"Serene? Is that you? Nasaan na si Bella? Kasama mo na ba siya?" Tanong ni Ace nang makita niya si Serene sa kanyang bahay niya.
Nakaupo ito sa sulok at umiiyak sa dilim. Agad naman niyang nilapitan ang kaibigan ng mapansin niya na humahagulgol ito.
"Serene.."
Umangat ang tingin ni Serene kay Ace. "Wala roon si Bella. Tinignan ko ng maigi ang bawat mukha ng mga bata pero wala roon si Bella. Tapos may pinuntahan pa akong isa, pero wala rin siya roon."
Dinig ni Serene ang pagbuntong hininga ni Ace na alam niyang sinusubukan siyang damayan, pero ngayon walang makakaalis ng pag-aalala ni Serene kundi ang makita lang si Maribella.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sabihin mo nga sa akin na isang masamang panaginip lang ang lahat ng ito, Ace. At kung pwede ba na gisingin mo na ako kasi hindi ko na kaya. Ang sakit-sakit." Iyak pa ni Serene.
Napuno ng katahimikan ang pagitan nila. Hinayaan lang siya ni Ace. Hanggang sa mapagtanto ni Serene na hindi isang panaginip ang lahat ng ito. Na nawawala si Bella at hanggang ngayon ay wala siyang balita kung nasaan na ito.
"Kamusta rito, Ace? May balita ba sa pulis?" Tanong ni Serene at pinilit na nilakasan ang kaniyang loob. Baka sakali na may magandang balita na hatid si Ace.
Ngunit umiling si Ace bilang sagot sa kaniya.
"Ginawa ko rin lahat ng makakaya ko para mahanap na siya. Pero wala pa rin eh. Ilang beses na akong nag-follow up sa mga kapulisan pero wala pa rin. Patuloy nilang itinatanggi na walang krimen na nangyayari rito sa Acropolis."
Muling tumulo ang luha ni Serene. "Anong wala?! Eh nawawala nga ang anak ko! Na-kidnap siya rito sa Acropolis! Tapos wala daw?! Tangina nila! Ayaw lang nilang madungisan ang image na sinasabi nila na ligtas rito sa Acropolis."
Hinawakan ni Ace ang kaniyang kamay. "Pero, huwag kang mawalan ng pag-asa. Dahil naniniwala ako na makikita rin natin si Bella."
Napasapo si Serene sa kanyang ulo. Pinahid niya ang kanyang mga luha. Kailangan niyang pag-isipan ang susunod niyang hakbang. Dahil sa nangyayari ay may isang bagay siyang naisip. Alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya sa paghahanap niya kay Bella.
"Ace? Sa tingin mo ba kailangan ko na bang sabihin kay Rio? Na humingi ng tulong sa kanya sa paghahanap kay Maribella?"
Nakita niya ang reaction sa mukha ni Ace. Alam niyang hindi nito inaasahan ang kanyang sinabi.
Siya rin naman ay kahit kailan hindi niya naisip na magpakita pa rito, lalo na ang humingi ng tulong kay Rio.
Matagal na niyang kinalimutan si Rio. Matagal na niyang inalis ito sa buhay niya.
Hinawakan ni Ace ang kamay niya at pinisil iyon. "Serene, pag-isipan mong maigi iyang desisyon mo. Oo, maaring matulungan ka ni Rio. Pero maari rin na manganib ang buhay mo kapag bumalik ka sa kaniya. Alam mong matagal ka nang hinahanap ni Rio, hindi para makipagbalikan. Kundi para ikulong ka."
Napayuko siya dahil tama ito. Kung may tao na dapat siyang iwasan ay walang iba kundi si Rio. Napakaraming dahilan kung bakit hindi siya dapat magpakita rito. Isa na roon na maari siyang ipadampot nito at tuluyan nang ipa-kulong. Pero kailangan niyang isantabi ang bagay na iyon dahil may mas mahalaga siya ngayong misyon na kailangan pagtuunan ng pansin. At iyon ang paghahanap kay Maribella.
