“My daughter's name is Maribella, here’s her picture,” sabi ni Serene habang pinapakita sa kanila ang larawan ni Maribella.
She’s in the district police station near their apartment where Maribella was Abducted. Nagpunta sya roon ng mag-isa, because she didn't even know what to do. It’s been 2 hours since Maribella was abducted.
“She’s only 3 years old. She has Autism spectrum disorder. Hindi siya nangingilala pero hindi naman sasama iyon kung walang inalok sa kanya para sumama siua. Kitang-kita doon sa CCTV na inabutan siya ng candy. Talagang kinuha nung babae ang anak ko.”
“Yes, yes.. You already reported that. Don’t worry, we will do everything we can to find her. You just have to wait. For now, kailangan lang namin masiguro na ang kumuha sa kaniya ay hindi parte ng pamilya niyo, o kakilala.”
Gumuhit ang galit sa mukha ni Serene. “Someone abducted my daughter! Saka walang ibang kakilala ang anak ko para samahan niya. Hindi niyo kasi naiintindihan eh. Ilang beses ko ba sasabihin na hindi ko nga kilala ang kumuha sa kanya?”
Bumuhos na ang luha ni Serene at napasapo sa kanyang dibdib. Napatingin siya sa picture ni Maribella na nasa lamesa.
“My baby needs me… I know she’s looking for me.. I know she’s scared and crying. Please help me find my baby.”
Umiling ang pulis, “Look, Miss.. Nasa Acropolis ka, it’s impossible that your daughter was abducted. This City is safe. No cases of abduction. That’s why you should head home now and, maybe your daughter was already there waiting for you,”
“Wala ang anak ko sa bahay namin. May kumuha nga sa kaniya!” galit n’yang sabi sa pulis.
“Okay, Miss.. we understand why you are angry right now. I will call you if we have any information regarding your Daughter,” napatingin ang Pulis sa form na kanina ay sinulatan niya. “Wait, you forgot to put your contact number and even your name here, how can we let you know?” sermon pa ng pulis sa kanya.
Napatigil siya at napatitig sa papel na hawak ng pulis, pati sa picture ni Bella.
“Come on, Miss. You have to help us too. You have to give your name, so we can file a report,”
*****
“Ace, hindi ko na alam ang gagawin ko,” wika ni Serene bago napasapo sa kanyang mukha.
Nasa sasakyan siya ngayon ni Ace, sa labas ng police station kung saan siya nag-report.
“It’s okay, nag-report ako at pangalan ko na lang ang binigay ko para hindi ka mapahamak. Serene, ang totoo? Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na huwag kang mag-alala kasi alam kong hindi mangyayari iyon. Pero Serene, kapit lang ha? We will find Maribella,”
Muli na namumugto ang mga mata ni Serene, walang nasa isipa niya kundi si Bella. Pakiramdam niya ay sasabog ang utak niya kakaisip kung ano na ang nangyari dito.
“Thank you, Ace.”
Napabuntong hininga si Ace at pinisil ang kamay niya “Let’s go home? Ihahatid na kita sa apartment mo--”
“No, hindi pa ako uuwi, Ace. I have to find her. Hindi ko kaya na umupo lang at mag-hintay. Gabi na, Alam ko na hinahanap niya ako. Hindi ako mapakali, kasi paano kung may nangyaring masama sa kaniya?” nanginginig ang kamay niyang sabi.
Pansin ni Ace ang galit at pag-aalala ni Serene. “While waiting for the report coming from the police. Kailangan ko na gumawa ng paraan, hahanapin ko siya. Sa kahit anong paraan, Ace. Kailangan na mahanap ko siya.”
Napabuntong hininga si Ace at muling hinawakan ang kamay ni Serene. “Fine, but take care, okay? Tatawagan kita kapag may balita na. Susubukan ko rin na makakuha ng detalye from my connections,”
Tumango si Serene at lumabas ng sasakyan. Nagpunta siya sa Area malapit ang apartment ni Ace. Doon ay nagtanong tanong siya sa mga tao sa paligid kung may nakakita ba kay Maribella.
“Excuse me, I’m looking for my daughter. Have you seen her?” tanong niya sa bawat dumadaan habang pinapakita sa kanila ang litrato ni Maribella.
Ngunit lahat ng kanyang tinanong ay wala ring alam o hindi rin nakita si Bella.
She’s tired, exhausted. It’s been 10 hours since Bella was abducted. Wala pa siyang tulog at hindi man lang nagawangb makauwi dahil hindi niya kaya na umuwi sa apartment nila ng hindi kasama si Bella.
She promised Bella na susunduin niya ito.
Nanatili siya sa tabi ng kalsada, pinagmasdan ang mga tao na dumadaan, mga batang. Nagbabakasakali siya na si Maribella iyon. Nang tumunog ang kanyang Cellphone dahil sa tawag ni Ace.
Agad niyang tinanggap ang tawag ni Ace. “Serene! May balita ako tungkol kay Bella.”
Kumakabog ang dibdib niya, kinakabahan sa maaaring marinig na balita tungkol sa kanyang anak.
“The police will not be releasing any information about the case of abduction here in Acropolis. They don’t want to cause panic, and most of all, they are protecting the image of the City. But I got news from a friend in NAMF. The woman who took Bella, and the vehicle that was seen outside the apartment, matched the details of the syndicate who’ve been abducting children since last week. It’s a top secret in NAMF. Maribella was the 25th child that went missing,”
Dahil sa sinabing iyon ni Ace ay na-suntok ni Serene ang cemento, dahilan para dumugo ang kamao niya.
Nangyayari na ang kanyang kinakatakutan. Ang isa sa mga dahilan kung bakit nya nilisan ang Polaris at naisipan na manatili sa Acropolis. Yung tahimik at bagong buhay na pinapangarap niya kay Bella ay nawala.
Napatanong siya sa kanyang sarili.
Bakit ba kahit anong gawin niya, ibinabalik pa rin siya sa dating buhay na mayroon siya?. Wala ba siyang karapatan na maghangad at mangarap ng simple at tahimik na buhay kasama si Bella? Bakit ngayon ay kailangan na naman niyang balikan ang bangungot ng kanyang nakaraan.
She doesn't have a choice. She will do anything just to save Maribella. Kahit ba na ibig sabihin non ay bumalik sa kanyang nakaraan.
***
[ LOCATION: POLARIS ]
“Serene? Don’t tell me na bumalik ka diyan? Hindi nila pwedeng malaman na buhay ka!”
“I don’t have a choice. Kailangan kong bumalik. Alam ko kung gaano kahalang ang sikmura ng mga sindikato na kagaya ng nanguha kay Bella. At hindi ko hahayaan si Bella na tumagal sa impyernong lugar na ito.”
Buo na ang Decision niya. Kailangan niyang bumalik ng Polaris para mahanap ang sindikato na kumuha kay Bella. Alam niyang nasa Polaris ito. At kung kailangan niyang isa-isahin ang bawat sindikato dito sa Polaris ay gagawin niya, just to save Maribella.