Chapter 14

1875 Words
"The operation is one of the largest ever this past few months. And sad to say ay nakaabot na nga ang kabilaang child abduction maski na sa Acropolis." Sabi ni Rio sa harap ng mga reporters ng Acropolis na kaharap niya. Ikinagulat ng lahat iyon at sunod-sunod ang tanong na binitawan nila. "We tried to contain the case para hindi mag-serve ng panic sa buong Acropolis. But because of what happened, we decided to let the whole Peninsula na malaman ang nangyayaring pagdukot sa mga bata. At ang nangyayari na iyon ay malinaw na isang banta sa susunod na henerasyon ng Acropolis at Polaris." Wika pa ni Rio. "Ano ang ibig sabihin non, Police Detective?" Tanong ng isang reporter. "Base sa mga nalakap naming ebidensya. Ang pagkuha sa mga bata ay hindi lang dahil sa child trafficking or sa case ng pagkuha ng organs ng mga bata. Ang rason na nakuha namin na dahilan ng talamak na abduction ay para sa binabalak na bagong henerasyon ng mga sindikato sa Polaris." "Ang ibig sabihin na non ay kinukuha nila ang mga bata upang i-train maging member ng sindikato?" Tanong naman ng isa sa mga reporter. "Hindi pa tayo sigurado kung iyan ang tunay na dahilan. Ngunit sa pagtaas ng child abduction at walang report sa mga bangkay ng mga bata ay ibig sabihin na maaring isang location ang kanilang pinagdadalhan sa mga ito, para sa plano na kanilang binubuo. Kung sino ang leader, iyon ang hindi pa namin alam." "So ano ang plano ngayon ng buong N.A.M.G? Paano kayo nakakasiguro na buhay pa ang mga bata na nasa kamay ngayon ng mga sindikato sa Polaris?" Isang reporter pa ang nagtanong kaya natahimik ang iba upang marinig ang kaniyang isasagot. "Sa ngayon, nailigtas namin ang mahigit 156 na mga bata na biktima ng abduction. Galing iyon sa 5 sindikato na nahuli. Marami pa ring mga bata na nawawala, at hanggat hindi sila nakikita ay patuloy pa rin ang N.A.M.G operation namin sa Polaris. Hindi kami titigil sa paghahanap ng mga bata." Sabi pa ni Rio. Nagpatuloy ang tanungan. Isa-isa pa na nagbato ng mga katanungan ang reporters. Naguunahan, nagbabakasakali na masagoy ang kanilang katanungan. "Yung 156 na mga bata na nailigtas? Kamusta na sila ngayon?" "Depending on the level of needs, victims are offered medical and mental health counseling, as well as other services they needed. Ang ilan ay nakauwi na sa kanilang mga magulang ang iba ay hindi pa natatapos sa kanilang treatment." Sagot ni Rio sa reporter at napatingin sa kaniyang boss na sumenyas na. "For now, iyan lang ang maibibigay namin na impormasyon. Maraming salamat." Nagtanong pa ang ibang reporters ngunit tumalikod na siya. Humabol pa ang iba ngunit hinarang na sila ng ibang myembro ng N.A.M.G. Lumapit siya kay Boss Chief, agad na tinapik nito ang kaniyang balikat bago napangiti. "Congrats Rio, you've done a good job sa nangyaring Operation kanina. Maski na rin nitong mga nakaraan. Dapat talaga nung una pa lang ay ikaw na ang humawak sa case ng abduction." Wika nito. Parang nanghinayang siya. Umpisa pa lang ng may naitala sa acropolis tungkol sa child abduction ay sa kaniya na ibinibigay ang case for abduction. Ngunit tinanggihan niya dahil mas masyado iyong komplikado, isa pa. Ayaw niyang humawak ng mabibigat na kaso lalo na galing sa Polaris. Pero ngayon, naisip niya, paano kaya kung umpisa pa lang ay tinanggap niya na ang case? Naisip niya hindi siguro aabot saa punto na madamay ang anak niya. Siguro ay kasama pa rin ito ni Serene ngayon. Hindi man niya malaman ang tungkol sa anak ay at least ligtas ito. Hindi kagaya ngayon na hindi nila alam kung nasaan si Bella. Namghihinayang man, alam niya na may dahilan ang lahat ng ito. At gagawin