"Para sa anak ko gagawin ko, Ace. Wala akong pakialam kung makulong man ako. Kung si Rio man ang maging dahilan para mahuli ako." Napabuntong hininga si Serene at napatayo. "Hahawakan ko ang Polaris, dahil sa paglabas ng RHU ngayon sa Polaris ay bumagsak na ang production ng ibang droga. Alam ko na hindi magtatagal ay malalaman nilang buhay ako. Maibabalik ko ang proteksyon nila sa akin, kagaya na lang ang proteksyon na ibinigay nila noon sa ama ko. Sa buong angkan ng Chaves Fernando. Pwede akong gumawa ng ilegal sa Polaris at hindi ako mapapahamak. Ganun pa man ay kailangan ko rin ng connection sa legal na paraan. Na kailangan ko rin ng magiging mata ko sa Acropolis at sa N.A.M.G, at si Rio lang ang makakapagbigay sa akin non." Sambit ni Serene.
Muling umiling si Ace at sinubukan pa siyang kumbinsihin na huwag niyang ituloy ang kaniyang binabalak. Ngunit sa mga nangyayari ngayon, she is so desperate to find Bella. Kakailanganin niya ang tulong ni Rio.
"Serene, please think! What are you doing right now is dangerous. Ano pa kapag nagpakita ka kay Rio?"
"Siguro naman ay tutulungan niya ako at i-isang tabi muna ang mga kasalanan ko sa kanya, kapag nalaman niyang nawawala ang anak namin?"
---
Nagising si Rio dahil sa tunog ng kanyang cellphone. Wala pa siya halos tulog dahil kakauwi niya pa lang sa Acropolis matapos ang misyon niya sa Polaris. Nananakit ang kanyang katawan at kailangan talaga ng maayos na pahinga. Pero ito naudlot pa dahil sa ingay na likha ng cellphone niya.
"T*ngina! Sino ba ang tawag ng tawag?! Ngayon na nga lang ako nakatulog ng maayos eh!" Sigaw pa ni Rio at tumayo sa kama.
Hinanap niya ang kaniyang cellphone na nakalagay pa sa loob ng kaniyang hinubad na pantalon. Nang tingnan niya ang kaniyang cellphone ay nakita niyang unregistered ang number ng tumawag sa kaniya.
"Who's this?" He texted the number. Hindi nagtagal he received a reply from the unregistered number.
"Nakalimutan mo na ako agad?"
Mas lalong bumakas ang inis sa mukha ni Rio dahil sa reply nito. Sa isip niya, sino kaya ang nangugulo ngayon sa oras ng pahinga niya?.
"Hindi nga kita kilala, g*go ka ba?" Reply niya ulit.
At ilang saglit lang ay nakatanggap ulit siya ng reply.
"Ikaw ang g*ago! Asawa mo ito!"
Pinanlakihan siya ng mata nang makita ang reply. Doon niya napagtanto kung sino ang kapalitan niya ng mensahe. Hindi niya inaasahan iyon. Ilang taon na rin simula ng huling makita niya ito.
Ang totoo inakala niyang patay na ang asawa niya.
"Sinasabi ko na nga ba? Ikaw din ang kusang lalapit sa akin. Sa tingin mo ba papakawalan pa kita kapag nagkita tayo ulit?" Mahinang sabi ni Rio habang nakatingin sa numero.
Ganoon pa man napatigil si Rio. Napaisip kung totoo nga ba na asawa niya ang nasa kabilang linya. Matagal na siyang walang balita rito. Kaya nagtaka siya kung bakit bigla itong nagparamdam. Bigla siyang napaisip kung asawa niya ba talaga ang kaniyang kapalitan ng mensahe o isang pakana na naman ito ng kalaban para lituhin siya? O kaya naman ay pinag-ti-tripan na naman siya ng mga ka-trabaho.
Napailing si Rio. Baka nga isang prank lang ito. Imposible na bigla na lang siyang magparamdam.
