"Alam kong gising ka pa," rinig ni Serene na sabi ni Rio sa kaniya.
Kapwa silang walang saplot, at nababalot lamang ng kumot. Kanina niya pa sinusubukan na matulog ngunit hindi talaga siya dapuan ng antok.
"Hindi ka makatulog? Gusto mo ng yakap? Lapit ka, ang layo mo naman kasi. Tara dito mahal." Malambing na sabi ni Rio kay Serene na medyo may espasyo nga ang kanilang gitna.
Napadilat si Serene pagkatapos ay napatihaya. Ngunit hindi siya makalapit kay Rio. Dahil nang maisip niya ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog ay muling bumuhos ang luha niya.
"Oh, umiiyak ka na naman." Nagaalalang tanong ni Rio, pagkatapos ay hinapit siya at pinaunan sa kaniyang braso.
Pinahid niya pa ang mga luha ni Serene pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo.
"Naalala ko lang ang anak natin, Rio. Mukhang hindi talaga aksidente ang pagkaka-kidnap sa kaniya." Naluluha niya pang sabi habang hindi makatingin ng diretso kay Rio.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Rio sa kaniya.
Sa pagkakataong iyon ay humarap si Serene sa kaniyang asawa. "Sinadya nilang kunin siya sakin. Nung una sumagi sa isipan ko na baka nga ginagantihan nila ako, pero may parte sa isipan ko na pagkakamali lang ang pag-dukot kay Bella. Na biktima lang siya ng child abduction na ngayon natakot na silang ibalik dahil sa mga ginagaw ko, o dahil hindi nila alam na si Bella ang bata na nakuha nila. Pero mukhang hindi nga ganoon, Rio. Mukhang planado nga ang lahat. Na gamitin nila ang anak ko laban sa akin. Kung hindi dahil sa nakaraan ko, Rio. At sa nakaraan ng pamilya ko, kasama sana natin si Maribella ngayon. Sana ligtas siya at hindi natatakot sa lugar kung nasaan nga siya." Muli siyang naluha sa kaniyang sinabi. Gustong gusto na niyang makita ang kaniyang anak. Habang tumatagal na hindi niya nakikita si Bella ay mas lalo siyang nababaliw sa kakaisip kung makukuha niya pa ba ito.
"Miss ko na ang anak natin, Rio. Gusto ko na siyang makita at mayakap ng mahigpit."
Kinuha ni Rio ang palad ni Serene at pinisil iyon, bago halikan din ng madiin.
"Planado man o hindi ang pagdukot kay Maribella, nasisigurado ko na makikita at makakasama pa natin siya Serene." Sambit ni Rio bago napatitig muli sa mga mata ni Serene. "Magkasama tayo sa laban na ito, Serene. At kakayanin natin ito."
Tipid na ngumiti si Serene, "Salamat, Rio."
Inilapit ni Rio ang kaniyang mukha kay Serene upang halikan ang labi nito. Sinuklian rin ni Serene ang halik nito pagkatapos ay niyakap ng mahigpit si Rio. Ilang sandali lang ay naramdaman ni Rio ang pag-bigat ng pag-hinga nito. Nakatulog na si Serene habang magkayakap silang dalawa.
____
"Ganito na lang, Serene. Tutulungan kita, ako ang magmamatyag kay Ace para sa iyo."
Binasa ni Serene ang text message ng numero na nagsabing hindi niya mapagkakatiwalaan si Ace.
Kaibigan man niya ito pero may punto rin naman ang nagsasabi sa kaniya ng impormasyon. Hindi pa rin naman niya ito pinagkakatiwalaan, ngunit hindi niya pwedeng baliwalain ang sinabi nito sa kaniya.
"Kapag nalaman ko na gawa-gawa mo lang ang lahat ng ito? Ako mismo ang papatay sa iyo." Reply niya sa numero.
Ilang saglit lang ay nag-reply ito sa kaniya.
"Pero aminin mo?, Hindi ka naman kikilos ng ganoon kung hindi ka nagdududa, hindi ba?"
