counter kami ng bar matapos kong lagukin ang vodka ko. "Nabasted lang eh. Hanap ka na lang ulit Bryle." natatawang tapik ko naman sa balikat ng nakalugmok kong kabarkada na nabasted lang naman! Lasing na lasing na nga ito. "Ang shakit eh. Putsa siya pa lang nakagawa sa'kin nun. Sinupalpal ako mga pare!" pilipit na ang dilang sagot nito matapos tumunghay saka ulit dumukmo sa counter. Wala na 'to. "Baka mali diskarte mo? Parang itong si Travis kunwari pipikunin yung babae pero wag ka nagpapapansin lang naman pala." naiiling na sabi ko at lagok ulit. Hindi naman ako lasenggo kapag ramdam ko ng hindi ko na kaya tumitigil na ako. "O bakit pati ako nadamay?" palag ni Travis. "Totoo naman ah? Kung hindi ko pa alam trip mo naman talaga si Marli pero sorry ka na lang tsong dadaan ka muna sa mga kamay namin ni Gian." nakangising sagot ko. Parang kapatid na rin kasi ang turing ko sa dalawang yun. "Wala akong gusto sa isip bata na yun. Saka kung makapagsalita ka naman parang eksperto ka na sa babae?" kastigo niya. "Wala akong sinabing expert ako. Ang sinasabi ko lang baka mali kayo dumiskarte." paliwanag ko. "Bakit bro paano ka ba dumiskarte?" tanong ni Chris isa sa barkada. Napangisi ako. "Ang pagdiskarte sa babae parang paggamit lang ng baril. Kalabitin mo muna saka mo paputukan!" Naghagalpakan ng tawa ang mga ito dahil sa naging sagot ko. Yeah. Alam ko may tama na ako. Medyo madulas na kasi ang dila ko at may halo ng kalaswaan. "Sayang nalagasan na tayo ng isa." tatawa-tawa pa ring sabi ni Travis na ang tinutukoy ay si Gian dahil nga hindi na ito masiyadong nakakasama sa amin. Mas gusto pa kasi nitong mag-alaga ng baby at lambingin ang asawang si Samantha na tama lang naman. Kung nandito lang si Gian malamang ko ba mas bastos pa ang bunganga nun sa'kin pag nalasing. Numero unong m******s yun eh. Sunod na ako. Haha. "Ganun talaga. Sumunod ka na kaya?" kantiyaw ko kay Travis dahil magkasing tanda lang naman sila ni Gian kaya marrying age na rin siya. "Ulol. Ang saya-saya maging binata eh." salag niya. "Ows? Ilang taon na lang mawawala ka na sa kalendaryo. Matandang binata na ang magiging tawag sa'yo pag nagkataon. Hindi masaya yun." pang-aasar ko pa rin. "Tado!" batok niya sa'kin na ginantihan ko rin. "Ehem." napatigil kami ng may tumikhim. Napalingon tuloy kami at nakita ang isang babaeng nakatayo sa tapat ko. "Yes?" magalang na tanong ko. Napatitig ako sa babae. Kahit na hindi ganun kaliwanag ang ilaw dito sa bar napansin ko kaagad na maganda siya. Balingkinitan ito at tama lang ang taas. Sa tantiya ko nasa limang talampakan at limang pulgada ang tangkad niya. Simple lang siyang manamit hindi kagaya ng ibang babae dito na halos wala na ring saplot sa sobrang moderno manamit. Nakasimpleng dress siya na pinarisan niya ng flat shoes. Mahaba ang nakalugay at unat niyang buhok. May matangos na ilong, makipot na labi at mapupungay na mga mata. "Hmm kasi..." halatang kinakabahan na aniya. "Kasi ano?" kunot noong tanong ko ng hindi niya maituloy ang anumang sasabihin niya. Imbes na sumagot siya mas humakbang siya palapit sa'kin. "K-Katuwaan lang walang personalan..." tila nanginginig na aniya at hindi pa naman ako nakakahuma ng bigla niya akong halikan. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi naman ito ang unang beses na nahalikan ako ng babae pero iba sa pakiramdam ko ang pagkakalapat ng malambot at mainit niyang mga labi sa akin. Dinig na dinig ko ang malakas na hiyawan ng mga kabarkada ko dahil sa ginawa ng babae sa'kin. "Iba ka talaga JC!" kantiyaw nila. Napansin kong hindi naman gumagalaw ang labi ng babae at nakalapat lang ito sa labi ko. Mukhang hindi marunong 'to ah? Bakit nakikipaglaro siya ng hindi niya alam kung ano'ng pinapasok niya? Napangisi ako sa ibabaw ng labi niya saka ko siya walang babalang hinapit sa bewang niya habang nakaupo pa rin ako sa stool. Ipinaranas ko sa kanya ang totoong halik. Mas lumakas ang hiyawan ng mga gagong kabarkada ko. Maingat kong kinagat ang ibabang labi ng estrangherang kahalikan ko dahilan para mapaawang ang mga labi niya. Sinamantala ko iyon at ipinasok ang dila ko saka ko hinagip ang dila niya. "Hmm." daing niya at napakapit pa sa balikat ko. Ilang saglit pa parang nawala na sa pandinig ko ang malakas na hiyawan ng mga barkada ko pati na ang malakas na sound system ng bar. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na pagkalampag ng puso ko ng magsimula siyang tugunin ang halik ko. Weird. Ngayon lang ako nagkaganito. Nagulat na lang ako ng kumalas siya sa yakap ko at parang awtomatiko ring bumalik sa normal ang pandinig ko. Ang hiyawan ng barkada ko pati na ang maingay at maharot na tugtog dito sa bar. "A-Ah sige salamat At saka pasensiya na rin Ginoo." halatang natatarantang anang babae at tumalikod na kaya napatayo ako. "Teka saglit!" habol ko at hagip sa kamay niya. "Anong pangalan mo?" mabilis kong tanong. "H-Hindi mo na kailangang alamin. S-Sige i need to go. Bye." kiming paalam na niya sabay bawi niya sa kamay niyang hawak ko. Hahabulin ko pa sana siya pero humalo na siya sa karamihan ng tao. Napakamot ako sa ulo. Tsatsansingan ako tapos bigla akong lalayasan? Kamusta naman yun? Nang bumalik naman ako sa counter katakot-takot na tuksuhan ang inabot ko sa mga ugok kong kabarkada. "Dude that was hot!" palatak nila. Napangiti na lang ako pero hindi maalis sa isip ko ang babae. Nakakatawa dahil tinawag niya akong ginoo? Masiyado siyang magalang? Sino kaya ang misteryosang binibini na yun? Sana magkita pa kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD