“Hello, Ace? Kamusta si Bella? Hinahanap ba niya ako? Salamat talaga na pumayag ka na diyan muna siya, pangako pagkatapos ng trabaho ko ay susunduin ko siya agad,” tanong ni Serene kay Ace na nasa kabilang linya.
Ngayon ang unang araw niya sa trabaho na nakuha niya sa palengke. Hindi pa sumisikat ang araw nang umalis siya sa apartment at inihatid si Bella sa apartment ni Ace na hindi nalalayo sa apartment nila. Tulog pa ito at hindi man lang napansin na iniwan siya. Kaya naman alam niya na agad siyang hinanap nito.
“No problem, Serene. Mabait naman si Bella, oo hinanap ka niya kanina nang magising siya. Pero hindi naman siya umiyak. Nakausap ko ng maayos at mukhang naintindihan naman niya.”
“Talaga?” Napangiti si Serene sa sinabi nito. Ang totoo ay naninibago siya, kung tutuusin ngayon pa lang siya nalayo ng matagal kay Bella.
“Saka huwag kang masyadong mag-alala. O mag-isip diyan, aalagaan kong mabuti si Bella. Enjoy mo lang ang unang araw mo sa trabaho.”
Dahil sa sinabi nito, sa iniisip niya kung kamusta si Bella ngayon ay hindi napigilan ni Serene ang kaniyang mga luha. Kung pwede lang sana na lagi silang magkasama ni Bella, na hindi sila maghiwalay kasi ayaw niya rin naman mawala sa tabi nito kahit saglit lang. Pero hindi pwede, Kailangan na niyang magtrabaho para sa kinabukasan nila.
“Naninibago ako Ace, hindi ako sanay ng malayo kay Bella. Ang hirap pala.”
Sumagot ulit si Ace mula sa kabilang linya. “Sabi ko naman sa iyo, kung hindi ka pa ready ay huwag na muna. Mas makakabuti kasi talaga to spend more time with Maribella until mag 5 years old siya. Bago ka magtrabaho. Sabi ko naman sa iyo Serene, nandito lang ako para tulungan ka,”
“Hindi naman pwede Ace na lagi lang kaming naka asa sa iyo. Kailangan ko nang pag-ipunan ang pang-tuition niya sa Special School, hindi lang iyon alam ko mas lalaki ang gastusin namin pag nag-aral na siya, alanganaman na iasa ko rin iyon sa iyo?” nakayuko pang wika ni Serene habang inaayos ang kaniyang mga paninda.
“Sus! Para naman kayong iba sa akin?. Pero ikaw, it’s up to you. Ayaw naman kitang pigilan sa mga plano mo.”
Napangiti si Serene. “ O sige na, salamat ulit Ace ha? Ibababa ko na rin ang tawag at medyo dumadami ang mga bumibili.”
“Hindi mo na kakausapin si Bella?” tanong ni Ace.
Umiling si Serene. “Hindi na, baka umiyak at mapa-uwi ako d’yan. Bata Promise mamaya, pagkatapos na pagkatapos ng trabaho ko ay dederetso ako agad diyan.””
“Okay, Serene.”
“Bye,” paalam ni Serene pagakatapos ay ibinaba ang telepono.
Inilagay niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa at itinuon ang pansin sa mga mamimili.
She noticed that a pair of eyes was looking at her, it is a little boy aged 8 or 9. But before she could ask him. The boy suddenly took a pack of meat, bread and vegetables on the store rack, and ran.
“Hoy!!” sigaw niya sa bata.
Ngunit napakabilis ng pagtakbo nito at nawala bigla.
Ang totoo, na-isip niya ang kalagayan ng bata. Oo, masama ang mag-nakaw ngunit mukhang ilang araw na rin hindi nakakakain ito. Dahilan kaya siguro na mag-nakaw ito ng pagkain. Kaya naman ay hinayaan na lang siya ni Serene.
She noticed that every pair of eyes was fixed on her, which confused her. But it hit her when she notice the owner of the store behind her.