Naisipan niya ulit na mag-reply.
"Sorry, pero hindi nag-e-entertain ng hindi ko kilala. Kung may ipa-patrabaho ka? Sa opisina ka na lang pumunta."
Hindi niya pa naibababa ang cellphone ay narinig niya na agad ang message notification. Indikasyon na nagreply agad ito.
"Tigil-tigilan mo ako Ricardo Isaac Osias Sebastian Jr! Dahil seryoso ako!"
Nanlaki ang mga mata ni Rio at halos matanggal na ang kanyang mata kaka-kusot, kung tama ba ang kaniyang nakikita sa screen ng kanyang cellphone.
"f**k! Siya nga ito!" Aniya pa bilang pagkumpirma na ang asawa niya nga ang kapalitan niya ng mensahe.
Napailing siya at pilit na pinakalma ang sarili bago nag-reply ulit.
"Anong kailangan mo?" Tanong niya.
"Ikaw."
At sa sinabing iyon ng kaniyang asawa ay nagtatalon si Rio ng dahil sa tuwa.
"Kulong ka ngayon! Gusto kong magpasalamat sa kung sino mang demonyo ang gumising sa akin kanina. Kung sino ka man, magpakilala ka dahil sasambahin kita--- kaso siya pala ang gumising sa akin? So siya ang sasambahin ko?" Mahina niyang bulong habang nakangiti. "Fcuk! Simula na naman ng gabing walang tulugan!"
Napaupo si Rio sa kama at huminga ng malalim. Masyado siyang natutuwa sa nangyayari ngayon. "Rio, Kalma lang. Si Serene lang iyan." Napapikit siya. "Tangina si Serene ito!"
Napatingin siya sa kaniyang cellphone ng muling tumunog iyon.
"Pupunta ako diyan, mag-u-usap tayo."
Biglang nag-seryoso ang mukha ni Rio.
"Hindi mo man lang ba itatanong kung papayag ako?" Reply niya sa asawa, ipinapakita na siya dapat ang masusunod sa kanila.
She replied again, "Hindi ko hinihingi ang approval mo."
Napa-awang ang kanyang bibig dahil sa sinabi nito. Hanggang ngayon ay hindi talaga ito magpapatalo. Gusto niya siya lagi ang masusunod.
"Hindi man lang tinanong kung nasaan ako? Pupunta agad-agad?"
Napabuntong hininga si Rio at muling nireplyan ang asawa.
"Sige, ikaw bahala. Magsabi ka lang kung kailan."
"Papunta na ako diyan."
Tangina?! Seryoso talaga siya?! Okay! No turning back! Kung iyan ang gusto niya hahayaan ko siya.
Ibinaba ni Rio ang kaniyang cellphone at nilinis ng bahagya ang kaniyang apartment. Pagkatapos non ay naligo na siya agad. Nang matapos siyang maligo ay naghintay na siya kay Serene. Hindi tumagal ang isang oras ng may mag-doorbell sa unit niya.
Pagka-bukas niya non ay si Serene nga ang bumungad sa kaniya.
Hindi pa rin nagbabago ang itsura nito. Mahaba pa rin ang kaniyang buhok, Maganda pa rin at sexy. Pumayat lang siya at parang matamlay ang mata. Napansin niya rin ang maliit na pasa sa balikat nito. Napaisip siya kung saan ito nakuha ng asawa.
Itinanday ni Rio ang kamay sa hamba ng pinto. "Alam mo naman pala kung saan ako? Saulo mo pa naman pala ang address natin, bakit ngayon ka lang umuwi?" Sermon niya.
Napatitig sa kaniya si Serene dahil inaamin nito na hindi ganito ang sasabihin sa kanya ni Rio.
Ang iniisip ni Serene ay kanina ng sinabi niya na pupunta siya ay malamang may mga pulis at militar na ang naghihintay sa kaniya ngayon. Pero ang mapag-sermon niyang asawa lang ang bumungad sa kaniya.
