Nagising si Serene na wala ni isang saplot. Sa carpet ng sala ay nakakalat ang mga unan, kumot kung saan natulog sila ni Rio kagabi. Hinapit niya ang kumot upang ibalos sa kaniyang katawan. Nakita niya sa hindi kalayuan si Rio na nagbibis at mukhang kakatapos lang maligo nito.
Pumasok sa isipan niya ang nangyari sa kanilang dalawa.
"Rio.." tawag niya kay Rio bago napaupo ng maayos. Nakatapis pa rin sa kaniyang katawan ang kumot
"Love? Oh! Good morning mahal ko. Gising ka na pala." Bati ni Rio habang hindi pa nagbo-botones pa ito ng pantalon niya, hindi pa nakasuot ang kaniyang shirt. Basa pa ang buhok nito at tumutulo.
Pinakatitigan ni Serene ang kaniyang asawa na gwapong gwapo ngayong umaga.
"Huwag ka munang tumayo. Just sleep alam kong wala ka pang tulog. Magpapaalam lang ako at aalis muna saglit. May niluto ako dyan na breakfast. Kumain ka muna, ayoko na nalilipasan ka ng gutom." Lumapit si Rio habang sinasabi niya iyon.
"Saan ka pupunta?" Tanong naman ni Serene. She look beautiful this morning. Lalo pa dulot ng mamula-mula niyang balat. At hindi mapigal ni Rio na pakatitigan siya.
"Nakakuha ako ng update doon sa case ni Maribella. Kailangan kong puntahan ang location."
Agad na bumakas ang pag-asa sa mukha ni Serene. "Nasaan ang location? Pupuntahan ko din. Hindi na lang ako papakita para hindi ka sumabit" aniya.
Umiling si Rio. "Huwag na, ako na ang bahala. Dito ka lang." Simple niyang sabi. Napailing naman si Serene at napansin iyon ni Rio. "Kumain ka na ng breakfast tapos matulog ulit. Dalawang oras lang ang tulog mo. Ang gusto ko sana ngayong araw na makapagpahinga ka muna. Bumawi ng tulog. Hindi ka na nga kumakain, hindi ka pa natutulog. Baka kasi magkasakit ka niyan sa ginagawa mo."
Napasapo si Serene sa kaniyang batok. Medyo mabigat pa rin talaga ang pakiramdam niya. Dahil totoo ang sinabi nito. Wala pa kasi talaga siya matinong tulog dahil sa paghahanap niya kay Bella.
"Ayos lang ako, Rio." Dahilan niya pa.
"Kahit na, Rio. Nag-aalala na ako sa iyo. Hayaan mo muna ako na ako ang mag-asikaso sa paghahanap kay Bella. Sige ka kapag ako nag-alala pa masyado, baka maubusan ka lalo ng lakas." Banta pa nito habang nakangiti.
Hindi rin napigilan ni Serene ang kaniyang mga ngiti.
Nagsuot si Rio ng kaniyang shirt at binotones iyon habang hindi inaalis ang tingin kay Serene.
"Wala ba akong goodbye kiss?" Tanong ni Rio kaya napangisi si Serene.
Sumenyas ito na lumapit siya. At paglapit ni Rio sa kaniya ay hinatak niya ito para halikan sa kaniyang labi. Natumba pa sila sa sahig at kinubabawan siya ni Serene habang nagpapalitan sila ng mga halik.
Matapos ang ilang segundo ng paghahalikan nila ay lumayo si Serene at napatitih kay Rio. "Mag-iingat ka ha?"
Muli siyang hinapit ni Rio at hinalikan sa labi. "I will."
Pinagmasdan ni Serene na umalis si Rio, at nang makasiguro siya na wala na ito ay agad siyang tumayo. Nagtungo siya sa laptop ni Rio na ginagamit nito sa trabaho. May password iyon, agad siyang napaisip kung ano ang posibleng password non. Sinubukan niyang i-type ang pangalan ni Rio ngunit hindi iyon ang password. Sinubukan niyang ilagay ang birthday nito, ang number ng license nito maski na rin ang date ng kasal nila ngunit hindi pa rin iyon bumukas. Saglit siyang napatigil, nag-isip kung ano pa ang posibleng gawing password ni Rio.
