Naalala niya ang sarili na nagtago sa gilid at nasaksihan kung paano patayin ang kanyang pamilya.
Naalala niya ang mga sandali na sinubukan niyang iligtas ang kanyang pamilya. Nakita niya sa kanyang isipan ang huling tingin ng sa kaniya ng ina bago ito pumikit at tuluyan na malagutan ng hininga.
Napailing siya. Pilit na inalis ang mga bangungot na iyon sa kanyang isipan dahil hindi na niya dapat ibalik pa iyon. Iba na ang priority niya ngayon. Si Maribella ang dahilan kung bakit siya bumalik sa Polaris at ito ang misyon niya kung bakit siya nandito ulit ngayon.
Tumungo siya sa ibabang bahagi ng mansion. Sa basement kung saan naroon ang silid na kanyang pakay.
Itinulak niya ang malaking frame ng kahoy na mistulang parte ng dingding. Napangiwi siya sa bigat ng pinto. Marahil ay kinakalawang na ang roller na nagpahirap sa kanyang buksan iyon. Itinulak niya ang dingding ng puno ng lakas at ilang saglit lang ay lumitaw ang isang pinto patungo sa isang hagdan pa pababa.
Tinungo niya ang silid pababa pinapanalangin na sana ay hindi iyon na-diskubre ng mga pulis noon. At agad siyang napabuntong hininga ng makita na hindi nga nagalaw ang parteng iyon ng mansion nila.
Naroon pa rin ang lab na pagawaan ng RHU, isang kilalang drugs na tanging ang pamilya lang nila ang gumagawa at nag-su-supply sa buong Polaris noon. May mga nagkalat sa mesa, mga naka-parcel na ready nang i-ship para ibenta sa loob at labas ng Polaris bago lusubin ang mansion.
Pero hindi iyon ang kaniyang ipinunta rito. Kundi ang laman ng silid sa likod ng lab na ito.
Binuksan niya ang isang dingding kung saan natatago ang main armory ng kanilang pamilya. Ang mga illegal na armas ay naroon sa parteng iyon ng basement. Lahat iyon ay blangko at walang papeles, ang mga bala na laman non ay ang pamilya nila ang nag-su-supply at gumagawa.
Para maligtas niya si Maribella, kakailanganin niya ang ilan sa mga ito. Dahil hindi siya tatagal sa Polaris kung wala siyang pera at kagamitan.
Kinuha niya ang dalawang duffle bag na nasa cabinet. Naglagay siya ng mga baril at bala na sa tingin niya ay sapat para sa kanyang misyon. Hinanap niya rin ang libro ng kanyang ama na nasa isang safe sa basement. Kopya iyon ng mga koneksyon ng kanilang pamilya. Sindikato na kasama nila sa negosyo. Mga pangalan at address na kakailanganin niya.
Bago siya tuluyang umalis ay naglagay pa siya sa bag ng ilang pakete ng RHU para sa susunod niyang plano.
___
"Totoo ba ito? Is this the RHU na matagal ng nawala sa Polaris?" Tanong ng dealer na kausap niya ngayon. Binuksan niya ang pakete at tinikman ang kulay blue na drugs. Nanlaki ang mata nito at muling kumuha ng isa upang kinain.
"Legit! Hindi ko akalain na makakatikim pa ako nito!" Masaya pang sabi ng dealer.
Binawi ni Serene ang pakete at inihain ang kanyang kamay. "Pay first, bago ka tumikim."
"Oo na, akin na iyan, bibilhin ko na!" Binawi ng dealer ang pakete at muling kumain ng isa. "Saan mo nakuha ito? Matagal ng wala ang distribution nito. Simula ng mawala ang Chaves Fernando, nawala na rin ang mga drugs na ito. Saan mo ito nakuha?" Curios pa na sabi nito.
Napangisi si Serene. "Let's just say that I have connections. So ano? Kukunin mo ba?"
Napatingin ang dealer sa pakete.
"20,000 Polaris dollars, iyan lang ang pwede kong ma-offer per grams--"
Hindi na natuloy ng dealer ang kaniyang sasabihin ng biglang saksakin ni Serene ang isang bag na malapit sa kamay nito. Ikinagulat niya iyon dahil muntik na iyon sa kamay niya.
"Don't make me stupid. 60,000 Polaris dollars per grams." Wika ni Serene bago pinakatitigan ang dealer.