niya ang lahat maibalik lang sa ayos ang lahat. At higit sa lahat ay ang maibalik si Bella para mabuo ulit ang pamilya nila. "Tumawag rin sa akin si General Ignacio. At talagang humanga sila sa iyo. Hindi lang iyon, maski ang leader ng Acropolis ay nais kang bigyan ng parangal. They even talked about your promotion. Mukhang ililipat ka na talaga sa group ni General ignacio." "Ganoon ba? Wala iyon, I'm just doing my Job, Boss." Tipid siyang napangiti. Hindi niya alam kung magandang balita ba iyon o ano. Pero dahil sa pagbabalik ni Serene, handa pa rin siyang bitawan ang lahat para lang sa asawa. Pagkatapos ng lahat ng ito at mahanap nila si Bella, maaring magbitiw siya sa trabaho at dahil na lang sa ibang bansa ang kaniyang mag-ina upang magkaroon sila ng buhay na mapayapa. Muling tinapik ni Boss Chief ang kaniyang balikat. "I'm so proud of you, Anak." Wika nito at napangiti siya. "Thanks, Dad." Kaya ganoon siya protektahan ni Serene dahil din sa dahilan na siya ang anak ng Chief of Detective. Kaya rin nangarap si Rio na maging Police sa umpisa pa lang ay dahil sa kaniyang ama. Ang kaniyang ama ay isa sa mga kinikilalang detective sa Polaris. Na ngayon ay naipasa na niya kay Rio. "So mukhang magiging kampante na tayo ngayon. Maari ka muna sigurong magpahinga." Wika ng kaniyang ama at napailing si Rio. "Hindi pa pwede, Dad. Masyado pang malalim ang case at may ilang bata pa rin ang nawawala. At kahit na ipinapakita ng mga ebidensya na ito na ang huking sindikato na maaring iugnay sa child abduction ay hindi pa rin tayo pwedeng makampante. As long as may nawawalang mga bata ay hindi tayo pwedeng huminto." Sambit ni Rio. Lumapad ang ngiti ng kaniyang ama bago muling tinapik ang balikat niya. "That's my son! Pinapahanga mo talaga ako kahit kailan. Noon pa man alam ko ng ikaw ang susunod sa yapak ko. Are you free tonight? Labas tayo nila Santi. Isama natin ang buong team para makapag-celebrate man lang." Pag-aya ng kaniyang ama habang papasok na sila ng head quarters. "Pass na muna, Dad. Dami ko pang gagawin. Babawi na lang ako sa susunod." Tumango ang kaniyang ama. "No problem, Anak." Kinuha niya ang kaniyang gamit sa kaniyang table at pumunta na sa kaniyang sasakyan. Pagkaupo niya sa drivers seat ay napatingin muna siya sa kaniyang Cellphone upang tignan kung may message na mula kay Serene. Ngunit kagaya na lang ng mga nag-daang araw ay wala siyang natanggap na isa. Napailing siya at nagsimula ng mag-drive pauwi. Iniisip niya na baka ay nasa bahay na si Serene at hinihintay siya. Ngunit ganoon pa rin. Walang bakas ni Serene kahit na isa. Medyo hindi naging maganda anv mood ni Rio ng pag-uwi niya. "Tangina! hindi ko na nga alam kung nasaan ang anak ko. Ngayon naman hindi ko alam kung nasaan ang asawa ko? Tangina! 3 weeks wala pa rin siyang message maski isa?!" Galit na sabi niya bago napaupo sa sofa. Para siyang mababaliw kakaisip. Hindi niya kaya na lumipas ang araw na ito na wala man lang siyang balita mula kay Serene. Alam niyang mahigpit na bilin nito na wag tatawag lalo na kapag nasa Polaris siya. Pero hindi na talaga kaya ni Rio. Kinuha niya ulit ang kaniyang cellphone at sinubukan na tawagan si Serene. Ngunit nakapatay ang telepono nito. "F*ck!" Mura niya pa at halos ihagis na ang bagay na malapit sa kaniya. "Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, Serene? Maski man lang message wala? Ano ba naman yung sabihin mo sa akin na maayos ka lang. O kung nasaan ka para alam ko naman kung saan kita pupuntahan kapag napahamak ka? Ano ito? Mag-isa na naman ako? Maghihintay na naman ba ako ng walang kasiguraduhan kung babalikan mo ako?" Galit niyang sabi habang nakatingin sa