May naisip siya, maaring hindi pero hindi masama kung susubukan niya. Nag-type siya at hindi niya inaasahan na pagka-enter niya ay bumukas ang laptop ni Rio.
"Pangalan ko ang password niya?" nakangiti niyang sabi bago agad na naupo sa upuan.
Binuksan niya ang tab at nakita ang site ng N.A.M.G kung saan naka-log in si Rio. Binuksan niya ang isang report doon na kaka-send lang nito itong umaga. Tungkol iyon sa case ng abduction, sa location na pupuntahan nila ngayon. Mga larawan ng lugar na galing sa spy ng Acropolis sa Polaris.
Pero alam na niya iyon, napuntahan naniya ang lugar na iyon sa Polaris kaya nakakasiguro siyang wala rin doon si Maribella.
Para kay Serene, tapos na ang pagpapahinga niya, kailangan niyang umalis ulit para maghanap kay Bella. Hindi niya naman kayang gawin ang inuutos ni Ace at Rio sa kanya na magpahinga muna at hayaan sila na maghanap sa anak niya.
She can't stay here, doing nothing. Tapos yung anak niya ay nasa kamay ng masasamang tao. Nanganganib ang buhay niya ngunit para kay Serene ay marami pang paraan napara mahanap niya ang anak ng hindi siya napapahamak.
Agad na nagbihis si Serene at tinawagan si Rio. Nang sagutin nito ang tawag niya ay agad siyang nagsalita.
"Rio, negative." aniya.
Natahimik saglit si Rio bago sumagot. "Negative? Wait ka lang kakagawa lang natin kagabi. That's why mahiga ka lang at magpahinga. We can make a baby again tonight."
"What are you saying? Ang sinasabi ko na negative ay yung mission niyo. Wala na kayong aabutan diyan at wala rin si Bella diyan dahil napuntahan ko na ang lugar na iyan. " nakakunot ang noo niyang sabi kay Rio.
"Oh, akala ko nag-take ka ng pregnancy test."
"Gago!" mura niya sa biro nito sa kaniya.
"Nagiging masungit ka na. Tingin ko ay buntis ka na talaga." natatawang sabi pa ni Rio mula sa kabilang linya.
"Rio, hindi ako natutuwa sa biro mo." Sermon niya kay Rio kaya natahimik ito sa kabilang linya. "Ang dami kong iniisip. Ang gulo ng utak ko tapos ikaw parang hindi ka seryoso. Wala ako sa mood na makipaglaro Rio. Hinahanap ko ang anak natin, kaya kung hindi ka seryoso para tulungan akong hanapin siya huwag mong sayangin ang oras ko. Akala ko pa naman na naiintindihan mo ako dahil sa pag-uusap natin kagabi pero parang mas lumala ka. Hindi ko alam kung papaano mo nagagawang magbiro samantalang nawawala pa rin ang anak natin."
"I'm sorry." Agad na sabi ni Rio. "Hindi ko naman intensyon na ma-offend ka o magalit ka o kaya naman sayangin ang oras mo. Gusto ko lang kasi sana na balansehin yung mga nangyayari kasi alam ko naman na marami kang iniisip. Alam kong nalulungkot ka kaya gusti lang kitang patawanin. Na okay lang na naiinis ka sa akin, na susungitan mo ako kaysa sa malaman ko na umiiyak ka. Ayoko yung nagpapakain ka sa lungkot. Ito lang kasi yung kaya kong gawin sa ngayon para kahit papaano mapatawa ka. Na ngumiti ka kahit saglit lang."
Napabuntong hininga si Serene. Naiintindihan niya si Rio. Kilala niya kung anong klaseng tao ito. At nawala sa isip niya kung paano ito mag-isip sa mga problemang kagaya na lang na meron sila ngayon. Noon pa man kapag may problema sila ay idinadaan nito sa biro para hindi na siya masyadong maapektuhan pero kahit na ganoon ay nareresolbahan agad iyon ni Rio. Naguilty sya sa paliwanag nito, pero kasi nagpatong-patong na ang pagaalala kay Serene kaya naman ay nakapabitaw siya ng ganoon salita.