Ngunit pagtingin ni Serene sa kamay ni Rio ay nagkamali pala siya dahil may hawak itong posas. Mukhang huhulihin nga siya ng asawa.
Napangiti si Serene. "Ang ganda naman ang bati mo sa akin, Rio? May posas ka pang hawak."
Napangisi si Rio. "Bakit? Akala mo ba hindi ako naghanda? Ang tagal na kitang hinahanap Serene. Akala mo ba ay papakawalan pa kita, ngayong narito ka na mismo sa harap ko? For your information, pinasakit mo ang ulo ko kaya huhulihin na kita ngayon."
Binuksan ni Rio ang posas at hinawakan ang kamay ni Serene. "No exceptions kahit napakaganda mo ngayon gabi o dahil sa may relasyon tayo dati. Huli ka sa akin! Ano ready ka na ba?" Aniya bago inilagay sa isang kamay ni Serene ang posas.
Huhulihin kita sa salang pag-iwan sa akin. Wika ni Rio sa kanyang isipan.
"Oh, come on Rio. Hindi ako nandito para makipaglaro sa iyo." Sambit ni Serene bago napangiti. "But if you want some fun, I'll give you fun. Besides, I didn't wear my f**k me heels for nothing." akit ni Serene at walang sabi na itinulak si Rio papasok ng apartment.
Agad na siniil siya ng halik ni Serene habang inaalis pa-isa-isa ang mga butones ang suot niyang polo.
Lumayo saglit si Serene kay Rio at pinakatitigan ang mata nito. "Ano, Rio? Ready ka na ba?"
Napatitig si Rio kay Serene. Alam niyang hindi siya dapat magpadala sa ginawa nito. Alam niyang pinaglalaruan siya ni Serene. Marahil ay may kailangan ito sa kaniya kaya naman ay dapat umiwas siya.
Naisip niya rin na gawain ba ng matinong asawa ito? Na matapos mawala ng ilang taon ay basta na lang babalik at hahalikan siya tapos ngayon nag-aaya ng s*x?
Baka naman miss ka lang? Tila isang boses na bumulong sa kanya.
No, hindi siya dapat magpadala sa nararamdaman niya. Kailangan niyang magalit at hindi dapat mahulog sa patibong ni Serene. Kailangan niyang tanggihan ito sa kaniyang binabalak. Na kung mag-uusap sila kaya siya pinuntahan nito ay dapat lang na mag-usap lang sila at hindi na mauwi sa kung ano pang bagay.
Ngunit kahit na ganoon ang kaniyang nasa isipan ay iba ang sinasabi ng kanyang katawan, ng kanyang puso, ngayon na nasa harap niya ang kanyang matagal ng nawawalang asawa.
Na sa wakas, sa tagal ng sandali na hiniling niya na marinig ang boses nito, na matitigan at mahawakan muli si Serene ay narito na ito sa harap niya.
Napatitig siya nanghahalinang mata ni Serene. Tila mas lalo pa siyang nawala sa sarili ng mabilis na inalis ni Serene ang zipper ng kanyang suot na fitted dress at hinayaan iyon na bumagsak sa may sahig.
Wala siyang kahit na anong pang-ibabang suot sa ilalim ng damit na iyon kaya naman ay nakita ng kanyang mata ang bagay na matagal na niyang hindi nakikita ay parang may gustong kumawala sa kanyang katawan. Tangging suot lang nito ngayon ay ang pulang high heels.
Lumapit pa si Serene, hinaplos ang mukha ni Rio. "Rio, let's make love" bulong ni Serene bago humawak sa ibaba ni Rio. Hinaplos ang namumuong bagay sa ilalim ng pantalon niya.
At dahil doon ay tuluyan ng hindi napigilan ni Rio ang kanyang sarili.
"F*ck this!" Mura niya bago hinatak si Serene upang halikan hanggang sa tuluyan silang bumagsak sa malambot na sofa sa may sala.