"Regan?" Sambit ni Serene sa pangalan ng lalaking nasa harapan niya.
Binalot siya ng ng pag-tataka at pagkabigla na ito ang nakita ngayon.
Hindi niya inaasahan na si Regan ang kapalitan niya ng mga mensahe.
"Anong ibig-sabihin nito?" Tanong niya pa.
Lumapit si Regan. "Akala ko ba ay gusto mong makipag-kita? Nandito na ako."
Ang pag-asa niya na mapagkakatiwalaan ito ay biglang naglaho. Paano si Regan ang nagpapadala sa kaniya ng mga Mensahe. Isang leader rin ng Sindikato na may cartel ng child abduction at human trafficking? Paano niya mapagkakatiwalaan ito?
Naisip ni Serene na baka ginagamit siya nito. Agad naman na napansin ni Regan ang kaniyang reaction kaya napangiti ito.
"Nagdududa ka na ba sa akin ngayon, Serene? Nagdadalawang isip kung pagkakatiwalaan ako, ngayon na nalaman mo na kung sino ang nagbibigay sa iyo ng impormasyon?" Sumaas ang sulok ng labi nito. "Akala ko pa naman ay napakataas ng tiwala mo sa akin?"
Hindi nakapagsalita si Serene sa sinabi ni Regan. Nanatili siyang nakatuod sa harapan nito. Paulit-ulit na iniisip kung paano nagagawang magbigay ng impormasyon ni Regan. Saan niya nakuha ang mga kaalaman niya?
"Ganito lang iyan, Serene. Pwede kitang tulungan ng kagaya lang ng unang pagtulong ko sa iyo. Impormasyon ko, kapalit ng impormasyon mula sa iyo. O tutulungan kita kasama ang buong team, pero hindi ibig sabihin non na absuwelto ka na sa mga kasalanan mo sa batas."
Sambit pa ni Regan.
Mas lalong ikinabigla iyon ni Serene. Ang ibig sabihin ba nito ay.. "Isa kang Pulis? Paano?"
Napangiti si Regan. "Ang nalaman mo ay isang confidential information. Lalo pa ay ikaw ang namumuno ngayon sa Polaris. Pero alam mong isa lang ang paraan upang mas madaling malaman ang mga patakaran at galawan sa lugar na ito. At iyon ay ang maging bahagi rin ng Polaris."
"Kailan ka naging Pulis?" Tanong ni Serene. Matagal na niyang kilala si Regan. Bago pa lang ang syndikatong nabuo noon na under sa kaniya ay kilala na niya ito.
Never in her might na maisip na isang pulis pala si Regan.
"Sabihin na lang natin na bata pa lang ako ay tinatak na sa isipan ko lahat ng batas. At ano bang mabisang paraan para mahuli ko kung sino ang nas likod ng mga gawain sa Polaris?"
"Ikaw ang taksil sa Polaris, Regan!"
Napakuyom ang kamao ni Serene. Kung ganoon na matagal na ngang may kinalaman ito. "Ikaw ang may kagagawan kung bakit pinatay ang pamilya ko!" Galit niya pang sabi na tila hinahamon si Regan.
Ngunit nanatiling kalmado si Regan sa harap niya.
"May trabaho akong sinumpaan Serene. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. At isa pa, hindi ang kapulisan ang pumatay sa pamilya mo. Mas gusto namin siyang mahuli ng buhay noon dahil maraming impormasyon kami na nais makuha sa kaniya. Alam mo kung sino ang tunay na punatay sa pamilya mo?" Tanong ni Regan at nanatiling natahimik si Serene. "Ang Polaris ang punatay sa buong pamilya mo. Ang mga kaalyado ng ama mo na ayaw siyang pagsalitain para hindi madamay ang pamilya nila. Kaalyado ng ama mo na si Ace."
Mas lalong namuo ang galit sa dibdib ni Serene. Tama naman ito. Pero hindi maalis sa kaniyang isipan na isa rin si Regan sa mga may kinalaman.
"Kakampi mo si Ace, tapos ngayon ay nais mo siyang patumbahin?" Sambit ni Serene na hindi naman itinangi ni Regan.
Kasama kasi ito sa listahan na ibinigay ni Astrid. Kaya alam ni Regan ang tungkol sa thanksgiving.
"Ang isa sa pinakamadaling paraan para makuha ang loob ng isang kaaway ay ang sumali ka sa kanila. Ipakita mo sa kanila na nasa kanila ang panig mo. Sa tingin mo? Malalaman ko ba ang mga impormasyon na nalaman mo tungkol kay Ace, kung hindi niya ibinigay ang kaniyang tiwala sa akin?" Sambit ni Regan bago tumaas ulit ang sulok ng labi nito. "Batas ang kakampi ko, Serene. Nagta-trabaho ako sa batas. Kasama ko si Rio noon, alam mo naman siguro ang tungkol sa trabaho niya noon. Dahilan kung bakit mo rin siya iniwan. Ngayon batas lang rin ang hinihingi kong kapalit para buong tulungan kita."
Si Regan ang tumapos sa trabaho ni Rio. Dahil hindi nito nagawa dahil sa kaniya.
"Alam ba ni Rio ang tungkol rito?" Tanong ni Serene.
Agad na napailing si Regan. "Huwag kang mag-alala. Wala siyang nalalaman. Matagal ng binitawan ni Rio ang totoong trabaho niya sa N.A.M.G. sayang lang talaga, edi sana ay mataas na ang katungkulan niya ngayon. Sana ay siya ang nasa posisyon ko. Siguro sana siya ang kausap mo ngayon."