Napaisip siya, lahat ng bagay ngayon ay pinagdududahan niya. Kailangan niyang maging matalino. Dahil kung magpapagamit siya, siya ang matatalo sa huli.
Hindi na niya nireplyan ang kapalitan niya ng mensahe pagkatapos ay itinali niya ang kaniyang buhok at binitbit na ang duffle bag niya.
"Aalis ka?" Malungkot na tanong ni Rio sa kaniya ng makita ang itsura niya. At sa bihis ni Serene ay alam ni Rio kung saan ito pupunta.
Nalulungkot siya sa totoo lang dahil kakauwi lang halos nito. Tapos ngayon ay aalis na naman.
"May kailangan lang akong kausapin. Don't worry, babalik din ako mamayang gabi." Sagot ni Serene.
Tipid na napangiti si Rio at hinapit siya. "Okay, sige mag-iingat ka ha?"
Tumango si Serene. At bago pa siya umalis ay hinalikan niya si Rio sa labi. "I'll come home, I promise that."
Mas lalo na lumapad ang ngiti ni Rio pagkatapos ay hinalikan pa ng ilang sandali si Serene bago ito hinayaang makaalis.
____
Sa warehouse na ipinahiram ni Astrid siya nagpunta. Sa nakalipas na mga linggo ay ito ang nagsilbing head quarters niya. Napakabilis lang na makabuo ng sariling team si Serene ng dahil kay Astrid. Bukod sa secured ang warehouse na ibinigay nito ay binigyan rin siya ng proteksyon ng ilang sindikato na dating ka-alyado ng ama. Ang ilan ay bumalik lang sa Polaris para sa kaniya. Ang mga iyon at biktima rin ng kataksilan ng mga taong dahilan kung bakit namatay ang kaniyang pamilya.
Ganoon pa man nagkaroon rin ng pagtatalo dito noong nakaraan dahil sa isang desisyon ni Serene. Nabawasan ang sumoporta, ngunit hindi naman tinutulan ng iba.
Pumasok si Serene sa warehouse at agad na binati siya ng mga bantay roon. Pumasok siya sa isang silid kung saan naghihintay na sa kaniya ang mga taong kakausapin niya ngayon.
Ang mga tao na nakalaban ng kaniyang ama noon, ang mga leader na kaniyang target na ubusin. At ang ilan sa mga pinagkakatiwalaan ngayon ay narito sa teritoryo niya.
"Serene.. magandang umaga." Bati ng mga ito nang makatayo sila.
Sumenyas si Serene kaya naman ay muli silang bumalik sa pagkakaupo at hinintay ang kaniyang sasabihin.
"Sa ngayon, wala kayong ibang gagawin kundi ang ipagpatuloy ang ginagawa niyo ngayon. Ang magtago at magpanggap na pinatay ko na kayong lahat. Isipin niyo na lang na sa ginawa niyo sa pamilya ko at sa akin ay naging mabait pa rin ako sa inyo." Matapang niyang sabi.
"Salamat, Serene." Wika ni Mercado Luis kaya natuong ang pansin niya rito. "Pero ayaw na namin madawit pa at maipit sa kung sino man ang kumalakalaban sa iyo."
Natuon ang tingin ng lahat ng nasa silid kay Mercado Luis. Iniisip na napakatapang nito para magsalita ng ganoon.
Napangiti si Serene at nilapat ang kamay niya sa mesa. "Pwede naman, so papatayin na kita mamaya?" Seryosong tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ni Mercado Luis bago napailing. "Hindi naman sa ganoon, Serene. Ang nais ko lang kasi ay ang hindi mo na idamay ang pamilya ko kasi nananahimik na kami. Tinigil na namin ang negosyo para hindi kami madawit. Ngunit ito?"
Nanatili ang nakakatakot na ngiti ni Serene sa kaniyang mga labi. "Kaya nga, tinatanong kita kung gusto mo nang manahimik ng tuluyan? Pwede kong gawin iyon. Madali lang naman akong kausap, Mercado Luis. Saka alam naman ng mga kalaban na patay na kayong lahat. Gusto nito bang totohanin ko? Pwede naman."