"Hayaan mo na, pasensya na rin. I'm just tired and worried. Sige na ibababa ko na ang tawag--"
"Serene? may itatanong lang sana ako." sabi pa ni Rio kaya napatigil si Serene sa pagbaba ng tawag.
"Ano iyon?"
"Yung nangyari sa atin kagabi? hindi lang naman wala iyon para sa iyo hindi ba?"
Napabuntong hininga si Serene. Alam niya rin naman na hindi lang dahil sa bahid ng alak kaya may nangyari sa kanila kagabi. Ginusto niya iyon, at sa kaniyang pagkakaalala ay nag- I love you siya kay Rio kagabi.
"Pag-iisipan ko." simple niyang sagot.
"Okay.. sige na, magpahinga ka na diyan. See you later, mahal ko." masayang sabi ni Rio bago ibinaba ni Serene ang tawag.
Napabuntong hininga si Serene bago naisipan na kunin ang duffle bag na inilagay niya sa ilalim ng kama. Agad niyang issinuklib iyon sa kaniyang balikat pagkatapos ay umalis na.
---
Napatingin si Serene sa warehouse na ilang araw na rin niyang minamanmanan. Hindi niya ma-tymingan si Luciano na bumalik sa warehouse na ito. Pero ngayon nakakasiguro siya na pupunta ito ngayon.
Sa ilang araw na hindi niya pagbalik sa Polaris at si Astrid lang ang nagbibigay sa kaniya ng balita tungkol sa mga syndikato ay napagalaman niyang bumalik na sa dating gawain ang mga sindikato dahil akala nila ay hindi na siya babalik sa Polaris. Nalaman niya ang galaw ng sindikato ni Luciano at napag-alaman niyang ngayon dadalhin sa warehouse na ito.
Saglit niya pang tinignan ang loob ng warehouse ng mag-vibrate ang telepono niya. Nakita niya na naman na sinusubukan ni Rio na i-locate ang location niya. Nakita niya rin ang ilang mensahe nito na kanina pa siya hinahanap. Napailing siya at akmang papatayin ang kaniyang cellphone ng bigla ulit iton nag-ring.
Tumatawag ulit si Rio.
Wala siyang nagawa kundi sagutin iyon.
"Rio, I can't accept calls right now." Mahinang boses na sagot niya kay Rio.
"Wala ka sa bahay, nasa Polaris ka?" Mabilis at malakas ang boses na tanong nito kay Serene.
"Oo, may kailangan lang akong ligpitin--"
"Serene, hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag no ng uulitin iyon?" Putol na tanong ni Rio kaya napabuntong hininga si Serene.
Saglit siyang napatingin ulit sa loob ng warehouse bago sumagot kay Rio. "Hindi pwedeng hindi, Rio. Ito lang ang paraan natin para mapalabas ang kumuha kay Serene. Saka malaking transaction ang meron ngayon. Hindi ko pwedeng palagpasin ito dahil baka nandito si Maribella."
Narinig niya ang muling pagtaas ng boses ni Rio. "Serene, dadaananin natin sa maayos na paraan hindi ba? Sabihin mo kung saan iyan? Pupuntahan kita!"
Napailing si Serene. "Walang maayos na paraan, Rio. Kundi ito lang. Kaya ko ang sarili ko. Hayaan mo na lang ako, Please. Mamaya pagtapos ko, sasabihin ko kung saan rin ang exact location na ito para makuha niyo ang mga bata."
Narinig niga na napabuntong hininga si Rio. "Anong oras ka pala uuwi?" Tanong ni Rio.
"Hindi ako makakauwi mamayang gabi."
"Bukas?" Agad na tanong ni Rio sa kaniya.
"Hindi rin ako makakauwi bukas. Kung kailan, hindi ko rin alam. Sapat na yung ilang araw na namahimik ako, Rio. Nawawala pa rin si Bella kaya kong kumilos para mahanap na natin siya."