____
Bumalik si Serene sa head quarters dala ang ilan sa impormasyon na kakailangan niya. Kapalit ng kasunduan na hinihingi ni Regan.
Napatingin siya sandali sa kaniyang cellphone at nakita roon ang mensahe na pinadala nito.
"Pwede naman na kalimutan ang kasunduan kung nagdadalawang isip ka. Magbibigay na lang ako ng impormasyon. Pero hanggang doon lang. "
Ibinaba ni Serene ang kaniyang Cellphone.
Alam niyang hindi sapat iyon. Magiging malaking tulong si Regan kung sakali. Ganoon pa man ay hindi rin basta-basta ang hinihiling nitong kapalit.
Pero alam naman ni Serene na posibleng mangyari rin ang gusto ni Regan, itinatak na ni Serene sa isipan niya na mangyayari iyon kapag nahanap nila si Bella. Kaya pinagiisipan niya ng mabuti kung tatanggapin niya ang alok nito.
Napabuntong hininga si Serene, pagkatapos ay pumasok sa loob ng opisina kung nasaan si Astrid, ngunit bago pa man niya mapuntahan ito ay humahangos itong papalapit sa kaniya.
"Serene! Oh my God! tumawag sa akin si Ace!" Natatarantang sabi nito sa kaniya.
Agad naman na kinabahan si Serene sa pakay ni Ace. "Anong sabi niya?"
"Serene, sabi niya, kung gusto mo daw makita si Maribella ay pumunta ka sa plaza Merdez bukas ng hapon. Tapos sinend niya ito." sabi ni Astrid pagkatapos ay ipinakita ang isang picture.
Isa iyong Teddy bear.
Agad na nanlaki ang mata ni Serene sa kaniyang nakita. Hindi siya pwedeng magkamali dahil alam niyang kay Maribella ang Teddy bear na iyon.
Pinagmasdan niya ang litrato at simulang pumatak ang kaniyang mga luha. "Kay Maribella ito, Teddy bear ng anak ko ito."
--
Halos hindi nakatulog si Serene ng dahil sa nangyari, sa sinabi ni Ace at sa teddy bear na ipinakita nito.
"Nasa kaniya nga ang anak ko! walang hiya siya! anong ginawa ko sa kaniya para gawin sa akin ang bagay na ito? bakit niya kinuha sa akin si Bella? buong buhay ko ay tinrato ko siya na isang pamilya? iyon pala ay may balak siyang masama." Galit na sabi ni Serene.
Grabe ang tindi ng sama ng loob na nararamdaman niya ngayon dahil talagang sigurado na siyang si Ace ang nasa likod ng pagdukot sa nak niya. Na si Ace ang nasa likod ng nangyayaring ito.
Nasa isip ni Serene, kung may nagawa man siyang kasalanan kay Ace ay sana siya na lang ang ginantihan nito. Sana ay hindi na nito dinamay ang anak niya dahil walang kasalanan si Bella.
Kinaumagahan ay hindi mapakali si Serene. Kinuha niya ang mga kailangan niya bago naghanda na papunta sa Plaza Merdez kung saan sinasabi ni Ace na magkikita sila. Aagahan niya, para sakali na maunahan niya si Ace, baka mabawi niya agad si Maribella.
"Serene, sasamahan ka namin, hindi pwedeng hindi." sabi ni Astrid kaya agad na napa-iling si Serene.
"Ako lang pupunta mag-isa at hindi kayo pwedeng sumunod." Matinding bilin niya na hindi nila pinangsang-ayunan.
"Serene, maaring patibong ang pagpunta mo sa Plaza Merdez. Huwag kang papalinlang sa kagustuhan ni Ace.
Umiling si Serene dahil sigurado na talaga siyang umalis at pumunta roon ng mag-isa. "Maaring patibong, at maari rin na hindi. Kung naroon ang anak ko ay mas lalong kailangan kong pumunta. Kung may binabalak sila sa akin na masama, kaya ko ang sarili ko kaya huwag na kayong mag-alala."
Pagkasabi non ni Serene ay wala na rin silang nagawa. Dali-daling umalis si Serene at nagtungo sa Plaza Merdez.
Marami ng tao kahit umaga pa lang, kaya naman kailangan niyang talasan ang kaniyang mata. Kung dadalhin ni Ace si Maribella sa lugar na ito ay kailangan na hindi siya malingat.
Sinisiguraduhin niyang maililigtas niya si Maribella ngayong araw.
---
"Mag-isa lang siyang nagpunta, Ace." wika ni Sasha kay Ace na kaharap niya ngayon.
Hindi iyon inaasahan ni Ace kaya naman ay nabigla siya. "Talaga? hindi ko akalain na ganoon katapang si Serene. Hindi pala siya takot sa isang kagaya ko. Haha! Ngayon, nakakasiguro ako na hindi rin pala basta-basta ang kinakalaban ko." aniya sabay uminom ng wine mula sa hawak niyang baso.
"Ano ang gusto mong gawin ko, Ace? Pagkakataon na natin ito." sabi pa ni Sasha.
Umiling si Ace bago napangiti. "Hayaan niyo lang siya, Pinapaamo ko lang ang isang iyan. Kasi kung tunay nga na wala siyang takot sa kagaya ko ay mas lalong kailangan natin siya para sa nga plano natin sa Polaris. Sa ngayon ay hayaan muna natin siya na mabaliw kakahanap sa anak niya."