Napapa-iling ang ulo nito, tila hindi ginusto ang kaniyang ginawa. “Ikakaltas ko iyon sa sweldo mo ngayong araw.” wika pa nito pagakatapos ay tumalikod.
Her cheeks flushed with humiliation, and timidly apologized while looking down. Ito ang unang araw niya sa trabaho tapos ganito pa ang nangyari.
Napatingin siya sa iskinita kung saan tumakbo ang bata na nagnakaw ng paninda. Laking pagtataka niya ng tila bumalik ito ngunit naging maingat pa rin sa paligid, hindi na rin hawak nito ang kaniyang mga ninakaw.
Binuksan ng bata ang loob ng basurahan at doon may hinila. Ang inaakala niya ay basura ang kukunin nito roon. Ngunit laking gulat niya ng may hilain ito na batang babae na mukhang nakababatang kapatid nito at agad na ibinakay sa kaniyang likod.
Nagtama pa ang mata nila ng bata, at nagulat ito. Bumakas sa maamong mata nito ang takot. Iniisip siguro na baka ipahuli niya ito. Ngunit imbis na ganoon ang gawin ni Serene ay nginitian niya ang bata at tinanguan. Ngayon, gumuhit ang pagtataka sa mukha nito, na di nagtagal ay napangiti rin sa kaniya pabalik aty hindi napigilan ang mga luha. Yumuko ang bata bilang pasasalaman, pagkatapos ay tuluyan ng umalis.
Kahit paano, ay nakaramdam siya ng labis na saya sa puso niya.
Suddenly she felt a tap on her shoulder and saw a woman in her 40’s. She, beautiful with red curly hair. Her skin is exquisite.
“What you did was very nice,” the woman said.
Her words made her flinch slightly. Ngunit agad din siyang ngumiti.
“T-Thank you,” she said, stuttering at her words.
“Naawa ka ba sa kanila?” she asked.
“Yes,”
“Okay lang kahit ikakaltas sa sweldo mo?”
Tumango si Serene. “Mukha hindi pa rin kumakain ang batang iyon. At least nakatulong man lang ako,” she said shyly, tucking her loose brown hair behind her ear. “By the way, what can I do for you, Miss?”
“Sasha Watsons,” she introduced.
“Umm--Se--- U-Umm Rene, just Rene,” she said, shaking her hand with her. A lump formed in her throat when she was about to mention her real name.
Kailangan niyang mag-ingat, Naiisip niya ngayon na baka ay isa itong pulis at namukhaan siya at ngayon ay kinukuha ang loob niya.
“Your face doesn’t look familiar, are you new to this store?” the woman asked curiously.
“Yes, today is my first day. Wait, are you a regular customer here?”
“Oh, yes. This store is selling fresh meat and vegetables. I always get my produce here,” the lady gladly said. Then unexpectedly she handed her a piece of card with it’s name.
“What’s this?” she asked.
“With that face, and that heart. You shouldn't be in this kind of place. So, I am offering you something, a job that is more profitable than selling meat in this store.” mahinang sabi nito.
Napatingin si Seren sa calling Card nito. “Sorry, but.. I don’t have any documents. I can’t work for big jobs that are more profitable than this.”
The woman smiled and whispered in her ear. “So you are not really from here. Don’t worry about the documents, I can handle it. Our company is giving opportunities for people like you here in Acropolis.
Napakunot ang noo niya. “I’m not selling my body,” she said.
Natawa ang babae, “Silly! Don’t worry I’m just offering you a work as a cashier in my grocery,”
“You have a grocery? How come you are buying produce here, if you already have a grocery?”
Napatahimik ang babae kaya ibinalik ni Serene ang calling card nito. “Thank you for your offer, but I’m fine just working here,” she said bago tumalikod.