Ang totoo ay umalis siya at hindi nagpaalam kay Rio dahil alam niyang hindi talaga ito papayag sa gusto niya. Mahihirapan lang siyang umalis lalo kapag sinabi niya ang mga plano niya sa harap mismo ni Rio. Kaya mas okay na rin ito ngayon na nasa malayo na siya, at least wala ng magagawa si Rio.
"Akala ko ba magkasama natin hahanapin si Bella? Bakit kailangan mong lumayo? Kung kailangan mo magtagal sa Polaris bakit hindi mo ako isama? Mas makakampante ako kung magkasama natin na hinahanap si Bella. Ayoko ng mag-isa ka lang." Malungkot na sabi ni Rio sa kaniya.
Ito ang iniiwasan ni Serene. Nahihirapan siya ngayon dahil sa namamagitan sa kanila ni Rio. Maski rin naman siya ay ayaw niyang mawala si Rio sa kaniyang paningin. Ngunit mas makakabuti kung hindi sila magsasama. Dahil mas malaki ang posibilidad na mapahamak ito kapag kasama siya.
"Alam mong hindi pwede iyang sinasabi mo. Kilala ka sa Polaris bilang isang Police Detective. At kilala rin ako bilang nagiisang Chaves Fernando. Kapag sumabit ako damay ka. Pera lang ang katapat ng mga taga rito na kumanta kapag nakita na magkasama tayong dalawa. Ang gawin mo diyan, hanapin mo si Bella sa paraan na alam mo. At alam kong makakaya mo iyon, Rio."
Muli niyang narinig ang pagbuntong hininga ni Rio sa kabilang linya. "Serene... Mag-iingat ka please?"
Napatango si Serene. "Ikaw din, Rio."
"Para kay Maribella.." wika ni Rio at muling tumango si Serene.
"Para sa anak natin." Pagkasabi non ni Serene ay ibinaba niya ang cellphone at dumeretso na papasok ng warehouse.
Sakto ay dumating ang isang kulay itim na sasakyan at bumaba roon si Luciano kasama ang ilan sa mga leader na nagpapatakbo ng sindikatong ito.
Sa likod nila ay may dalawang sasakyan na punong-puno ng bata na agad ipinasok sa loob ng warehouse. Pinagmasdan niya ang mga bata, tila hinahanap si Bella pero hindi niya ito nakita.
Nang masiguro siya na nakapasok na lahat ng mga bata at secured na ay lumapit pa siya at ihinagis ang dagger na hawak niya sa isang bantay kaya natumba ito.
Nang maalerto ang mga bantay doon na nandyan siya ay mabilis na dumukot ng baril si Serene at pinaputukan lahat ng miyembro ng sindikato.
Sa bilis ng kilos ni Serene ay sa isang iglap lang ay naubos niya ang mga bantay. Hanggang si Luciano na lamang ang naiwan.
Agad na nangatog ito sa takot dahil wala ng magtatanggol sa kaniya.
"Hindi kami ang kumuha sa anak mo, Seren! Maniwala ka man sa hindi, wala rito ang anak mo. Maawa ka! Huwag mo akong patayin!" Pagmamakaawa pa ni Luciano habang papalapit sa kaniya si Serene.
"Alam kong wala dito ang anak ko. Pero gusto kong magbigay ng mensahe sa kumuha sa kanya."
Nanlaki ang mata ni Luciano. "Pero bakit kailangan madamay ako? Wala akong kinalaman dito!"
"Simula ng nakipagtulungan ka sa pumatay sa pamilya ko, damay na kayo. Isa pa, balita ko na nagpatawag kayo ng pulong para patayin ako. Tapos ngayon itatanong mo kung bakit damay ka?" Natatawang sabi ni Serene sa kaniya.
Gumapang ito at nagmakaawa. "Kaya ba ginawa mo ito ngayon?" Tanong pa nito.
Tinuro ang anak ni Luciano na kaniyang tagapagmana ngunit patay na ito.
Napatingin si Serene sa mga pinatay niya at nakahandusay sa sahig. Bago bumalik ang tingin kay Luciano. "May tatlong segundo ka para umamin."
Umiling si Luciano at halata ang takot sa mata niya. "Hindi ako ang---"
Hindi na nito natuloy ang kaniyang sasabihin ng bigla siyang barilin ni Serene sa ulo.