"That is too much." Sagot nito at napatingin sa pakete. Tila nanghihinayang rin. "40,000?"
"50,000. Ikaw ang unang dealer na nilapitan ko. Imagine, na ikaw lang ang tanging dealer ko. Sa iyo lang sila bibili, ayaw mo pa rin?" Bulong ni Serene kaya tinakatitigan siya ng dealer.
Ilang saglit ay napakamot ito sa ulo niya at tumango. "Deal! Ilan pa meron ka diyan?--" hindi na niya natapos ang kaniyang tanong ng ilapag ni Serene ang isang duffle bag ng RHU sa mesa.
Nanlaki ang mata ng dealer. Nagpabalik-balik ang tingin nito sa laman ng bag at kay Serene. Tila isang ginto ang nasa harap niya, totoo naman iyon lalo pa at mas mahal ng limang beses ang presyo ng RHU kaysa sa per gramo ng ginto.
"Kukuha lang ako ng timbangan. Upo ka muna," Wika ng dealer nang makabalik ito ay may dala na siyang timbangan na malaki at doon binuhos ang RHU.
Pagka-total kung magkano ang halaga non ay pinalitan ng dealer ng pera ng polaris ang laman ng duffle bag na dala ni Serene. Binilang iyon ni Serene bago kinuha na pagkakataon para sa susunod niyang gagawin.
"Sino na ang namamahala sa Polaris ngayon?" pasimpleng tanong niya.
Pinakatitigan siya nito na tila nag-aalangan kung sasabihin ba sa kanya. Kaya kumuha ng dalawang naka-bundle na pera at ibinigay niya iyon sa dealer.
Napangiti ang dealer at kinuha ang pera. "Ang kumakalat na kwento, pino-protektahan ng mga angkan ng cartel ang leader kaya hanggang ngayon hindi rin matukoy ng mga taga Nations Acropolis Military Group kung sino ang nagpapatakbo sa Polaris. Parang isang malaking shield dahil ayaw na nilang maulit ang nangyari sa Chaves Fernando noon." Napatingin ang lalaki sa mga RHU na nasa harap niya. "Pero kung patuloy mo akong bibigyan ng supply ng RHU, mukhang nakikita ko na ngayon kung sino ang susunod na maghahari sa buong Polaris."
Hindi malabong mangyari iyon. Alam rin ni Serene na kapag lumabas sa masa ang RHU ay maaaring bumagsak ang produksyon ng ibang droga na ibinibenta sa Polaris. Ganoon pa man alam niyang maaring pagmulan rin iyon gulo. Tiyak na malalaman ng mga sindikato sa Polaris o ng N.A.M.G ang katotohanan na buhay siya.
"For Child trafficking? Ang Asuncion Cartel pa rin ba ang namamahala?" Tanong niya.
Napatingin muli ang dealer sa pera na hawak niya. Kaya napailing si Serene at nag-bagsak ulit ng pera sa harap nito na siyang ikinatuwa ng dealer.
"Yes, Asuncion Cartel pa rin. Si Regan ang protektor."
Tumango si Serene. Nakuha na niya ang impormasyon na kailangan niya. Kinuha niya ang duffle bag at umalis na sa tanggapan ng dealer na tuwang tuwa sa ilang kilo ng RHU sa harap niya.
Bitbit ang pera na pinag-bentahan niya ng RHU ay bumalik siya sa apartment na nirentahan niya sa Polaris. Magulo at madumi ang lugar na nasa gitna ng Masukal at magulong lugar ng Polaris. Kaliwa't kanan ang krimen na normal na sa lugar na ito. Walang makakapansin at maghihinala sa kanya sa lugar na ito kaya nasisiguro siyang ligtas siya rito.
Sa kanyang silid ay nakasara ang mga blinds. Nagkalat rin ang armas sa kama at mesa. Sa dingding ay idinikit niya ang mga mukha ng lider ng bawat angkan sa Polaris. Location at warehouse na kailangan niyang isa-isahin mahanap lang si Maribella.
May isinulat siya sa papel at inilagay ang isang pulang pin sa litrato ng isang matagal na niyang kakilala.
----
"Just make sure na walang makakapansin." Wika ng lalaking matipuno at malaking katawan. Kalbo at nakakatakot ang itsura nito.