picture nila ni Serene na nasa frame sa harapan niya. Hinaplos niya ang mukha ng kaniyang asawa sa frame. "Nagagalit ako kasi hindi dapat ganito. Dapat maagkasama tayo hindi yung ganito. Ganoon pa man kahit magalit ako, mahal pa rin kita." Napabuntong hininga siya habang patuloy na pinagmamasdan ang mukha ni Serene. "I miss you so much, Serene." ____ Napatingin si Serene sa huling message sa kaniya ni Ace. Nakailang missed calls kasi ito at nag-message sa kaniya na kailangan nilang mag-usap dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Pero ngayon na sinusubukan niya itong tawagan ay hindi ito sumasagot. Maski na sa text ay hindi ito sumasagot. Which is para kay Serene ay napaka-imposible. Ganoon pa man ay kinabahan siya, nag-alala sa kaibigan dahil baka may masamabg nangyari rito kaya naman ay naisipan niya na puntahan ito sa bahay niya. Agad siyang pumasok sa gate at sakto naman na nakita itong palabas ng bahay. "Ace!" Tawag niya sa kaibigan bago nilapitan ito. "S-Serene?" Wika nito bago pinakatitigan siya. "What are you doing here?" Tanong nito na tila nagtataka kung bakit siya nandito. "I decided na puntahan ka, so ano? Kamusta ka naman dito?" Tinignan ni Serene ang kaibigan simula ulo hanggang paa, baka kasi napano ito. "Maayos lang ba ang kalagayan mo rito?" Pero sa itsura nj Ace ay mukhang maayos naman ito. Medyo nagtataka nga siya dahil parang bihis na bihis ito. Ang Ace kasi na kilala niya ay simplea lang manamit. Pero ang kaharap niya ngayon ay sosyal ang suot." "H-Ha? Why did you asked?" Tanong pa ni Ace sa kaniya. Napakunot ang noo ni Serene. "Kasi nag-alala ako. Tinatawaga kita pero hindi ka sumasagot. Sabi mo may sasabihin kang importante kaya ako napa-sugod ngayon. Ano ba yung sasabihin mo ha?" Tanong niya pa. "Ako? May sasabihin? Ahh wala iyon. Nag-alala lang rin ako sa iyo kaya napatawag ako. Alam kong busy ka kaya naman nag-message ako ng ganon para naman ay mag-reply ka sakin. But I'm fine. Nothing to worry about." Sagot pa nito. Napabuntong hininga si Serene. "Ganon? Okay. Pinakaba mo naman ako. Akala ko pa naman ano na ang nangyari sa iyo." Umiling si Ace at napangiti. "Thank you, Serene sa pag-aalala mo. But I'm fine. Na-busy lang talaga ako, pero huwag kang mag-alala hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap kay Maribella. Ikaw? Kamusta ka? Kaya ako tumawag kasi nag-aalala talaga ako." Tipid na ngumiti si Serene. "Aside from Arellano and Luciano. Perez Marcelo, The Dong-An Syndicate, Mercado Luiz Cartel and Anton Feliz, They're all dead." Sambit ni Serene na tila magandang balita. Sa tatlong linggo na nawala siya ay sinunod sunod niya ang mga sindicato na iyan. Lumapad din ang ngiti ni Ace. "Oh? Talaga? Nakakasiguro ako na sa ginawa mong iyan ay mas lalong mapapadali ang paghahanap natin kay Maribella. Pero Serene, magiingat ka pa rin." Paalala ni Ace Tumango si Serene. "Alam ko ang ginagawa ko, Ace." "Good, so ano dito ka mag-stay for tonight? Gusto mo bang ipahanda ko na ang kwarto mo?" Tanong pa nito kaya napailing si Serene. "Hindi. Wala akong panahon na mag-sayang ng oras para magpahinga. Marami pa akong liligpitin." Aniya bago tipid na napangiti si Kaibigan. "Siniguro ko lang talaga na maayos ang lagay mo. Ngayon naman na nakita kong okay naman ay aalis na ako, Ace." "Sure. Sige, magiingat ka ha?" Tumango si Serene pagkatapos ay umalis na ng bahay ni Ace. Naglakad siya palayo ng mapansin ang isang text message sa kaniyang Cellphone. From unregistered number iyon. Binuksan niya ang message at hindi inaakala ang mensahe na kaniyang mababasa. "Don't trust, Ace. Ginagamit ka lang niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD