Chapter 15

1764 Words
"Sino ka?" Reply ni Serene sa numero na nag-send sa kaniya ng mensahe. Ilang sandali lang ay nag-reply ito agad. "Hindi mo na kailangan malaman kung sino ako. Pero huwag kang magpapaniwala kay Ace. She's just using you, Serene. Huwag mong ipahamak ang sarili mo. This is a trap." Biglang natulala si Serene sa kaniyang nabasa. Iniisip kung dapat niyang paniwalaan ang taong ito. "Sinasabi mo ba na si Ace ang may kagagawan kung bakit dinukot ang anak ko?" Si Ace? Pagtataksilan siya? Lolokohin siya at gagamitin siya? Parang hindi naman makatotohanan na kayang gawin iyon ni Ace sa kaniya. Kung may dapat hindi pagkatiwalaan rito at ang sino man na nag-memessage sa kaniya. Mahirap na, baka ginagamit lang siya nito. Ginugulo ang isipan niya, para masira sila ni Ace. "It's too early to say that, hindi ako sigurado kung siya nga. Pero ang nangyayari ngayon si Ace ang nag-be-benefit ng mga pagpatay mo sa mga syndicate sa Polaris. Hindi mo ba nahahalata?" Sabi pa nito sa message sa kaniya. Napaisip siya, lahat ng mga pinatay niya ay kalaban sa negosyo ni Ace. Ganoon pa man ay nasa panig niya si Ace. Noon pa man ng buhay ang pamilya niya, lalo na ang kaniyang Dad ay kilala na magkakampi sila. Kaya nga lumaki siya na close si Ace, dahil na rin madalas itong magpunta sa kanila para sa negosyo. Ang mga pinatumba niya ay hindi lang kalaban ni Ace, kundi maski na rin ng pamilya niya. "Kaibigan ko si, Ace. Hindi niya iyon magagawa sa akin." Reply ni Serene sa kung sino man ang nagpapadala ng mensahe sa kaniya. "Para sa iyo, kaibigan mo siya. Pero para kay Ace, isa ka lang weapon laban sa Polaris at lalo na sa N.A.M.G" Naguguluhan siya, hindi naman ito totoo hindi ba? Hindi magagawa iyon ni Ace sa kaniya. Malaki ang tiwala niya rito. "Hindi ako naniniwala sa iyo. Papaano kita mapagkakatiwalaan kung hindi mo nga masabi kung sino ka?" Inis na reply ni Serene. Muli, nagreply ang kanina niya pa kapalitan ng mensahe. "Hindi ko na kailangan magpakilala, dahil pinoprotektahan ko rin ang sarili ko. Ganoon pa man, binabalaan na kita, Serene. Kapag ipinagpatuloy mo ang paglapit kay Ace, hindi lang ikaw ang mapapahamak, maski na rin si Rio." Napailing siya, bigla binalutan siya ng kaba. "Bakit kilala mo si Rio?!" "Sino ka ba ha? Bakit alam mo ang number ko?" "Sumagot ka!" Sunod-sunod niyang message sa kaniyang kausap. Sinubukan niyang tawagan ito ngunit bigla nitong pinatay ang Cellphone. Napabuntong hininga siya. Hindi na lang si Maribella ang pinag-aalala niya. Kung kalaban nila ang nag-message sa kaniya, ay malamang alam na nila ang relasyon niya kay Rio. At dahil doon mas lalong nanganganib ang buhay niya. Naalala niya ang sinabi nito tungkol kay Ace. Ayaw man niyang pag-isipan ng masa ang kaniyang kaibigan. Ngunit sa panahon ngayon she can't trust no one. Ganoon pa man, nag-aalala siya kung anong masaman maidudulot ni Ace kay Rio? Kaya ba nalaman ng kausap niya ang tungkol kay Rio ng dahil kay Ace? Wala naman ang nakaka-alam ng Tungkol kay Rio kundi si Ace lang. "Aalamin ko ang totoo, Ace." Dahil sa nangyari ay agad siyang nag-alala kay Rio. Hindi niya pa nakakausap ito sa nakalipas na tatlong linggo, simula ng umalis siya sa bahay nito. Sinadya niyang patayin ang isang cellphone para hindi malaman ni Rio kung nasaan siya. At para iwasan na rin ang ka-dramahan nito at baka mapa-uwi siya agad. Binuksan niya ang kaniyang cellphone at agad na nakita ang