Tumango naman ang mga tauhan niya at umalis sa harapan niya ng isang malakas na putok ng baril ang dumagundong sa buong head quarters. Nagulat siya at napalingon ng makita ang babaeng matagal na simula ng huli niyang makita.
"Buhay ka?" Tanong ng lalaki kay Serene.
Ngumiti si Serene at lumapit pa kay Regan. "Nasaan ang anak ko?"
Ikinagulat iyon ni Regan, napuno ng pagtataka ang tingin nito sa kaniya.
"Hindi ako nanggugulo, narito ako para sa anak ko, Regan." Paliwanag ni Serene.
"Hindi ka mangugulo? Lima sa mga tauhan ko ang pinatay mo? Tapos ngayon sasabihin mo na hindi ka mangugulo?" Natatawang sabi ni Regan na hindi sang-ayon kung bakit nandito siya.
Matapang siyang tinignan ni Serene. Halata sa itsura niya na hindi siya magpapatalo kay Regan kung sakali na manlaban ito. "Tinutukan nila ako ng baril? Anong gusto mong gawin ko sa kanila? Dasalan ko?. Regan, kaya kong pumatay ng lima pa, o sampu, o kaya naman ay ubusin ko lahat lahat ng tauhan mo kapag hindi niyo ibinigay sa akin ang anak ko."
Natawa si Regan, "Hindi ka pa rin nagbabago, Serene. Pero hindi namin alam na may anak ka na? At kung may anak ka nga, paano mo nasabi na nasa amin ang anak mo?" Tanong ni Regan sa kaniya.
Napa-kuyom ang kamao ni Serene at mas pinakatitigan si Regan. "May dumukot sa anak ko noong isang araw sa Acropolis. Imposibleng hindi niyo alam?"
Umiling si Regan. "Wala kaming schedule sa Acropolis. Alam mo rin na matindi ang mga bantay na N.A.M.G sa Acropolis. Kaya ako na ang nagsasabi na wala sa amin ang anak mo."
Natahimik si Serene, pero hindi siya naniniwala sa sinasabi nito hanggang sa hindi niya nakikita ang warehouse nila.
"Dalhin mo ako kung saan niyo itinatago ang mga bata na nakuha niyo. Kailangan kong masiguro na totoo iyang sinasabi mo. Kapag nandoon ang anak ko, kukunin ko siya at wala ng masasaktan. Kung wala, ay tahimik rin akong aalis."
Umiling si Regan. "Alam mong hindi ko pwedeng gawin iyan."
"At alam mong pwede ko kayong ubusin lahat ngayon." Putol niya kay Regan.
"Serene alam mong--"
"Dadalhin mo ako roon, o magakakamatayan tayo rito?"
Napabuntong hininga si Regan. "Sige, kung iyan ang gusto mo. Pero kapag wala roon ang anak mo? Ipangako mo na aalis ka at walang papatayin maski isa sa mga tauhan ko. Isa pa, hindi mo pwedeng pakawalan ang mga bata." Napatingin si Regan sa kanyang mga tauhan. "Dalhin niyo si Serene sa warehouse." Utos pa nito.
Nagpunta sila sa warehouse kung nasaan ang mga bata na na-kidnap ng Asuncion Cartel.
Isang malaking container Van na wala man lang bintana ang nasa harap nila. Binuksan ng isa sa mga tauhan ni Regan ang malaking kandado na may makapal rin na kadena. At nang buksan iyon ay bumungad ang mga nagkumpulang mga bata. May mga numero na nakadikit sa mga noo ng mga ito. May busal rin ang bibig ng iba at umiiyak
Pinasok iyon ni Serene. Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib na inisa-isa ang mga bata sa pag-iisip na naroon si Maribella. Napahinto siya at napailing ng makita na wala roon si Bella.
Lumabas siya ng container van at si Regan ang bumungad sa harap niya.
"O? Nandyan ba ang anak mo?"
Hindi umimik si Serene at nilagpasan si Regan.
"Marami na ang sindikato sa Polaris. Hindi lang kami ang nangunguha ng mga bata. Gusto mo tulungan kita na mahanap siya? Marami akong koneksyon. Baka lang naman gusto mo?" Rinig niyang sabi ni Regan ngunit hindi niya pinansin ito.
Kailangan niya muna na mag-isip. Hindi siya pwedeng magtiwala lang basta lalo na sa isang tulad ni Regan.