Dahil sa sinabing iyon ni Serene ay natahimik si Mercado Luis at umiwas na lang ng tingin.
Tinignan ni Serene isa-isa ang mga naroon. "Ngayon, walang pumipigil sa inyo na hindi ipagpatuloy ang mga negosyo niyo. Alam kong marami pa naman ang pwedeng magpatakbo non mula sa pamilya niyo. Ang hinihiling ko lang ay ang bitawan niyo ang illegal niyong transaction sa Polaris. Kailangan kong isuko muna sa N.A.M.G ang mga ilegal niyong negosyo."
Umiling si Dong-an. "Hindi pwede, pati ang mga legal kong negosyo ay babagsak!"
Sa isip ni Serene ay walang utang na loob ang kagaya ng mga tumatanggi ngayon.
Pasalamat sila at binuhay niya pa ang mga ito, kaya anong karapatan nila na tumanggi ngayon?
"Madali lang naman ang pagpipilian niyo. Ang magpanggap muna at mag-tiis ngayon, o habang buhay na mawala lahat ng naipundar niyo?" Aniya pa.
Ngunit naging matigas si Dong-an at umiling. "Papatayin mo rin naman kami bandang huli."
"Totoo iyon." Mabilis na sabi ni Serene. "Iyon ay kung wala akong mapapala sa inyo at hindi ako tutulungan. Dapat na iniisip niyo na utang niyo sa akin ngayon ang buhay niyo dahil naawa ako sa inyo. Hawak ko kayo ngayon at ngayon lang kayo magtitiis, dahil kapag napatunayan ko na wala naman kayong kinalaman sa pag-dukot sa anak ko? At mapatunayan ko na nasa panig ko kayo? Isa sa inyo ang hahayaan ko na manuno sa Polaris. Hindi lang iyon." Itinaas ni Serene ang folder. "Ibibigay ko sa inyo ang Recipe ng RHU."
Nanlaki ang mga mata ng mga naroon. Dahil sa paglabas ng RHU ay si Serene ang muling naging makapangyarihan sa buong Polaris. Lalo pa at dumoble ang demad sa RHU at nahing triple ang halaga non per gramo. Hindi lang kasi sa Polaris ang may nais na bumili ng RHU, maski na rin sa ibang panig ng mundo.
"Ang ibig sabihin ba niyang mag-give way ka sa pamumuno mo sa Polaris? Nalgayon mo na lang ulit nabawi ang posisyon ng ama mo dahil akala ng lahat ay patay ka na. Tapos ngayon ay ibibigay mo na lang basta-basta?" Tanong ni Feliz.
Sumabat din si Anton na nakatingin sa folder na hawak niya. "Totoo ba talaga na nandyan ang Recipe ng RHU? At ipapaubaya mo sa amin ang posisyon na matagal ng nasa ama mo?"
Tumango si Serene. Malamang ay iniisip nila kung nasa tamang pag-iisip siya para ibigay ang formula ng RHU pati na rin ang pamumuno sa Polaris. Apat na dekada na pinamunuan ng kaniyang ama ang Polaris. Ito ang nagtaguyod at nagpalakas ng Polaris. Natigil iyon at nagkanya-kanyang palakas ang mga sindikato sa Poalaris. Hindi niya alam kung sino ang nasa likod ng mga karahasan at namuno simula ng mamatay ang ama niya, dahil nagtago rin ang taong iyon sa likod ng mga kabilaang sindikato para hindi siya matulad sa Fernando.
Mabilis na nabawi ni Serene ang posisyon at pamamahala ngayon. Kaya nga ang bilis niyang napapapayag ang mga sindikato na pumanig sa kaniya.
Ngunit nakakabulag ang kapangyarihan, halos lahat ay nais na makamit ang pamamahala sa buong Polaris.
"Matagal ko naman ng iniwan ang buhay ko sa Polaris at naghanap ng bagong buhay. Ngunit anong nangyari? Pinatay ang buong pamilya ko, kinuha sa akin ang anak ko. Anong gusto niyong gawin ko? Manahimik at walang gawin?" Natawa niyang sabi bago matapang na tiningnan silang lahat. "Kaya hanggang hindi ako nakakasiguro kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito? Hindi ako titigil. Kung totoo bang ginagamit ako laban sa lahat? Lalo na sa inyo, at mananatili muna kayo sa kapangyarihan ko. Ngayon, kung ayaw niyo ng proteksyon ko, pwede na kayong mamatay."