sunod-sunod na message ni Rio sa kaniya. _____ "So ano? Uuwi ka lang kapag gusto mo? Aba! Nakakatapak ka ng p*********i dahil sa ginagawa mong iyan, Serene! Tignan mo lang! Makakatikim ka sa akin kapag balik mo! Bubulyawan talaga kita! Gagapang ka talaga! Magmamaka-awa ka na hindi kita palayasin dito sa bahay! Kung may batas kayo sa Polaris, aba? May batas rin ako rito sa bahay!" Galit niyang message kay Serene. Si-nend niya iyon at napasimangot na kinuha ang kaniyang tuwalya sa likod ng pinto. Galit na galit siya sa ginagawa ni Serene. Pinagaalala siya nito at para na siyang mababaliw sa sobrang pag-aalala. Nanatili na masama ang loob niya habang naliligo. Sunod-sunod pa ang kaniyang mura habang iniisip kung ano pa ang i-mi-message kay Serene mamaya kung sakali na wala pa rin itong reply sa kaniya. Sinabunan niya ang kaniyang katawan at pinuno ng bula iyon. Nasa kasagdagan siya ng pagsasabon ng mukha niya ng bigla niyang marinig ang tunog ng kaniyang Cellphone. Dali-dali siyang lumabas ng banyo. Naka hubo't hubad habang puno pa ng bula ang kaniyang katawan, lalo na ang kaniyang mukha. "Serene!" Sigaw niya, na tila alam niya na si Serene ang tumatawag kahit hindi pa naman siya sigurado. Pilit niyang idilat ang kaniyang mata, pinasukan pa ng sabon ang kaniyang mata kaya naman ay humapdi iyon. Ngunit nang makita niya na si Serene pala ang tumatawag ay hindi niya inalintana ang hapdi sa kaniyang mukha. "Hello, Love!" Masayang sabi ni Rio. Parang natunaw ang kaniyang mga sinabi kay Serene na magagalit siya kapag nagparamdam ito. Buglang sumigla ang pakiramdam ni Rio. Excited talaga siyang marinig ulit ang boses nito. "Rio,uuwi na ako dyan mamaya sana. Okay lang?" Tanong ni Serene na mas lalong ikinalapad ng ngiti ni Rio. "Oo naman, mahal! Okay na okay! Saka bahay mo rin naman ito ano ka ba? Laging welcome ka na umuwi rito. Teka--- anong oras ka pala uuwi? Para makapag-luto ako?" Magiliw pang tanong ni Rio. "Tamang-tama, kaka-grocery ko lang, sabi ko na nga ba eh, uuwi ka na. Gusto mo bang paglutuan kita ng favorite mo ng beef nilaga? O kaya naman ng tinolang manok na may itlog?" Parang hindi maka-sabat si Serene kay Rio dahil excited talaga itong makausap siya. "O baka naman masakit ang katawan mo? Gusto mo bang mag-handa ako ng hot bath? Huwag kang mag-alala, ako ang kukuskos sa likod mo." "Ayos lang, Rio. Kahit hindi na. Huwag ka ng mag-abala. Baka rin kasi gabahin na ako nv uwi. Huwag mo na akong hintayin." Sagot pa ni Serene sa kabilang linya. Mas napangiti si Rio. "Pwede ba iyon? Na hindi kita hintayin? Basta mag-ingat ka Serene ha? Mamahalin pa kita mamaya." Pagka-baba ni Serene ng telepono at nagtatalon sa tuwa si Rio. "Yes! She's coming home!" Masayang sabi niya pa bago bumalik sa banyo para ituloy ang kaniyang paliligo. Nang matapos siya maligo ay agad siyang naglinis ng bahay. Pinalitan niya ang mga kurtina maski na rin ang kobre ng kama. Kinuskos niya ang banyo, naglinis ng kusina. Pati ang mga labada ay isinalang niya, bumili rin siya ng mga bagong damit ni Serene. Higit pa 'yon dahil inayos niya ang dating kwarto ni Baby Uno. Itinabi na niya ang crib na nakalagay roon at bumili ng isang single bed para kay Bella. May mga binili siyang mga laruan at damit na para kay Maribella. Alam niyang matutuwa si Serene kapag nakita iyon. Napatingin siya sa relo niya, nakita na hapon na kaya naman ay naisipan niyang isalang na ang karne para sa beef stew na