Kung gusto mo magtrabaho sa Acropolis ng may malaking kita kagaya na lang ng pagtatrabaho sa kumpanya o malalaking establishments kailangan na may documents ka, identification na nakukuha sa Municipality of Acropolis kung saan naroon ang mga personal na information ng mga naninirahan sa Acropolis. At kapag nalaman na identified ka, ay dadalhin ka sa National Acropolis Military Office upang doon imbestigahan. Doon ay sinisiguro kung galing ka ng Polaris, at kung oo ay hindi ka makakaalis hanggat hindi sila nakakasiguro na magiging banta ka Acropolis.
At hindi niya pwedeng gawin iyon. Dahil tiyak na kapag ginawa niya iyon ay agad siyang dadamputin ng military force ng Acropolis.
She knows that the job that the woman was offering to her, is illegal or worst, it might lead to human trafficking. That’s why she have to be mindful of her surroundings, specially that she is now working in the streets of Acropolis.
Later that day, she received her paycheck despite the fact that the owner had to deduct the cost of the products that the kid had stolen from the store. She only received 200 Acropolis dollars and went to an ice cream shop to buy some from Bella.
She took her phone from her pocket to call Ace, to inform her that she’s going to pick Bella.
“Lowbat,”
Luma na ang cellphone niya kaya naman ay mabilis ma drain ang battery. Siguro ay dederetso na lang siya kay Ace.
Nang makarating siya sa apartment ni Ace at naabutan niya ito na nasa labas ng pinto ng apartment.
Napangiti siya at agad na nilapitan ito. “Ace!” kumaway siya at napatingin sa Likod nito. Baka kasi nandoon si Bella. “Where’s Maribella?”
Napatingin si Ace sa kanya, bakas sa muka nito ang gulat. “Serene… kanina pa ako tumatawag sa iyo. Bakit hindi ka sumasagot?”
Napakunot si Serene sa tanong nito. “Na-lowbat kasi ang cellphone ko, why? Nasaan na si Bella?”
“Akala ko sinundo mo na?”
Mas lalo siyang nagtaka sa sinabi nito. “Ha? Sinundo? Paano? Eh kakarating ko lang.”
Napasapo si Ace sa mukha nito, Bumakas ang labis na takot sa pag-aalala ni Ace. Ikinataka naman iyon ni Serene.
“Ace, what is happening?”
“Iniwan ko siya sa sala saglit kasi kukuha ako ng snacks niya. Tapos pagbalik ko wala na. Kaya akala ko sinundo mo na, hindi naman kasi kaya non mag-bukas ng pinto, kaya imposible na nakalabas siya,” wika ni Ace. Her hands is shaking in fear.
Nabagsak ni Serene ang kanyang mga dala. Dali-dali siyang pumasok ng appartment ni Ace at doon sinubukan na hanapin si Maribella. Iniisip na baka naglalaro ito at nagtatago lang.
“Bella? Baby? Mama’s here!” she shouted, then looked under the bed.
“Serene, hinanap ko na siya sa buong apartment pero wala talaga.”
Kahit sinabi iyon ni Ace ay hindi nagpapigil si Serene. Halos halughugin niya ang buong apartment ni Ace ngunit wala nga ito roon.
Sinuyod niya ang buong floor, ang buong building, maski na sa labas ng apartment ngunit hindi nila nakita si Bella.
“Maribella!” sigaw ni Serene. Hindi niya na rin napigilan ang kaniyang mga luha.
Lumapit si Ace at niyakap siya. “Serene, I’m so sorry.”
“I can’t find her Ace. I can’t find my Maribella.”
“Tumawag na ako sa security office ng building to review all the CCTV’s.”
Tumango si Serene at kapwa sila tumungo sa security Office. Ni-review nila ang mga CCTV sa floor na iyon at doon nila nakita ang isang babae kung saan sumama si Bella palabas ng building at isinakay sa isang puting SUV.
“Do you know that person?”
She can’t see the face of the woman clearly.
“I don't know who that woman is. At impossible, Wala akong kaibigan dito maliban kay Ace. At kilala ko ang anak ko, hind iyan sumasama sa taong hindi niya kakilala,” Serene said, almost crying.
“Someone abducted my daughter. I need to save my Maribella. ”