Pagkasabi niya non ay tumayo si Feliz. "Payag ako na makipagtulungan sa iyo. I will lend you some of my men."
"Ako rin! Payag na ako." Sabi naman ni Anton.
Tumango rin si Mercado at ang iba pa. Lalo na si Dong-an na kanina ay nagdadalawang isip sa plano niya.
"Payag na kami na makipagtulungan sa iyo, Serene."
---
"Here, take this." Wika ni Rio bago inabot ang vitamins kay Serene.
"Ano iyan?" Tanong niya nang makita ang ilang piraso ng gamot na bigay ni Rio.
"Vitamins iyan, lagi kang nagpupuyat at minsan wala pang kain kaya dapat mag-take ka ng vitamins." Ibinigay pa ni Rio ang tubig bago bumalik sa likod ni Serene para langyan ng gel patch ang likod ni Serene para mawala ang sakit ng likuran nito. "Gusto mo masahe?" Alok niya pa kay Serene at umiling ito.
"No, thank you. Sit here beside me instead." Aniya at dali-dali na tumabi si Rio sa kaniya.
Humiga si Serene sa hita ni Rio kaya naman ay mas lalong napangiti si Rio.
Hinaplos ni Rio ang ulo ni Serene "Malalim na naman ang inisip mo?"
Napatingala si Serene sa kaniya. "Hindi ko talaga maisip yung maaring dahilan niya kung siya talaga ang nasa likod ng pagkakadukot kay Bella. Pinagkatiwalaan ko siya, Rio. Tinuring ko siyang kaibigan, parang pamilya, isang ina. Bata pa lang ako napakabait na ni Ace sa akin." Aniya na tila iniisip kung talaga bang hindi niya mapagkakatiwalaan si Ace. "Utang ko sa kaniya ang buhay ni Maribella, kung hindi dahil sa kaniya, matagal ng patay si Bella. At kung hindi dahil sa tulong niya ay malamang wala na rin ako ngayon. Kaya paano niya magagawa ang bagay na iyon? Bakit niya pa iniligtas ang baby ko kung siya rin pala ang magiging dahilan kung bakit nanganganib ang buhay ni Maribella?"
Nanatiling tahimik si Rio at pinakinggan lang ang sinasabi ni Serene habang patuloy niyang hinahaplos ang buhok nito.
"Bata pa lang ako hinahanggaan ko na si Ace. Grabe yung dedication niya sa Polaris. Mula noon siya na ang tinitingala ko. Naalala ko noon kapag pinapagalitan ako ni Mom, siya yung lagi kong nilalapitan at hindi ako nahihiya na magsabi ng nararamdaman ko. Dati, gusto kong patunayan kay Dad na kaya kong magbago at iwan ang Polaris dahil mahal kita. At hindi ko magagawa iyon kung hindi pumayag si Dad na ikasal ako sa'yo. Alam mo kung sino ang tulak sa akin na sundin ang puso ko? Na tumulomg mag-convinced sa kanila Dad na pumayag na pakasalan kita? Si Ace, Rio."
Tipid na ngumiti si Rio. "E baka naman kasi hindi nga siya ang nasa likod ng pagkawala ng anak natin? Na baka niloloko ka lang nung taong nag-me-message sa'yo? Paano kung binabaliktad niya ang sitwasyon? Para ilihis ka niya sa kung sino man talaga ang nasa likod ng pag-dukot kay Maribella?"
Kinuha ni Serene ang kamay ni Rio at pinagsuklib niya ang daliri nila. "Sana nga, dahil masasaktan talaga ako kapag malaman ko na may kinalaman siya."
Tipid na ngumiti si Rio at tinanong siya. "Ano ba ang buong pangalan ni Ace? Para matulungan kita na makakuha ng impormasyon."
"Aria Celestine Fernandez"