lulution niya. Habang nakasalang iyon ay tinawagan niya si Serene. "Hello, Serene? pauwi ka na ba?" nakangiting sabi niya. "Rio? sabi ko mamayang gabi pa ako uuwi?" malumanay na boses na sagot ni Serene. Mas lalong napangiti si Rio. "Miss ka lang eh, Love? aside sa dinner natin, can I eat you afterwards?" "What the f*ck, Rio?" gulat na sabi ni Serene. Ganoon pa man ay nararamdaman niyang nakangiti rin ito. "I'll take that as a yes, okay?" pagkasabi non ni Rio ay ibinaba ni Serene ang tawag. Hindi niya mapigilan ang kilig na kaniyang nararamdaman na ngayon ay babalik na si Serene sa bahay niya. Matapos niyang mag-luto ay naisip ni Rio na matulog muna, para mas bumilis rin ang pag-lipas ng oras. Nagising siya at madilim na. Agad siyang bumangon at binuksan ang mga ilaw sa bahay. Napatingin siya sa orasan na naka sabit sa dingding. Nakita niyang mag 10 pm na kaya naman ay agad na nanlaki ang mata niya. "I overslept." Kinuha niya ang kaniyang cellphone at lumabas para sa may hagnan na hintayin si Serene. Ngunit hindi niya inaasahan na makita ito sa dulo ng hagdan. Nakaupo roon habang nakasandig ang ulo sa dingding. Nilapitan niya ito at napansin na natutulog roon si Serene. Napailing siya, "Sus! bakit kaya dito ito natulog ito? malapit na ang kwarto naisipan pang huminto rito at dito natulog?' Tinabihan niya si Serene at pinagmasdan ito, "Mahal? bakit ka naman humiga d'yan? braso ko ba iyan? mukha ba akong pasamano ng hagdan? swerte naman ng hagdan pogi" biro niya pa ngunit talagang tulog ito. Hinawi ni Rio ang buhok ni Serene na humaharang sa mukha nito, bago napangiti. "Kanina pa kita hinihintay tapos tulog ka lang pala rito sa labas? Sobrang pagod ka ba kaya hindi mo man lang nagawa na umakyat sa itaas?" mahina niya pang sabi habang pinapakatitigan ang maamo nitong mukha. Naaawa siya sa lagay ng asawa, sa paghahanap nito kay Maribella. Kita niya sa gilid ng labi nito ang isang maliit na sugat. Malamang ay nakuha nito iyon sa kalaban na naka-engkwento nito sa Polaris. Napansin niya rin ang pamamayat nito. Hinaplos niya ang pisngi ni Serene na tahimik at natutulog. "Huwag kang mag-alala, nararamdaman ko na malapit nang matapos ang pinagdadaanan natin. Alam kong malapit na natin makasama si Bella. At kapag nangyari iyon ay ayos lang na matulog ka magdamag sa bahay, bumawi sa pagod mo ngayon. Kahit hindi ka na umalis sa bahat at magkikilos. Ako na ang bahala mag-alaga kay Maribella, maski na rin sa mga magiging anak pa natin. Pangako, aalagaan ko kayo Serene." mahinang sabi ni Rio habang nakatitig pa rin kay Serene. Ilang sandali ay naalimpungatan ito, nagulat nang makita siya. "Rio?" napalingon si Serene at napansin kung nasaan siya. "Sorry, hindi ko namalayan, umupo lang ako saglit eh. Nakatulog na pala ako." Lumapad ang ngiti ni Rio at mabilis na dinampian ng halik si Serene sa labi. "Welcome home, wife! Can I have you now for dinner?" biro ni Rio. Napangiti si Serene sa sinabi nito bago napailing na lang. Kinuha ni Rio ang duffle bag na dala niya pagkatapos ay umakyat na sila. Ngunit nang buksan ni Rio ang pinto ng apartment nila ay mabilis siyang sinunggaban ni Serene ng mainit na halik pagkatapos ay hinatak siya papasok sa loob at mabilis na hinubad ang kaniyang pang-itaas. "Serene.." "I miss you too.. so let's make love." bulong ni Serene bago hinapit ulit si Rio at mapusok na hinalikan ang labi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD